Chapter 5

2.6K 48 14
                                    

Chapter 5

Past

Nanatili ang tingin nila sa amin. Nang walang balak na magsalita sa aming dalawa ay wala nang nagawa si Max kundi umupo na lang. Kumuha siya ng beer at uminom. 

For the last time, tumingin ako kay Steve. Nakatingin pa rin siya sa akin. Inirapan ko siya at nilagok ang inumin ko. Nang dahil sa sama ng loob ko, hindi ko na namalayang nakatatlo na akong bote ng beer. Hindi pa naman ako lasing. Nasanay na akong medyo maraming naiinom noong nasa America ako. 

Lumipas ang ilang minuto ay dumating na magkahawak ng kamay sina Bryan at Jamie. Tumatawa pa sila. Umupo na sila. 

"What's with the atmosphere? Bakit ganiyan ang mga mukha niyo? Did something happen?" Jamie asked. 

"Hindi ko alam. Itanong mo sa kanilang dalawa," Max pointed us. 

Napatingin si Jamie sa amin ni Steve. Nakita ko ang pagtango niya at parang may sinabi siya na hindi ko narinig. 

"Aha! I think I already know the reason why they left me," nakangising sabi ni Max sabay tingin sa akin. 

"Ano?" Bryan asked. 

Hindi niya sinagot ang tanong ni Bryan. He placed his point finger on his lips to shut Bryan. Max faced me. 

"Nakailang bote ka na ah. Mukhang sanay na sanay ka na sa ganitong klaseng lugar. Ibang-iba na talaga ang Shayne na nakikita ko ngayon..." he said. 

Ano bang gusto niyang iparating? I cleared my throat. Sasakyan ko na lang ang mga sasabihin niya. 

"People change for the better, Max. Tama ka. Sanay na ako sa lugar na ganito. Kasama ko ang mga kaibigan ko." sabi ko. 

"Noong una ka naming sinama hindi ka talaga sanay. Ngayon... hindi ko na alam. Siguro marami ka nang nakilalang lalaki," sabi niya

Tumingin ako kay Steve. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Kinuha niya ang kanyang beer at ininom ito nang hindi inaalis ang titig sa akin. 

Iniwas ko ang tingin sa kanya. I smiled at Max. "Yes. I met different kinds of boys..." I said confidently.

Napa-woah sina Max at Bryan sa sinabi ko. Nakitaan ko ng walang reaksyon sina Jhaye at Timothy. I looked at Steve. Lalong sumeryoso ang mukha niya. Nagtagis ang kanyang bagang. His stares give me chills. Ibinalik ko ang tingin kay Max nang nagsalita siya. 

"Really? So that means, nagkaroon ka na ng boyfriend?" interisadong tanong ni Bryan. 

I chuckled. Sasagutin ko na sana ang tanong niya nang nagsalita si Max. 

"Of course! Nagkaroon na siya ng boyfriend! Sa apat na taon ba naman ang lumipas, hindi ka papasok sa isang relasyon," he said.

"Kung sa bagay. Siguro mga bigating lalaki sila. I mean, they are westernized. Masyado silang liberated..." Bryan gasped. "So that means you are no longer..."

Binatukan siya ni Max. I raised my eyebrows. Anong ibig sabihin niya? That I'm no longer a virgin because I met westernized boys?! The hell!

"Tumigil ka nga! She's still a virgin! Kung nagkaroon man siya ng boyfriend, hindi hahayaan ni Shayne na may mangyari sa kanila," Jamie pointed out.

Lalong dumilim ang tingin ni Steve sa akin. He licked his lips. I looked away.

Nagpatuloy ang kwentuhan. The topic is not about me anymore. Bryan, Timothy and Jhaye went to the comfort room. Naiwan kami ni Jamie, Max at Steve. Jamie and I talked about some stuffs.

Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, I can feel his stares. His stares make me uncomfortable. Masyadong mapanuri ang mga tingin niya.

Bakit ba ganyan siya makatitig? Nakakatunaw lang ang mga titig niya, kanina pa ako natunaw! Wait. Don't tell me he's jealous? Na akala niya nagkaroon na ako ng mga boyfriend? Oh boy! Hindi ko maiwasang matawa sa naisip ko.

The Casanova's Mistake (Book 2 of WTCPFIL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon