Chapter 33

1.2K 24 4
                                    

Chapter 33

Free

Nagkahalo-halo na ang mga iniisip ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Inilayo ko si Steve sa kanya.

"Daxton, I'm sorry. Maybe you could do it next time."

"Huh? Bakit?" naguguluhan niyang tanong.

"Ipapaliwanag ko rin sa'yo pero hindi muna ngayon," sabi ko habang hila-hila si Steve palayo.

We left Daxton confusedly. Hila-hila ko si Steve papunta sa parking lot. Nang binitawan ay hiningal ako.

"What did you just do?!" bulalas ko.

"What?" he innocently asked.

"Halos magpisikalan na kayo roon! Ano bang pinuputok ng mga butchi ninyo? Akala ko ba nagkaayos na kayo?"

"We are never okay when it comes to you."

I stopped talking. Natigilan ako. His expression became serious. I know what he meant.

"Steve..."

"He's still courting you, right? Now that we're now in a relationship, you should tell him about us."

"Hindi 'yon ganoon kadali. Give me some time to tell him. Ayaw ko siyang biglaan. Mabuti siyang kaibigan sa akin."

"Okay. I understand. This is your first time being in a relationship, right?"

Ngumuso ako ng kaonti at tumango.

He found it amusing. He smiled then hugged me. My face is pressed to his chest.

"That's okay, I understand. Are you pressured?"

Tumango ako ng kaonti. "Oo."

I heard his chuckle. "Don't be. I'll be a good boyfriend," he said then caressed my hair.

"Ganyan ka rin ba sa dati mong mga girlfriend?"

Hindi ko maiwasang isipin iyon. Kung ganoon ba siya sa mga dati niyang girlfriend. Is he sweet, too? Kung sinusuyo rin ba niya ito.

I can't help but to feel bitter. I feel insecure. Magiging ganoon din ba siya sa akin? I know his past. Alam ko na marami siyang naging babae noon.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin. He held my arms ang looked at me.

"What are you talking about?" lito niyang tanong.

"I know you. You had so many girls. Hindi mo ako masisisi na mag-isip ng ganoon."

Yumuko ako para umiwas sa kanyang mga titig. Now I regret what I said. Masyado akong madrama. Dapat hindi ko na siya tinanong. Hinawakan niya ang baba ko at inangat paharap sa kanya. I looked at him.

"Stop thinking about them. Your right. I had many girls before but I don't care about them anymore. I have you and that's more important."

I can feel his sincerity to his words. I smiled and nodded. Ginawaran niya ako ng ngiti at hinila na papunta sa kanya kotse.

Sumunod ulit ang mga araw. Fetching me in our house became his routine. Medyo hindi pa rin ako sanay na kasama siya at lalo na ang maging boyfriend niya.

Alam na ng mga kaibigan niya na kami na. They we're shocked but at the same time, they are happy for us. Hindi nila inaasahan na mangyayari ito.

Hindi ko maiwasang maisip si Daxton. Wala pa rin siyang ideya sa nangyayari. I feel guilty. Nahihirapan akong sabihin sa kanya ang totoo. Parang ayokong sabihin sa kanya pero kailangan.

The Casanova's Mistake (Book 2 of WTCPFIL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon