agad akong pumasok sa condo niya nung makarating na kami. i really missed this place. sobrang dami naming memories noon dito."it looks different now." mahinang sabi ko habang pinagmamasdan ang paligid.
ang linis ng paligid, yung mga furnitures din nalipat na. halatang naaalagaan ito ng mabuti.
napangiti naman ako nung makita kong nandun padin yung mga litrato namin dalawa na naka-frame.
"i know.. nagustuhan mo ba, baby?" naramdaman kong namula ang pisngi ko dahil sa tinawag niya saakin.
niyakap niya ako sa likod at pinatong ang ulo niya sa balikat ko. "yes." nakangiti kong sabi.
hinarap niya ako sakanya at pinisil niya ang pisngi ko habang nakangiti, "come." hinila niya ako papasok sa kwarto niya at pinaupo sa kama.
nagtaka naman ako. anong trip neto?lumabas siya saglit ng kwarto pero bumalik din agad ng may dalang puting tuta.
omg- cutee !
napakamot siya ng batok niya at binaba yung tuta dahilan para lumapit ito saakin. nakangiti ko naman sinalubong ito at niyakap.
"you liked it? it's yours now." napatingin ako kay kook at ngumiti. binitawan ko na yung tuta at lumapit ako kay jungkook.
nagulat siya nung bigla ko siyang niyakap, "thank you baby." hinalikan ko siya sa pisngi, "yes, i liked it. a lot."
napangiti ito at niyakap ako pabalik. "anong magandang i-pangalan natin sakanya?" kumalas na ako sa yakap at napaisip.
"beth." mahinang bulong niya at ngumiti. "that name has a lot of memories."
"beth it is." sabi ko at ngumiti. lumapit ulit ako kay beth at nakipaglaro dito.
tumikhim siya bigla kaya napatingin ako sakanya. hinila niya ako patayo at lumunok. what's happening?
nagulat ako nung lumuhod siya sa harap ko. may kinuha siya sa bulsa niya na maliit na box dahilan para mapatakip ako sa bibig ko.
"tzu.. " panimula niya at ngumiti. hindi parin ako makapagsalita, i'm literally so speechless.
"alam kong marami akong naging pagkakamali noon, at nandito ako ngayon para i-tama yun lahat. gusto ko sana malaman mo na mahal na mahal kita at ayaw kong mawala ka pa sa piling ko. hinding-hindi na kita papakawalan pa. ikaw ang gusto kong makasama sa pagtanda, at maging ina ng magiging anak natin."
ini-angat niya ang kamay ko at dahan-dahan pinasok sa daliri ko yung singsing na nasa loob kanina nung box. tumawa siya ng mahina.
"i don't take no as an answer, pero i'll still ask you. will you marry me, chou tzuyu?"
hindi ako makapagsalita kaya ang ginawa ko ay hinila ko siya patayo at niyakap. hinalikan ko siya ng madiin at agad naman siyang nagresponde.
kumalas na ako at ngumiti kahit na punong-puno ng luha ang mukha ko. natawa naman siya at pinunasan ito.
"i promise you baby, i'll never hurt you again like i did years ago. i will love you forever and ever. i love you, my soon-to-be mrs. jeon."
"i love you too, mr. jeon.