Nagpanting ang tenga ni Sleigh nang marinig ang sinabi ng babae sa kanya."Isang tulad ba nito ang ipagpapalit mo sa akin ,Jaryll?Isang baklang walang matres!" Nagbulungan ang mga tao sa paligid dahil sa laki ng bibig ni Lorry.
"Lorry tama na nga yan!Let's go home at doon tayo mag uusap." Sabi ni Jarryl.
"Hindi!Bakit nahihiya ka na malaman ng lahat na kabet mo ay isang bakla?!Hoy ikaw na ahas ka,kabet at kerida!Layuan mo ang asawa ko bago pa maubos iyang buhok mo sa ulo!" Pagbabanta nito.
Masyado na siyang napahiya dahil sa iskandalusang babaeng ito.
"Hindi ako KABET ng asawa mo!" Ang kanyang sabi na pinagdiinan ang KABET."Ang chaka mo kasi kaya naghanap ng iba ang asawa mo!At isa pa kahit bakla ako hindi ako naging kabet kailanman dahil ako lang ang taong mahal ng mahal ko."Wika niya na may lungkot.
Naalala na naman niya ang ginawa ni Clark.
"Tama.Hindi siya kabet dahil nag iisa lang siya sa puso at sa buhay ko." Sabi ng isang lalaki na bigla na lang sumulpot sa kung Saan.
Napatulala siya napatingin dito habang dahan dahan itong lumapit sa kanya.
Nakapako ang ang tingin niya sa mukha nitong nakangiti sa kanya .
Pakiramdam ni Sleigh ay bumagal ang takbo ng oras at parang slow motion ang paglapit ng lalaki sa kanya.
Hindi niya maipapaliwanag ang biglang pagtibok ng puso niya ng masilayan ang gwapong mukha ng lalaki.
Matangos ang ilong nito at matangkad.
Hindi kalakihan ang katawan ngunit malakas ang appeal nito sa kanya.
Manipis ang mga labi na waring Kay sarap halikan maging ang mga mata nitong palaging nakangiti.
"So please hindi siya kabet at hindi niya inagaw ang asawa mo." Napatikom ang bibig ni Lorry na agad inakay ni Jaryll paalis.
Nagabalik lang ang huwisyo ni Sleigh ng nasa harapan na niya ang lalaki subalit naging eratiko parin ang pintig ng puso niya na Hindi niya mawari.
"Hi.Are you okay?" Nasa boses nito ang pag alala.Tinitigan siya nito ngunit hindi niya maibuka ang bibig waring hindi niya alam kung ano ang sasabihin.
"Hey..I'm Genesis ." Nakangiti parin nitong pakilala.
"Thank you so much for saving me.Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi ng babaeng iyon." Wika niya ng mahimasmasan.
"Just don't mention it.Hindi rin naman kasi tama ang pinagsasabi niya sayo.Hindi ka basta pangkabet lang."
Nakaramdam ulit siya ng kalungkutan dahil sa sinabi nito.
Oo hindi siya pangkabet lang ngunit iniiwan naman siya ng taong minamahal niya ng sobra.
"I'll take you home.Saan ba ang sa inyo?"
Saan nga ba?
Hindi na siya babalik sa condo niya dahil maraming alaala nila ni Clark doon.
Tatlong taon din silang nagsama sa isang bubong kaya mahirap sa kanya bumalik doon at sigurado siyang naroon pa ang mga gamit ng lalaki.
"Kahit saan.Ihatid mo na lang ako sa isang malapit na hotel." Sabi niya.
Tinitigan siya nito na parang sinisigurado siya.
Basang basa na siya na Genesis at alam nito na meron siyang pinagdadaanan ngayon.
"Okey." Hinatid siya ni Genesis sa isang malapit na hotel at pagkarating ay agad siyang bumaba sa sasakyan nito.