Chapter 15

1.3K 35 14
                                    

Chapter 15

Beyond

Because of his dark stares, kinabahan ako. Bigla akong natakot sa kung anong pwedeng mangyari.

"Steve, pare, it's nice to see you're here," nakangiting sabi ni Magnus.

"Yeah. It's nice to see you too," his voice is cold as ice at hindi pa rin maalis ang tingin sa magkahawak kamay namin.

Kumalas ako sa pagkakahawak ng kamay ni Marcus sa kamay ko. Natigilan siya sa ginawa ko at napatingin sa hindi nang magkahawak na kamay. Tumikhim ako at pinagsiklop ang sariling mga kamay para hindi na niya hawakan pa.

Steve walked towards us. Nanatili pa rin ang malamig niyang tingin sa amin. Nang nakalapit, his arms snaked around me and pulled me gently towards him.

"Happy birthday," may bahid pa rin ng kalamigan ang boses niya.

"Salamat. Kumain ka na ba? Tara, may pagkain pa sa hapag-kainan," sabi ni Magnus sabay iwas ng tingin sa kamay ni Steve na nasa beywang ko.

Tipid na tumango si Steve. Naunang umalis si Magnus. Nang nakalayo ay ibinaling niya ang tingin sa akin. I looked away because of his stare.

"Steve! Oh my! Andito ka!"

Camille inserted. Nakangiti siyang lumapit kay Steve.

"Invited ka rin pala. Hindi ko inaasahan," nakangiting sabi niya kay Steve.

Tipid na ngumiti si Steve at tinanguan lamang siya. Ibinalik niya ang tingin sa akin. Inilapit niya ang mukha sa tenga ko.

"Kakain lang ako. We'll talk later," he whispered coldy.

The coldness of his voice sent shivers to my body. Lalo akong kinabahan sa kung anong mangyayari mamaya. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay sumunod siya kay Magnus. Camille followed him at hinawakan ang braso.

Dahil sa nangyari, hindi na ako nakagalaw pa. Hindj na ako nakapag-isip ng maayos. I'm doomed. I know that expression. He's jealous! At dahil susundan ni Steve si Magnus, baka mag-away sila!

At saka bakit naman ako kakabahan? Dahil nagseselos siya? Unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi ko. Ganito pala ang epekto ko sa kanya.

Bakit ako matatakot?

Basta ako, wala akong ginawang masama. Maybe it's just a friendly gesture!

Nakangiti akong bumalik sa pagkakaupo at sumali sa laro. Tawa kami ng tawa dahil sa mga kagagawan ng mga kasama namin.

Matapos ang ilang minuto, dumating na silang dalawa, kasama pati si Camille. Naunang maglakad si Magnus habang ang dalawa ay nahuli. Camille is talking to Steve, smiling, while Steve made a poker face. Mukhang wala sa mood makipag-usap.

Nang natapos kami sa paglalaro ay bumalik ako sa pagkakaupo. Naupo na rin sila at nag-inuman na lang. May isang case ng beer sa ibaba at may mga nakabukas pang beer sa mesa.

Magnus seated beside me at the sofa. He handed me a bottle of beer. Ngumiti ako.

"Salam-"

Bago ko pa man matapos ang sasabihin at tanggapin ang beer, may umagaw na nito sa akin. It was Steve. Nagulat ako sa kanyang ginawa. Magnus raised his eyebrow.

"Salamat sa beer," Steve said emotionless.

"Hindi iyon sa'yo. Para kay Shayne 'yon," sabi ni Magnus.

"She doesn't drink," aniya sabay lagok ng beer na dapat para sa akin.

Halos tumaas ang kilay ko sa sinabi miya. Hindi raw ako umiinom? Duh! Ano ako, bata? I glared at him. Hindi niya ako tinapunan ng tingin at nagpatuloy siya sa pagkain. Inirapan ko siya at tumingin kay Magnus.

The Casanova's Mistake (Book 2 of WTCPFIL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon