chapter 4

8 2 0
                                    

Loiza Stuart on the media

Fancy's POV

Naglalakad pa rin kami patungo sa cafeteria. Pagdating namin ay hinanap agad namin ang boys. At naabutan namin sila na kumakain. Hindi man lang kami hinintay. Lumapit kami sa kanila at umupo.















"So Ashley... Kumpleto na tayo, kailan natin itutuloy ang laban?" Tanong ko sa kanya. Nasa tabi niya lang ako kaya madali ko lang siya makausap. Ganito ang pwesto namin.

Ashley   Fancy   Zie  Loiza  Heily
     ↓             ↓         ↓         ↓          ↓
Clyde    Rafael   Ace  Daryl  France

"I think after 2 days. Sasabihin ko rin kay Heily na......" Na ano? "Pwede naman siguro siya tumira sa bahay 'di ba? Tutal dalawa naman ang guest room. So doon siya sa itaas na guest room matutulog." Sabi niya. Pwede rin.

"Ok. Kung papayag siya." Sabi ko.

"Baka papayag siya." Sabi niya. Baka nga.

"Hey Heily!" Tumingin naman siya sa akin. Na mukhang nagtataka. "Pwede ka ba na doon ka na tumira sa bahay namin?" Tanong ko sa kanya.

"Sa iisang bahay lang kayo nakatira?" Tanong niya.

"Yeah." Sabi ko. "So papayag ka?" Tanong ko sa kanya.

"Oo papa--." Hindi natuloy ang sasabihin ni Hailey kasi may biglang sumabat.

"Sa isang bahat lang kayo nakatira?" Tanong ni Rafael. Malamang sinabi ko kay Heily kanina eh.

"Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kay Heily kanina?" Sabi ko sa kanya then i rolled my eyes.

"Kung bingi ako, bakit ko narinig ang sinabi mo sa akin na "Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kay Hailey kanina?" 'di ba narinig ko."  Sabi niya at ginaya pa ang pagkasabi ko. 'Lang hiya.

"Tse!" Sigaw ko at tumingin muli kay Heily. "So Hailey, papayag ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Siyem--." Hindi na naman natuloy ang sasabihin ni Heily kasi sumabat naman siya.

"Huwag kang pumayag Heily. Kasi kung papayag ka may makasama kang bitch doon." Sabi ni Rafael. Ba't ba siya sabat ng sabat?

"Sinong bitch? Ako ba?" Tanong ko sa kanya. Nakakainis talaga siya. Sana hindi na lang kami tumabi sa kanila.

"Bakit sinabi ko bang ikaw. Defensive ka naman masyado, baka totoo talaga na ikaw ay isang bitch." Sabi niya sa akin. Hinubad ko ang isa kong sapatos at binato sa kanya. Head shot! Tumayo naman siya. "Ang sakit nun ah!" Sigaw niya.

"Masakit talaga, kasi binato nga kita at tumama sa malaki mong ulo!" Sigaw ko sa kanya sabay tumayo.

"Gusto mo talaga ng away?!" Sigaw niya.

"Baka ikaw gusto mo ng away kasi kanina ka pa sabat ng sabat at iniinis mo 'ko!" Sigaw ko.

"Ang 'dali mo namang magalit." Sabi niya at tumawa. "Alam mo ba masarap galitin ang babaeng 'daling magalit, katulad mo." Sabi niya at ngumiti. Hindi bagay sa 'yo na nakangiti..

Bad People In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon