Chapter 37

1.2K 18 0
                                    

Chapter 37

Gifts

After I read what is written on the letter, I have no idea how will I react. Kikiligin ba ako dahil may nagpadala sa akin ng ganito at galing sa kanya? Kakabahan dahil may boyfriend na ako at may paganito pa? O magiging masaya? Maging problemado? What?

The famous actor, Fabian, badly wants to meet me, based on his letter. I realy don't know why does he want to see me. Dahil sa pinadala niyang bulaklak at mensahe ay hindi ko na napigilan isipin ang mga sinabi sa akin ni Ate Sheila.

"Patingin nga," narinig kong sabi niya.

Kinuha niya sa akin ang letter at binasa.

"Oh! 'Di ba? Sinasabi ko na nga ba. It's too obvious that he likes you. Nagpadala pa siya ng bulaklak. With this corny letter, too!"

Ibinaba ko ang bulaklak sa sofa. Huminga ako ng malalim. Maybe she's right. Maybe Fabian likes me. Hindi ko alam kung bakit niya ako nagustuhan kung ganoon nga.

Hindi ba niya alam na may boyfriend ako? We already told this in public at live pa in Philippine Television. Kaya ang alam ko, he has an idea that I am already taken. Kung ganoon ay bakit pa siya magkokomento ng ganito sa akin?

Hindi ko napigilang maging problemado. Naisip ko si Steve. Hindi kaya, alam niya ang issue na ito? He has time to use his social media accounts and maybe he saw this! Kinabahan ako bigla. Huwag niya sanang isipin na magpadala ako sa ganitong komento.

Natapos ang photoshoot nang maayos. I have no choice but to bring the flowers. Ayokong isipin ng ibang tao na nambabaliwala ako ng mga bigay ng ibang tao. I have to appreciate them.

Pagkalabas ko ng studio ay naabutan kong naghihintay sa akin si Steve. Nakaupo siya at nakadekwatro. Pagkakita sa akin ay ngumiti siya at tumayo. While walking towards me, his gaze went down to the bouquet I'm holding.

Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam na pupunta siya rito! Wrong timing! Gusto kong itago ito sa likod ko pero huli na ako. He already saw it. Ano ang pwede kong sabihin sa kanya? Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin na galing ito sa isang artistang lalaki. He will wonder why that guy gave this to me.

Nang makalapit ay mabilis niya akong hinalikan sa pisngi. Tiningnan niya ulit ang mga bulaklak na hawak ko.

"Kanino galing?" he's referring to the bouquet.

"Ah... ano... a fan gave this to me. She really likes me so she gave me a bouquet," I acted normal so he wouldn't think suspicious.

He nodded while still looking to the bouquet. Iniba ko ang usapan para mawala sa isip niya ang mga bulaklak.

"Naparito ka. I thought you're with your classmates. May project kayo, 'di ba?"

"We're done. We finished it early. Wala naman akong gagawin kaya napagpasyahan kong puntahan ka rito."

"Ganoon ba? You should left me a message so I will know."

Ilang beses na siyang biglang pumupunta rito sa studio nang hindi nagsasabi. But there are times he'll tell me. Dapat nagsabi siya na pupunta rito para magawan ko ng paraan na maitago ito. Bakit pa kasi nagbigay pa ng ganito ni Fabian?

Lumabas si Daxton sa pinto. Pagkakita sa akin ay napatingin siya kay Daxton. Ibinalik niya ang tingin niya sa akin.

"Uuwi ka na?" tanong ko.

"Oo. May pupuntahan pa ako," sagot niya.

He nodded slowly. "Kung ganoon, mauuna na ako. Ingat... kayong dalawa."

Ngumiti siya sa akin. He looked at Steve then smiled a bit. Naglakad na siya palayo sa amin.

"Nag-uusap pa ba kayo?"

The Casanova's Mistake (Book 2 of WTCPFIL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon