Nagising si Sleigh bandang alas otso ng gabi.Talagang binigyan siya ng time ni Fiona makapagpahinga dahil hindi man lang siya nito kinatok.
Bumangon siya at isinuot ang maikling short at puting vneck T-shirt na pinahiram ni Fiona sa kanya.Its so gay ngunit isinuot parin niya iyon.
Dati din naman siyang nagsusuot ng maiikling short noong sila pa ni Clark.
Oops..devil's name inserted.
Nakaramdam siya ng uhaw kaya lumabas siya ng silid.
Malaki ang bahay Nina Fiona ngunit walang katao tao roon.
Nagtuloy tuloy siya sa kusina ngunit isang lalaki ang nabangga niya roon.
May hawak itong isang bote ng beer at tumingin sa kanya.
Nagkatitigan sila ngunit hindi man lang ito nagsalita.
"I'm sorry." Sabi niya ngunit hindi ito sumagot bagkus ay iniwan na lamang siya ni walang isang salita.
Napapailing siya at sinundan na lamang ito ng tingin na papalayo.
"Ano kayang problema ng lalaking iyon?" Tanong niya sa isip.
Nagtuloy tuloy siya sa kusina at kumuha ng tubig sa ref.
Nakaramdam siya ng mga yabag ng paa patungo sa kinaroroonan niya ngunit hindi siya lumilingon.
Hindi lang pala siya nauuhaw kundi nakaramdam narin siya ng gutom kaya naghahanap siya ng pwedeng makain sa loob ng refrigerator.
Nakakita siya ng mansanas kaya agad niya iyong kinuha.
"Excuse me?Do you know where the bathroom is?" Dahan dahan niyang naisara ang ref ng marinig ang boses lalaki na iyon.
He was just standing there at hindi lumilingon.
Nakaramdam siya ng kaba dahil after three years ngayon niya ulit narinig ang boses ni Clark.
Kinakabahan siya hindi dahil mahal pa niya ito kundi dahil sa posibilidad na maaring naroon din si Winley at maungkat pa ang mga nangyari noon.
Dahan dahan siyang lumingon at nakita niya ang gulat sa mga mata ni Clark ng makita siya.
Nagkatitigan sila ngunit kapwa walang namutawing mga salita sa kanilang mga bibig.
Wala siyang nakitang pagbabago sa lalaki.
"Sleigh? What a surprise to see you." May pag aatubiling wika ni Clark.
"Same here." Sabi niya at ngumiti.
Kaswal lang ang kanyang pagsasalita sapagkat wala na ang dating spark na kumikinang tuwing nakikita niya ang lalaki.Muling naghari ang katahimikan sa kanilang dalawa.
Alam nila pareho na hindi na sila katulad ng dati at may mga nagbago na ngunit ganun parin ang mga tingin ni Clark Kay Sleigh.
May lungkot ang mga mata nitong nakatitig sa kanya at waring may nais itong sabihin.
"K-kumusta kana?" Nasa boses nito ang lungkot.
"Okay lang ako at nakayanan ko naman." Ang balewala niyang wika.
"May boyfriend kana ba?"
"Takot na akong maloko ulit." Wika niya."Ikaw?May jowa kaba ngayon?"
Hindi ito nakapagsalita at hindi makatingin ng diretso sa kanya.
"Babe doon ang bathroom. Kitchen yang pinuntahan mo eh." Biglang sulpot ni Winley at gaya ng inaasahan gulat ito ng makita siya.