Ikalimang Hawak

5.4K 122 12
                                    

"HARU..."

At saka lang parang nagising sa malalim na pagkakatulog si Haru. Nagtama ang mga mata nila ni Jep.

"Sabi ko, ano ang desisyon mo? Tatanggapin mo ba ang trabaho?" seryosong tanong ni Jep.

"Ah, Jep, puwede bang pag-isipan ko muna ito? Kailangan ko ring makausap muna ang nanay ko. Hangga't maaari kasi, ayaw kong mag-isa lang siya sa bahay. Naaawa kasi ako sa nanay ko kung wala siyang kasama sa bahay," sabi pa niya sa kanyang boss.

"Sige, sabihin mo sa akin ang desisyon mo bukas. I need your answer as soon as possible dahil kailangang-kailangan na ng kliyente ng therapist," sabi ni Jep.

"Bakit ako, Jep?" biglang naitanong niya. Marami silang masahista sa spa na iyon, o therapist kung 'yon ang gusto niyang itawag. Pero bakit siya?

"Dahil ikaw ang personal choice ng kliyente," kaswal na sagot ni Jep.

"Ako? Kilala ko ba ang kliyenteng sinasabi mo?" Nagtataka na siya at curious na rin kung sino ba ang kliyenteng ito na handang magbayad ng fifty thousand pesos a month para lang maging personal masseur siya nito.

"Hindi mo pa siya naging kliyente rito. Pero nakapagpamasahe na siya dati. Ibang therapist lang ang nag-service sa kanya," matapat na sagot ni Jep. "May tanong ka pa ba?"

Napailing si Haru. "W-wala na..."

"Kung ganoon, puwede ka nang bumalik sa trabaho mo. Mag-usap na lang tayong muli bukas para sa sagot mo kung tatanggapin mo ang iniaalok kong trabaho o hindi."

"Salamat, Jep. Aaalis na ako..."

Tinanguan lang siya ng boss niya.

Hindi nawala sa utak ni Haru ang offer sa kanya ni Jep. Malaking halaga ang fifty thousand pesos. Isang bahagi ng utak niya ang nagsasabing dapat niya iyong tanggapin. Pero ang isa pang bahagi naman ay tumatanggi.

Sa buong oras ng shift niya sa spa ay hindi nawala sa isip ni Haru ang pinag-usapan nila ni Jep. Kahit habang minamasahe niya ang isang kliyente ay lumilitaw pa rin sa kanyang gunita ang offer ni Jep na napakahirap yatang tanggihan lalo na ng isang katulad niyang kumakayod talaga para sa mga pangangailangan niya at ng kanyang ina.

Pagkatapos niyang mag-service sa isang kliyente ay pinuntahan nila sa reception area si Kelly. Naabutan niya roon ang kasamahang masseur na sina Palmer at Huge na katulad niya ay mabenta rin sa mga kliyente ng spa dahil sa magaling na serbisyong ibinibigay ng mga ito sa kanila.

Si Palmer ay kilala sa Hot Getaway Spa sa galing niya sa lingam massage. Si Huge naman, na Hugo ang totoong pangalan, ay hinahabol ng mga kliyenteng mahilig sa extra service dahil sa taglay nitong malaking kargada.

Nagbayad kay Kelly ang kliyente ni Haru. Kanina ay nag-abot na ito sa kanya ng tip na dalawang daan para sa pinagawa nitong hot stone massage.

 Kanina ay nag-abot na ito sa kanya ng tip na dalawang daan para sa pinagawa nitong hot stone massage

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
DAMPI NG APOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon