Para akong nabunutan ng tinik ng sinagot ni Ace ang tawag ko.
"Nandyan parin ba siya?" Aniya na puno ng pag alala.
"Oo"-halos ibulong ko na sa kanya ang huli kung sasabihin
3:00 na ng umaga kaya di na natulog si Ace panay ang tawag niya sa akin."Bloom alis na ako"- paalam ni Richard. Ngumiti lang ako at nilock ang pinto.
"I can't believe it, akala ko titigil na siya pero mali ako"- halos maluha ako habang parang batang nagsusumbong.
"Calm down babe, di na ako matutulog, pasinsya na kung malayo ako sayo"- sabi niya
"Thankz babe, ok lang yun"
Lumipas ang ilang oras dumating si mama. Lahat ng problema ko alam ni mama. Nag sumbong ako sa kanya sa ginawa ni Richard pero binaliwala niya..
Lumipat kami ng bahay. Masasabi kung maganda ang ayus ng bahay. Nakakatakot nga lang dahil malayo sa mataong lugar at sound proof pa. 4 na oras ang byahe bago ka makarating dito galing sa kung saan sila Richard
Maganda ang unang araw ko kahit laging wala si mama. Malapit lang to sa pinag tatrabahoan ni mama 10peso lang makarating kana.
Di ko akalain ang sumunod na nangyari gabing gabi na din ng gabing yun. Katulad ng dati nag taka ako dahil may kumatok nanatili lang akong tahimik sa loob ng bahay namin.
Di parin tumigil yung kumakatok buti nalang di makita sa labas ang loob ng bahay namin. Hinayaan ko lang yung kumatok alam ko kasi kapag si mama dahil mag sasalita siya ng kahit sino di alam ang sasabihin niya at ako lang ang nakakaalam nun kumbaga secret code yun namin
Di parin siya tumigil hangang sa nag salita na yung kumatok di ako nag kamali siya nga pero paano niya naisip pumunta dito? Hinayaan ko lang siya tawag tawagan ako hanggang sa nangsawa siya at umalis.
Kinabukasan tumawag si ace sinabi ko sa kanya lahat. Natamdaman ko ang pag alala niya kinumbinsi niya akong pumunta sa kanila pinadala niya ako ng pera sa una di ako pumayag pero nag isip ako
Wala akong kaibigan na matakbuhan. Si mama naman di nakikinig sa akin kahit paulit ulit akong mag sumbong.
Napapayag ako ni Ace na pumunta sa kanila kilala na ako ng pamilya niya kaya di na ako nag alala dahil sila din nag papunta sa akin.Akala ko maging maayus ang buhay ko pero....
After 5 month.
Di na ako hinayaan ni Ace umuwe gusto niyang mag sama na kami masasabi kong sobrang bait ni Ace at ng pamilya niya.
At dahil sa mahal ko siya lahat binigay ko sa kanya."Parang di ka ata dinugo?"- nagulat at kinabahan ako sa tanung nang nakakatandang kapatid ni Ace.
"Baka late po ate, ganyan kasi ako minsan late ako ng 1month, abnormal po "sabi ko at binigyan siya ng ngiti.
Ayaw ko talagang nag sisinungaling. Tanging anak niya lang nakakaalam sa lahat mapagkatiwalaan naman siya.
Pagkahapon pa sekreto akong bumili ng PT masaya at medyo kinabahan ako sa posibling kalalabasan minsan din naman nangangarap din si Ace na mag kaanak kami.
Kinabukasan umagang umaga ginawa ko ang proseso medyo masaya ako sa nakita ko first time ko to gagawin at alam ko na kung paana ayun medyo natuwa ako kasi negative pero tinago ko yung PT dahil medyo madilim pa.
8:00am ng umaga
Nagising ako wala sa tabi ko si Ace pumasok na siguro sya. Hinanap ko kung saan ko nilagay yung PT kagabi para itapon pero halos nanghina ako sa nakita ko at the same time masaya ako.
Positive ang Result ng PT. Di ako maaring mag kamali pero bakit? Tinago ko ang PT.
Pumunta ako sa shop kung saan nag tatrabaho si Ace. Mabuti nalang dahil dalawa lang sila ng kapatid niyang isa ang nandun.
"Kuya, nandyan ba si Ace?" - tanung ko. Kasundo ko si kuya Jr dahil mabait siya sabi nila napa katigas daw ng ulo niya pero sa nakikita ko hindi naman siya mukhang ganun.
"Nasa loob nanunuod ng TV"- sabi niya at ngumiti lang. Kumatok ako sa harap ng shop
Nakita ko naman siyang tumingin kaya ngumiti ako at tinawag siya."May problema ba babe?"~ ngitian ko lang siya at hinila papasok sa shop.
"May ipapakita ako sayo" masaya kong sabi at inabut sa kanya ang PT.
Nag taka pa siya kung anung ibig sabihin nun. Napaka inosente talaga ng asawa ko."PT yan babe, dyan mo malalaman kung buntis ka o hindi"- paliwanag ko.
"Tapos?"
"Babe, buntis ako"- masaya kung sabi pero nawala lahat ng ngiti ko ng makita ko ang dissapoinment sa mukha niya.
Bakit parang hindi siya masaya? Ito naman talaga ang matagal niyang gusto eh. Ang mabuntis ako para di na kami mag hihiwalay pa.
Nakita kong pumasok si kuya Jr
Bago niya pa kami abutan kinuha ko na agad ang PT sa kamay ni Ace, pag katapos umalis na ako di ako nag pahalata kaya di ko tinigil ang ngiti ko kahit sa loob looban ko nasasaktan ako.Nasa kabilang daan na ako walang masyadong tao nang biglang pumatak ang luha ko.
Sinira ko yung PT at tinapon sa Gilid.Hanggang sa mag tanghali tahimik lang ako nag luto pag katapos pinakain sila Ace at si kuya Jr Good things wala dito ngayon ang kapatid ni Ace at mga anak niya nag bakasyon sila.
"May problema kaba Bloom?"- tanung ni kuya pero ngumiti ako sa kanya isang fake na ngiti kanina ko pa napapansin ang mata ni Ace pero hinayaan ko siya di ko sya tinapunan ng tingin .
"Kumain ka ng marami"- sabi ko at nilagyan ang plato niya at umupo na ako.
Wala akong gana pero kumain ako kahit kunti para naman di ako mahala ni kuya Jr."Kumain na pala kayo"- napatingin ako sa nag salita kapit bahay lang pala nila ate.
"Kain po tayo ate"- sabi ko."Di na kailangan bloom kakain nadin ako, akala ko wala kayong ulam kaya dinalhan ko kayo. " sabi niya at binigay sakin ang bowl na may ulam.
"Thankz ate, balik ko nalang po mamaya ang plato niyo" sabi ko at ngumiti sa kanya. Isa ito sa gusto ko sa mga tao dito dahil meron silang ugaling mag bigayan.