WARNING:
This particular chapter contains sexual content that may find disturbing for younger ones. Reader discretion is advised. Read at your own risk.
***
RAINBOW 4 : GREEN
HINDI MAWALA sa aking isipan ang nangyari no'ng gabing 'yon. Tatlong araw na ang nakalilipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Parang kahapon lang no'ng umamin na ako sa kanya. Parang kahapon lang no'ng muling maglapat ang aming mga labi. Parang kahapon lang no'ng sabihin niya sa akin ang mga salitang "gusto rin kita, Jeff."
Ang mga salitang 'yon . . .
Ang mga salitang hindi ko pinaniwalaan at aking binalewala.
Bakit? Natakot kasi ako. Bago sa akin ang lahat ng 'to. Nagulat ako nang sabihin niyang gusto niya rin ako.
Naguluhan ako.
Paano niya ako nagustuhan? Hindi ba straight siya? Bakit niya ako nagustuhan? Tama ba ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya o baka naman may iba siyang kahulugan doon?
Ang daming tanong na gumulo sa aking isipan no'ng mga oras na 'yon. Mga tanong na wala man lang akong nakuhang kasagutan kahit isa. Mga tanong na mas lalo lang nagpakomplikado sa lahat.
Ano nga pa lang nangyari pagkatapos niyang sabihin sa akin na gusto niya rin ako? Pinaalis ko siya. Sapilitan ko siyang pinalabas sa apartment. And after that, hindi ko na kailangang umiwas pa. Dahil siya na mismo ang gumawa n'on pagkatapos.
Natawa nga ako, e.
Gusto niya ko? Tapos ano, nasaan siya ngayon? Kaya tama lang talaga na pinaalis ko siya nung araw na 'yon. Alam ko kasing nabigla lang siya. Naguluhan din. Wala siya sa tamang pag-iisip at hindi niya alam ang kanyang mga pinagsasabi.
Si Kaizer din pala ang una kong sinabihan sa mga nangyaring 'yon. Hindi ko alam kung sinabi na ba ni Geoff kina Jamil at Ken ang sikreto ko. Kasi, himala, at hindi nila ako ginulo o inabala man. Natapos ang University Week nang wala man lang pangungulit sa mga kaibigan ko.
Linggo ngayon at inihahanda ko na ang sarili ko para bukas. Dahil bukas ko malalaman kung alam na ba nina Jamil at Ken. Kung iiwasan nila ako ng tuluyan, tatanggapin ko. Tutal, inihanda ko naman na ang sarili sa magiging reaksyon nila kapag nalaman na nila ang tungkol sa aking sekswalidad.
9:56 p.m.
Tahimik akong nanonood ng movie sa Netflix ngayon dito sa aking sala. Nasa kalagitnaan ako ng panood ng Love, Simon nang may paulit-ulit na kumatok sa aking pintuan. Nakasimangot tuloy akong p-in-ause ang aking pinapanood at nagmartsa palapit sa pintuan.
"Ito na, kalma . . ." Napatigil ako sa pagsasalita nang tumambad si Geoff na seryosong nakatingin sa akin. "Geoff, lasing ka ba---" Hindi ko na natapos ang aking gustong sabihin nang bigla niya na lang akong itinulak sa pader.
Magsasalita pa sana akong muli nang magulat ako sa ginawa niyang pag-angkin sa aki. Wala pang limang segundo nang maglapat ang aming mga labi, gusto ko na siyang itulak palayo. Pero may kung ano namang nag-uutos sa akin na tumugon na lang sa kanyang ginagawa kaya, ayon, unti-unti na akong tumugon at sinasabayan ang ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
Under the Rainbow
Romantik"Falling in love with your best friend is hard, especially when you know it's impossible for you to be together." Jeff Santillan lived a normal, simple life with his friends, Geoff, Jamil, and Ken. Among the three, he's most close to Geoff Llaña---h...