Chapter 18: His Turn: Jaeki's way
_ _ _ _ _
If you're lucky enough to get a second chance on something, don't waste it.
_ _ _ _ _
[ Layzzah Joy Plata's Point of View ]
*ringing*
"Layzzah! Naririndi na ako sa ringtone mo! Sagutin mo na nga yan." Kinuha ko nalang ang cellphone ko. Pang-ilan na bang tawag 'to ngayon? Kung hindi si Ivan, si Jaeki ang tumatawag! Pumunta ako sa kwarto ko at sinilent ang cellphone ko.
Bago ko pa ito malock, may nareceive na akong text.
From: Ivan
Nasa labas ako ng bahay niyo.
From: Jaeki
Answer your phone. Im on my way to your house.
Seriously?! Nireplyan ko muna si Jaeki.
To: Jaeki
Wag ka ng pumunta, stop courting me, too.
Sumunod kong tinext si Ivan, pero wala pang kalahati ang message ko tumatawag na agad si Jaeki. Kinancel ko ito at pinagpatuloy ang pagtatype.
To: Ivan
It's over. Leave, I'm not planning on seeing you again.
Naisend ko na pero tumatawag nanaman si Jaeki. Declined. Nagtype ako ng message sakanya.
To: Jaeki
Stop calling me. Nakakairita. Delete my number.
Sinend ko na, nagpaplano na akong magpalit ng number pero hindi siguro sa ngayon.
"Ma!! Kapag may naghanap sakin sabihin mo umalis ako at wag na wag mo pong papapasukin!!"
Yung inis ko umaabot hanggang kisame ng bahay! Everything is over, bakit kailangan ko pang kausapin si Jaeki? No need! At si Ivan? The consequence of doing that is hindi ko na uli pa siya kakausapin! Alam kong nasasaktan siya, pero niloko niya ako. Pwede naman namin pag-usapan, eh! Kaya ko naman tigilan ng hindi na niya ako kailangan lokohin para lang pirmahan ang letseng list of steps. Hindi niya kailangan itago! Ayoko lang kasi, pinapangunahan niya ko masyado. Atleast man lang sabihin niya sakin at paguusapan namin. Simple as that. (Ngayon lang kasi nagsink in lahat, tsaka nakapag-isip na ko)
BINABASA MO ANG
2 Words 6 Letters ×
FanfictionA Fan Fiction of IDTIP/ILWTIP Side Story. Jaeki ~ Layzzah. KiLay Couple! :) ℓιαℵℵє ❥