Ikalawang Haplos

8.1K 125 18
                                    

SAGLIT na nagpahinga si Mr. Desmond at nang medyo bumalik ang lakas ay bumangon na ito at nagbihis.

Kumuha ito ng dalawang libo at iniabot kay Haru. "Para sa'yo."

"Salamat..."

"Sabi ko naman sa'yo, puntahan mo na lang ako sa bahay once a week para doon mo na lang ako serbisyuhan. Eh, 'di mas malaki sana ang makukuha mong pera," sabi ng matanda sa kanya. "Hindi naman nila malalaman dito."

"Sige, minsan pupuntahan kita sa inyo, Mr. Desmond. Pero habang hindi pa ako nagpupunta, ikaw na lang muna ang pumunta rito anytime na gusto mong magpamasahe."

Tumango ang matanda. "Pero, basta puntahan mo ako sa bahay kapag may oras ka. Alam mo naman kung saan ako nakatira."

Hindi na siya sumagot.

"O siya, halika na sa labas at nang makauwi na ako," maya-maya pa ay sabi ni Mr. Desmond.

Paglabas nila ay naabutan nila sa reception si Geffrey Carrel na mas kilala sa tawag nilang Jep. Ito ang 23-anyos na may-ari ng Hot Getaway Spa. Maliban sa pagiging may-ari ng spa ay wala nang iba pang alam tungkol dito ang mga empleyado nito. Medyo malihim din ang lalaki at kahit ang address nito ay hindi nila alam. Basta bigla na lang itong dumadating sa spa sa kahit na anong araw na magustuhan nito katulad ngayon. Hindi rin naman nagtatagal at umaalis din ang lalaki pagkatapos ng isa hanggang dalawang oras, maliban na lang kung may kliyenteng mag-request na ito ang magmasahe sa kanila.

Iyon pa ang isa sa ipinagtataka ng mga empleyedo sa spa. Nagmamasahe rin ng kliyente si Jep kahit puwede naman itong tumanggi dahil ito nga ang may-ari ng spa at hindi naman ito isa sa mga masseur doon.

"Hello, Mr. Desmond!' masayang bati ni Jep sa matanda nang makita ito. "Okay na ba tayo?"

"Naturalmente, Jep. Magaling naman kasi talaga itong si Haru. Kaya nga siya ang regular kong kinukuha para magmasahe sa akin."

"Mabuti naman kung ganoon, Mr. Desmond."

"Magbabayad na ako," sabi pa ng matanda.

"Kelly, asikasuhin mo muna si Mr. Desmond," utos pa niya sa receptionist.

"Of course naman, Sir Jep."

Matalim ang tinging ipinukol ni Jep kay Kelly. Agad namang nakaunawa ang baklang empleyado.

"Ay, oo nga pala. Jep lang, hindi Sir Jep," sabi pa nito nang nakangiti. Binalingan nito si Mr. Desmond at kinuha ang bayad nito para sa masahe. "Thank you, Mr. Desmond. Balik ka ulit."

"Oo, lagi naman akong bumabalik dito," kampanteng sagot nito kay Kelly bago tumingin kay Jep. "Aalis na ako, Jep."

"Salamat, Mr. Desmond. Sa uulitin."

"Sige, Haru." Kumaway pa siya rito bago nagsimulang maglakad papalabas ng spa.

"Ingat, Mr. Desmond," paalala ni Haru sa suking kliyente habang naglalakad ito papalabas ng establisyimento kung saan siya nagtatrabaho.

NANG matapos ang duty ni Haru nang araw na iyon ay naghanda na siya para umuwi. Nagulat pa siya nang makitang naroon pa rin sa spa si Jep. Ngayon lang yata ito nagtagal nang ganoon dito. Dati naman ay umaalis ito kaagad kapag nakitang maayos naman ang spa at walang problema.

"Uuwi ka na ba, Haru?" tanong ni Jep sa kanya.

"Oo, tapos na ang duty ko," sagot niya kasabay ang pagtango.

"Sabay ka na sa akin. Ibababa na lang kita sa malapit sa inyo," alok pa nito.

"Naku, 'wag na. Magdyidyip na lang ako," tanggi niya.

DAMPI NG APOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon