Chapter One

289 4 8
                                    

Napakatahimik sa loob ng sasakyan na Hindi naman usual na nangyayari.
Napapasulyap si Sleigh sa boyfriend niyang nagmamaneho.

Tahimik lang si Clark habang nakatuon ang paningin sa daan.

Ayaw niyang pabulaanan ang ganung pananahimik ni Clark sapagkat dalawang linggo na itong tahimik at parang balisa.

Hinuha niyang may nais itong sabihin subalit Hindi lamang nito maisasabibig.

Tatlong taon din silang magkasama at habang tumatagal ay napapansin niya ang panlalamig na pakikitungo nito sa kanya.

Ayaw niyang isipin ang mga posibilidad na mga dahilan ngunit kailangan niyang malaman ang saloobin nito lalong lalo na patungkol sa kanilang relasyon.

Nakaramdam ng kaba si Sleigh habang pinagmasdan si Clark na Hindi man lang tumitingin sa kanya .

Hindi rin siya nito kinakausap at dinig niya ang malalim nitong paghinga.

Hindi siya makakatiis sa ganung sitwasyon niya.

Alam niyang meron siyang dapat linawin at malaman.

"Stop the car." Ang kanyang wika.
Napatingin ito sa kanya habang napapakunot noo.

"Why?Kailangan natin makarating sa bahay dahil nagbabadya ang malakas na ulan." Sabi nito at muling nakatuon ang paningin sa daan.

"Hindi tayo uuwi hanggang sa hindi mo sabihin sa akin kung bakit ka ganyan." He insisted.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Iritable nitong sagot.

"Stop the car and let's talk." Ang matigas niyang sabi.

"Fine!" Inihinto ni Clark ang sasakyan sa gilid ng daan."Now what?!"

Napabuntung hininga si Sleigh at buong tapang na nakikipag titigan sa nobyo.

"I think may nais kang sabihin sa akin.Now do it." Sabi niya sa gitna ng kanyang kaba.

Hindi siya tanga upang hindi malaman na meron na itong iba.

"Ano bang pinagsasabi mo?Wala akong sasabihin sayo.Let's go home." Sabi nito at akmang bubuhayin ang makina ngunit pinigilan niya.

"We are not going anywhere. We're not going home at walang patutunguhan ang relasyon natin if we keep lying to each other.Please stop feeding me lies,Clark.Sabihin mo sa akin kung ano ang totoong laman ng dibdib mo."Ang kanyang matigas na wika.

He's trying to maintain his composure kahit ang totoo nais nang bumalong ang kanyang mga luha.

Kailangan niyang malaman kung mahal paba siya nito upang malaman niya kung saan ilulugar ang kanyang sarili.

" Sleigh ano bang pinagsasabi mo?Alam mo praning kana."Sabi nito napailing iling.

"Kapraningan parin ba iyong panlalamig mo sa akin?Don't tell me iyong naririnig kitang may kausap sa phone mo every night ay panaginip kolang..?How about iyong madalas mong paglabas na hindi mo ako kasama ?You told me may lakad kayo ng bestfriend mong si Andrei but nung nagkita kami he told me na wala kayong usapan.I'm not just someone, Clark.You're my boyfriend kaya deserve ko malaman kung ako paba ang laman ng puso mo.Mahal mo paba ako?"
Hindi nakahuma si Clark matapos marinig ang sinabi niya.
Yumuko ito at naikamot ang mga kamay  sa batok.

Sa ganung pananahimik nito ay alam na ni Sleigh ang kasagutan.

Ibinaling niya ang paningin sa labas ng bintana ng sasakyan habang pinipigilan ang pagdaloy ng kanyang emosyon.

"I'm so sorry." Mahinang sabi ni Clark.Napapikit siya .Alam na niya kung ano ang sasabihin nito.

"For our three years together minahal kita at naging masaya ako sayo.I want to tell you that I've met someone pero natatakot ako kasi ayaw kitang saktan."He explained.

"TASTE OF GOODBYE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon