Chapter 21

1.2K 24 0
                                    

Chapter 21

Trouble

After he said those words, ngumisi na lamang siya at umalis na. I scoffed. Ang yabang! Hindi ko maiwasang uminit ang ulo. Why is he like that?! Bakit ayaw niya akong tigilan? At bakit ganoon na lamang siya kay Daxton? Walang ginagawa sa kanya ang tao! Kung makatingin sa kanya ay parang papatayin na niya.

Naalala ko kahapon. He is with another girl. Ah. Girlfriend niya? Kaya pala ganoon na lamang kung makakapit sa kanya. Why pursue me if he has a girlfriend? Babaero talaga!

Sabi niya ay hindi niya ako titigilan. Kung mas lalo akong iiwas ay mas lalo siyang hindi titigil. Kung ganoon, tingnan natin. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya niyang gawin. Dadating din ang panahon na mapapagod siya kakahabol sa akin.

Nakita ko na lamang na paparating na sa direksyon ko si Dax. May hawak siyang dalawang bottled water na mukhang malamig. 

"Here," aniya sabay abot sa akin ng isa. 

"Thanks. Hindi ka na dapat nag-abala pa. May pera naman ako," sabi ko. 

"Nah. Don't even think about it. I don't want you to be thirsty," sabi at ininom na ang kanyang tubig. 

"What's your next subject?"

"Philosophy. I still have one hour for that," aniya.

"Excuse me."

Napatingin kami sa nagsalita sa likuran niya. It's Camille and her four friends. Nakangiti silang nakatingin kay Daxton.

"It seems you're new here. Transferee?" tanong ng babaeng kulay brown ang buhok.

"Yeah. I just got here," Dax answered.

"Really? Welcome to our school! I'm Mabel," pagpapakilala ng babaeng may maikling buhok.

"I'm Marga."

"Ruby."

"I'm Camille," nakangiting sabi niya at nilahad ang kanyang kamay.

Daxton shaked her hands. Nginitian niya ito. Nang inalis ang pagkakahawak, hindi pa rin maalis ang ngiti at tingin ni Camille sa kanya.

"Hi girls. I'm Daxton," he introduced.

Ngumiti silang lahat. Lahat sila ay mangha sa kanya. Pero nang tumingin ako kay Camille, iba ang kanyang ngiti. Parang malagkit.

"Ang gwapo ng pangalan mo. Bagay sa'yo," nakangiting sabi ng nagngangalang Ruby.

"By the way, since you still don't know the places in our school, mind to come with us? Ililibot ka namin rito," sabi ng sa tingin ko ay si  Marga.

"Yeah. We'll volounteer ourselves to be your tour giude. Mag-eenjoy ka kapag kasama mo kami," nakangiting sabi ni Camille.

I raised my eyebrow. Ibang klase ang tingin niya sa kanya. Parang hindi niya ako nakikita sa kasama si Dax.

"Oh. I'm sorry but I already have my tour guide. Kasalukuyan niya akong inililibot dito. It's her," Daxton said then placed his hand around my shoulder.

The girls looked at me. Tiningnan ko ang kanilang reaksyon. Mukhang gulat at disappointed. Pero iba kay Camille. Nakataas ang kilay niya sa'kin. Tila ba parang ayaw sa narinig niya.

"Really?" medyo maarteng sabi ni Camille.

"Marunog kang magtagalog!"manghang sabi ng isa.

"Sayang naman," medyo disappointed na sabi ni Mabel.

"Yes. We're just taking our break."

Hindi pa rin maalis ang tingin sa akin ni Camille. She scoffed at inirapan ako. She looked then at Daxton.

The Casanova's Mistake (Book 2 of WTCPFIL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon