Chapter Five

110 5 0
                                    

It's been one week mula ng maganap ang ang party at sleep over sa bahay ni Fion ngunit hanggang ngayon ay hindi parin mawaglit waglit si Herojie sa isipan ni Sleigh.

Sobrang tinamaan siya ng lalaki na kahit sa kanyang pagtulog ay palagi itong laman ng kanyang panaginip.

"Seryuso kaba?Eh parang suntok sa buwan ang nararamdaman mo." Wika ni Fion nang magkita sila nito sa isang coffee shop.

"Tinamaan ako sa kanya Fion.Alam kona kung ano iyong situation niya pero hindi ko parin napigilan ang sarili kong mahulog sa kanya.Hindi naman siguro dahilan ang pagiging broken hearted niya upang bawal siyang mahalin." Ang kanyang sabi.

"Sleigh,hindi naman talaga mapipigilan ang puso kung sino ang itibok nito.Jude told me na palaging nasa bar si Herojie naglalasing dahil sa pag iwan sa kanya ng asawa niya.At marami narin ang sumubok sa kanya, mga babaeng tunay pero wala epek parin sa kanya,kaya goodluck."

"I wanna help him.Gusto ko siyang tulungan sa sakit na nararamdaman niya ngayon.He can use me upang makalimutan niyang asawa niya." Parang nagulat si Fion marinig ang sinabi niya.

"I can't believe nasasabi mo ang mga katagang yan.Payag kang gamitin niya para kalimutan iyong sakit na dinanas niya?Sleigh dalawang araw  palang kayong nagkita tapos ganyan mona siya kamahal?Naririnig moba yang sinasabi mo?"

"I know masydong madali para mahulog ang loob ko sa kanya,atsaka hindi naman nasusukat sa panahon ang pag ibig eh.Kahit isang araw mo palang nakikita ang isang tao,kapag natamaan ka mahuhulog ka talaga sa kanya." Wika niya.

Iyon ang totoong nararamdaman niya sa dibdib at kahit dalawang araw palang niya nakita si Herojie at hindi niya pa ito kilala ay mahal na niya ito.

Oo,mahal na niya ang lalaki.

Masyadong mabilis ang mga pana ni kupido upang mabihag ang puso niya ng lalaki.

"Sounds desperate pero wala akong magagawa kundi suportahan ka.Okey Lang magmahal basta huwag kalang magpakatanga.Kung sa palagay mo mahal mona siya then I'll support you..sana maging masaya kana."

"Maraming salamat best friend. Alam moba kung saan siya ngayon?Gusto kona siyang makita." Excited niyang wika.

"I'm not sure pero tatawagan ko si Jude baka alam niya kung nasaan si Herojie." Hindi paman natawagan ni Fion ang nobyo ay biglang tumunog ang cellphone nito.

Jude Calling..

"Speaking of my ever dearest boyfriend." Agad iyong sinagot ni Fion."Hello?"

Kakaiba ang ngiti ni Fion matapos makausap si Jude.

"Parang sinagot ang dasal mo best friend.My boyfriend told me na tumawag sa kanya si Herojie at magpapasundo ito dahil hindi na nito kayang magdrive pauwi dahil sa sobrang kalasingan."

"What?Nasaan siya ngayon?Pupuntahan ko siya." Wika niya at biglang napatayo.

Baka kung ano ang mangyari Kay Herojie.

"Exactly my point, hindi makakasundo ang boyfriend ko dahil he's on meeting right now.Ikaw susundo sa kanya gaya ng sinasabi mo na gusto mo siyang makita,then this is your chance."

"Then I have to go." Sabi niya at nagmamadaling umalis.

"Atat Lang besh?Iiwanan mo talaga dito?Bakit alam moba kung nasaan siya ngayon?" Napahinto siya dahil sa sinabi nito.

Oo nga,hindi niya alam kung saan nga ba niya pupuntahan ang lalaki.

"Yan ang sinasabi ko,huwag magpadalos dalos sa nararamdaman kung hindi naman alam kung saan ang patutunguhan." Hindi talaga mauubusan si Fion ng mga ititira sa kanya.

"TASTE OF GOODBYE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon