chapter 10

10 2 0
                                    

Danielle France Austin on the media

Clyde's POV

Ano ba ang nangyayari sa 'kin? At bakit ko siya HINALIKAN kagabi? Nababaliw na ba ako? Oo, lasing ako kagabi. Pero hindi naman talaga lasing katulad ni Ashley. Pagkatulog ng mga girls ay hinatid namin sila sa bahay nila. At hinatid na rin sa kwarto nila. Pero wala kaming ginawang masama sa kanila noh. Nandito pala kami sa sala sa bahay nila, kung sasabihin kong bahay nila. Bahay ng mga babaeng 'yun.

Hindi ko pa rin naintindihan kung ba't ko siya HINALIKAN. Hindi ko rin sinabi sa kanila na hinalikan ko si Ashley. Dahil baka mabigla sila o sasabihin pa nilang may gusto ako sa babaeng 'yun. Kahit wala naman talaga. At baka rin sabihin nila sa mga girls na hinalikan ko si Ashley na hindi sinasadya. Hindi ko na talaga ulit gagawin 'yun.

Ashley's POV

Unti unti akong dumilat at bumangon. Ang sakit sakit ng ulo ko. Ang dami ko yatang nainom kagabi. Teka! Bakit nasa kwarto ako? 'Di ba nasa bar ako? At.......

"HINDIIIIIIIIIII!!!!!" Sigaw ko. Hindi maaari! Nagkiss talaga kami?! First kiss ko siya. Bakit kasi ako tumugon? Dapat tinulak ko siya. Biglang may kumatok sa pinto. Tumayo ako at binuksan ang pinto. At nakita ko sila Fancy, Zie, Loiza at Heily.

"Anong nangyayari sa'yo?" Tanong ni Fancy na alalang alala. Ano bang sasabihin ko sa kanila. Sasabihin ko talaga ang totoo na nagkiss kami?! Pero hindi pwede. Baka ano pang sabihin nila.

"Wala, nanaginip lang ako." Pagsisinungaling ko. Hindi nila pwede malaman. Kailangan kong umakto na walang mukhang nangyari kagabi.

"Ahhhh... Akala kasi namin na may nangyari sa'yo eh." Sabi ni Fancy. Whew! Buti napaniwala ko sila.

"Sino pala naghatid sa'kin dito sa kwarto ko?" Tanong ko sa kanila.

"Ang mga lalaking 'yun." Sabi ni Zie. Sila Clyde? Wag mong sabihin na nasa baba sila.

"Asan sila ngayon?" Tanong ko.

"Nasa baba." Sabi ni Loiza. Sila nasa baba?! Ayaw ko sila makita, lalo na si Clyde. Nahihiya ako sa nangyari kagabi. Ano na lang sasabihin ko sa kanya?! Nakwento na kaya niya sa mga lalaking 'yun?! Ghad! Ayaw ko talaga siya makita. Hindi naman pwede na papaalisin ko siya. Baka sabihin pa nilang may nangyari kagabi. Hindi ko rin pwede na paalisin silang lahat. Dahil hinatid nila kami dito sa bahay. Ano ng gagawin ko?!

"Ashley, ok ka lang ba? May problema ba? Kanina ka pa wala sa sarili mo." Sabi ni Fancy na alalang alala. Wala na yata ako sa sarili ko. Nababaliw na ako sa kakaisip kung paano ko siya harapin. Alam ko na. Aakto na lang ako na hindi ko alam ang nangyari kagabi.

"Tulala ka na naman. Sabihin mo nga sa'min ang totoo, may nangyari ba sa inyo kagabi?" Tanong ni Zie. Meron! Anong gagawin ko?!

"Wala noh." Sabi ko.

"Aahhh.... Ok tara na sa baba, mag almusal na tayo." Sabi ni Fancy. Ano?!

"Sa baba?!" Sigaw ko.

"Hindi sa taas." Ano ng gagawin ko?! Makikita ko talgaa siya! Bakit ba kasi ako nalasing kagabi?! Hindi sana kami nagkiss! Ahhh!!! Sana hindi na lang ako sumama.

"Palagi ka na lang tulala diyan. Tara na nga." Sabi ni Zie at bumaba, sumunod naman kami sa kanya. Eto na talaga. Makikita ko na talaga siya. Umayos ka Ashley. 'Wag kang magpapahalata sa kanila lalo na sa kanya. Dapat umakto ka lang na hindi mo alam ang nangyari kagabi dahil lasing ka. In...

Bad People In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon