Chapter Six

156 7 1
                                    

"Alam mo sobra na iyang kadesperadahan mo bakla ka.Aba kahit bakla tayo deserve parin natin sumaya,magmahal at mahalin." Sabi ni Vern ng muli silang magkita kita para sa isang dinner.

"Hay naku pagsabihan niyo yan,nagsalita na ako pero malakas ang tama niya kaya anong magagawa natin?" Sabi ni Fion na may hawak na wine.

"Sigurado ka na nga ba talaga?Paano kung masaktan kalang?" Tanong ni Kirt.

"Mahal ko si Herojie.I know that he's someone na deserve to take the risk.If I won't try paano ako sasaya?Ngayon paba ako matatakot after the pain that I've been through?Masaktan man ako okey Lang ang mahalaga sumubok ako sa kanya." Ang madamdamin niyang sabi."Mahal ko talaga siya guys.Ngayon ko Lang naranasan ang maging masaya makita ko palang siya."

"Ano pa nga ba?Kung masaya ka talaga sa kanya sige just go with it.Hindi masama ang maging tanga pero huwag molang araw arawin." Pangaral ni Rona.

"Well Malay nga natin mahulog din siya sayo.Buti pa kayo may love life na." Wika ni Kirt na parang naiinggit ito.

"If I know lumalabas kayo ni Jasper.My boyfriend told me nagdate kayo kagabi." Pambubuking ni Fion.

"Uy tsiamiss huh.Kumain Lang naman kami eh." Pag amin ni Kirt.

"Ayuuuunnnn,kaya naman pala nalasing ang gaga kasi nakipagdate kagabi.Anong nangyari?" Tanong ni Vern na may pananabik.

"Ayun kami na." Kinikilig na pag amin ni Kirt.

Nagsigawan ang mga kaibigan niya dahil sa narinig.

Bugbog si Kirt sa mga hampas ng mga kaibigan niya.

"But wait,as far as I know may girlfriend si Jasper. Don't tell me???" Pinanlakihan ito ng mga mata ni Fion.

Agad nakuha ni Kirt ang ibig sabihin ng kaibigan kaya marahan itong tumango.

"So pangalawa ka sa buhay niya.Bakit ba hinahayaan niyo ang mga sarili ninyo na maging kabet?Kakaloka!"

"Eh bakit Vern,diba kabet Karin naman dati ni Joey?Yung hindi pa sila naghiwalay ng asawa niya."

"Hay naku Rona dati pa yun.,atsaka iba ang sitwasyun ko at Kay Kirt."

"Pero pareho paring kabet iyon." Sabad ni Fion.

"Let's just be happy kung sinuman ang iniibig natin. Pare pareho Lang tayong nagmamahal.Kabet,second best or option man tayo ng taong mahal natin then be it.Ang mahalaga Lang naman ay masaya tayong lahat." Natahimik ang mga ito sa sinabi niya.

Napako ang lahat ng paningin ng mga ito sa kanya.

"Let's listen from the expert." Sabi ni Fion.

Ilang araw ang lumipas panay ang chat at video call nila ni Herojie pagkagaling nito sa tarabaho.

Kahit tulog siya sa araw ay sinisikap niyang imonitor ang kalagayang ng lalaki like what girlfriend usually do.

At least para sa kanya he owns Herojie.

Habang tumatagal ay unti unti narin niyang nakilala ang lalaki at napapansin niya ay daig pa ng isang babae ang bibig nito kapag nagagalit.

Minsan moody,minsan naman hindi siya tinatantanan nito sa pangungulit.

Kahit ganun lamang sila nagdudulot iyon ng kakaibang saya sa puso niya.

"Tulog na ako inaantok na ako eh" Wika niya habang kavideo call niya ito sa mga sandaling iyon.

"Huwag muna.Hindi moba ako namimiss?Kasi ako namiss kita eh." Sabi nito na nagdala ng kakaibang kilig sa kanyang dibdib.

"Siyempre namimiss naman kita.Medyo inaantok Lang kasi galing pa ako sa work."

"TASTE OF GOODBYE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon