RAINBOW 6 : INDIGO
"JEFF, OPEN this goddamn door again. And please talk to me."
Napapikit ako nang marinig ko ang boses niya. Sa ilang oras naming pagsasama kanina, ngayon ko lang narinig ang boses niya.
"Wala naman na tayong dapat pag-usapan, Geoff," mariin kong tugon.
Sinungaling, Jeff. Marami kayong dapat pag-usapan. Marami kang gustong malaman. Kanina mo pa siya gustong kausapin, 'di ba?
"Kung ayaw mo 'kong kausapin ng personal, sagutin mo na lang iyong tawag ko, puwede ba?" At on cue, nag-ring naman ang aking cell phone na nasa bulsa.
Tumatawag nga siya.
Nagda-dalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi, hanggang sa . . .
"Jeff naman! Gusto lang naman kita makausap, mahirap ba iyong hinihiling ko?"
Hindi ako sumagot. Pinili kong 'wag nang magsalita. Dahil natatakot ako sa maaari kong masabi, sa maaring lumabas sa aking bibig.
"Jeff, kahit ngayon lang naman, o. Parang awa mo na, talk to me. Kahit phone call lang. I really . . . I really need to talk to you, so please . . ."
After he said that, muling nag-ring ang cell phone ko. Napapikit ako at sa pagdilat ng aking mga mata, walang anu-anong pinindot ko ang accept button.
"Talk, Geoff. I only give you five minutes to talk. Makikinig ako. After that, umalis ka na. Tigilan mo na ako, please lang," mabilis na sabi ko sa kabilang linya.
Para nga kaming mga tanga, e. Kasi alam ko namang rinig niya pa rin ang boses ko mula sa labas.
"Okay."
Nagbuntonghininga ako nang marinig ang malungkot niyang tinig. Hindi ka dapat magpaapekto, Jeff. Tatagan mo ang iyong loob.
Ilang sandali lang, napakunot ang noo ko nang biglang tumahimik sa kabilang linya at anging paghinga niya na lang ang naririnig ko.
"Geoff, ano na? Tumatakbo ang oras. Baka akala mo nagbibiro ako na limang minuto lang ang ibibigay ko sa iyo."
"Hindi ko alam kung paano magsisimula, Jeff."
"Then leave. Kung wala ka naman pa lang sasabihin, ano pang ginagawa mo rito? Bakit mo pa ako ginugulo?"
"May sasabihin ako, Jeff. Marami akong gustong sabihin. Pero hindi ko lang alam kung paano sisimulan. Bakit mo ba kasi ginagawa sa akin 'to?"
"Anong pinagsasabi mo? Anong ginagawa ko sa iyo?"
"Ito. Itong pagtrato mo sa akin nang gan'to. Parang wala naman tayong pinagsamahan. Itinatapon mo na ba iyong---"
Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. In-end ko na agad ang tawag at saka binuksan ang pinto. Nanlaki ang kanyang mga mata sa ginawa ko pero hindi iyon ang concern ko sa mga oras na 'to.
"Okay na ba 'to?" sabi ko habang nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata. "Ito ba ang pagtrato na gusto mo?"
"Jeff naman . . ."
BINABASA MO ANG
Under the Rainbow
Romance"Falling in love with your best friend is hard, especially when you know it's impossible for you to be together." Jeff Santillan lived a normal, simple life with his friends, Geoff, Jamil, and Ken. Among the three, he's most close to Geoff Llaña---h...