EPILOGUE
I DO BELIEVE that every people in the world are deserve to be loved wholeheartedly. Walang pinipiling edad, kulay, o estado sa buhay ang pag-ibig. Lalo na sa usaping kasarian. Ang bullshit lang nung konseptong pinaglalaban pa rin ng nakararami na ang lalaki ay para lang sa babae and vice versa.
Simula kasi nung naramdaman kong iba ang aking sekswalidad, naisip ko na hindi talaga totoo ang konseptong iyon. Kapag kasi naramdaman mong na-in love ka, hindi mo na iyon maaaring pigilan pa, e. Ay, puwede pala . . . kaso mahirap.
It's been a year since Geoff asked me to be his partner in life pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sariwa pa kasi ang mga alaala sa isip ko, e. Lahat ng pinagdaanan namin, lahat ng hirap. Lahat iyon ay tandang-tanda ko pa rin.
Sa nakalipas din na isang taon, marami ang nangyari. Nandiyan ang muntikan na kaming magkaaway-away lima habang nagre-review para sa board exam. Tapos sabay-sabay kaming nag-exam at sabay-sabay ring pumasa. Oo, licensed Civil Engineer na kaming apat. Habang si Kaizer, isa ng licensed Computer Engineer. Sabay-sabay din kaming naghanap ng trabaho at nakapasok. Magkasama sina Jamil at Ken sa isang kilalang kumpanya sa Manila. Kami naman ni Geoff, malaking kumpanya ang tumanggap sa amin. Habang si Kaizer, nagpaplano pang sa ibang bansa magtrabaho kasama iyong boyfriend niyang licensed Architect naman.
"Hoy, Jeff! Sumali ka na rito at lugi kami kay Dela Cruz, e," pagtawag sa akin ni Ken.
Nandito kami ngayon sa resort nila Kaizer sa Batanes. Birthday niya kasi at dito niya napiling mag-celebrate. Kasalukuyan kasi silang naglalaro ng basketball. Sina Geoff, Ken at Jamil ang magkakakampi laban kina Kaizer at Marcus, iyong Dela Cruz na sinasabi ni Ken na boyfriend ni Kaizer.
Parang sira din kasi 'tong si Ken, e. Mas lugi nga sila Kaizer kasi dalawa lang sila. Pero sabagay, basketball player naman kasi 'tong si Marcus.
"Ayoko, tinatamad ako!" balik na sigaw ko.
Muli kong itinuon ang atensyon sa napakagandang kalangitan. Mabuti na lang at hindi lumakas ang ulan kanina tapos medyo sumikat na ang araw. Nakakatamad pa naman maligo kapag umuulan.
"Hun, anong iniisip mo?" nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Geoff sa tabi ko.
"O, ayaw mo na maglaro?" kunot-noo kong tanong sa kanya.
"Nakakatamad kakampi si Ken, e," natatawa niya namang sagot. "So, ano ngang iniisip mo?" pag-uulit niya.
"Wala naman. Mga random na bagay lang."
"Tulad ng?"
Hay. Typical Geoff. Hindi ako titigilan hangga't hindi siya nasa-satisfied sa sagot ko.
"Tulad ng kung paano tayo napunta rito."
Siya naman ngayon ang napakunot ang noo dahil sa sinabi ko. Bakit, may mali ba akong nasabi? "Nagsisisi ka ba, Jeff?"
Nabigla ako sa tanong niya. Pinanlakihan ko rin siya ng mga mata sabay sabing, "Ano?! Wait, bakit mo naman natanong---"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya na lang akong hinalikan sa kalagitnaan ng pagsasalita ko.
"Tangina talaga, get a room nga!" Natigil kami dahil sa mahinang bola na tumalbog sa harapan namin.
"Tangina ka rin, inggit ka lang, e!" nakangising sambit ni Geoff kay Ken na siyang bumato pala nung bola sa amin.
"Ulol!"
Napailing na lang ako nang magsimula na naman silang magtalo. Simula rin kasi ng maging kami ni Geoff, si Ken ang pinaka-bitter sa lahat. Paano siya na lang ang walang love life kaya gano'n. Si Jamil kasi ay may nililigawan ng babae. Isang sikat na model na naka-based sa New York.
Habang patuloy sa pag-aaway ang dalawa, tumayo na muna ako. Pagtingin ko sa kalangitan, napangiti ako sa bahagharing sumilay. Saka ko naalala ang araw na ginamit kong sign ang bahaghari para kay Geoff.
"Tara na," napatingin ako kay Geoff nang hawakan niya ako sa baywang.
"Tapos na kayo mag-away?" natatawa kong tanong.
"Ang siraulo ng kaibigan mo, e."
"Kahit kaibigan mo iyon. Hindi ko nga iyon kilala, e."
Pareho kaming natawa sa kalokohan namin. Nagsimula na rin kaming maglakad pabalik sa hotel na tinutuluyan namin, pero nakakailang hakbang pa lang kami, sumigaw na namang muli si Ken sa aming gawi.
"Hoy, saan kayo pupunta?!"
"Magse-sex! Bakit, sama ka?" mapang-asar na tugon ni Geoff. Agad ko namang nahampas ang dibdib niya dahil sa kalokohang pinagsasabi niya.
"Tangina, kadiri ka Llaña!"
Hindi na namin siya pinansin at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Nang makarating kami sa tapat ng kuwarto, bigla akong hinarap ni Geoff.
"B-Bakit?" kinakabahan kong tanong.
"Handa ka na ba?" tanong niya sabay ngisi ng nakalaloko sa akin.
"Saan?"
"Sa honeymoon ulit natin," aniya sabay hila sa akin papasok.
Bwisit talaga 'tong lalaking 'to!
Honeymoon daw? E, hindi pa nga kami kasal!
THE END
BINABASA MO ANG
Under the Rainbow
Romance"Falling in love with your best friend is hard, especially when you know it's impossible for you to be together." Jeff Santillan lived a normal, simple life with his friends, Geoff, Jamil, and Ken. Among the three, he's most close to Geoff Llaña---h...