There are two types of pain. One that hurt you and the one who changes you.-----
5 years ago~" Ma, nakita mo ba sapatos ko?" tanong ko sa maganda kong mama na busy sa paghahanda ng umagahan.
" Hanapin mo jan. " wika niya. Hinanap ko naman ang sapatos ko. Mula sa kwarto ko, kwarto ni mama at papa, pati na rin sa sala, pero bigo akong makita ito.
" wala naman dito Ma eh. " sabi ko habang hinahanap sapatos ko sa ilalim ng upuan. Saan na ba 'yong sapatos ko? Kailangan ko yong sapatos na 'yon. Eh papaano ako papasok sa trabaho kapag wala akong sapatos na maisuot?
Napalingon naman agad ako sa likod ko ng may biglang humila sa damit ko. " here mom " abot niya sa sapatos ko.
I smiled at him. " Where did you find it? " tanong ko sa anak kong si Ivan. He's 4 years old turning 5 this October.
" It's in the refrigerator mom " He said. I know he's telling the truth. Ramdam ko pa kasi ang lamig mula sa sapatos ko.
I kissed him on his forehead at saka tinulongan ko siyang lumakad papunta sa mesa. Mom prepared milk, slice bread and also fried egg for us.
" Ma. Bakit mo naman nilagay sa refrigerator yung sapatos ko? Kaya pala di ko mahanap eh andon lang para sa ref. at nagpapalamig. " wika ko nang lumabas si mama mula sa kusina. Lagi nalang niya nakakalimutan kung saan niya nilagay yung mga gamit sa bahay. Kahapun nga, yung posteso niya nalagay niya sa washing machine sa halip na yong lalabahing damit.
"Pasensya na anak. Alam mo namang matanda na mama mo. Dba apo? " baling niya sa kaniyang apo na busy sa kaniyang pagkain. Nakikita ko naman sa anak ko na medyo nagiging matured na siya sa murang edad. Kaya nga nag-apply ako ng trabaho kasi komportable akong kaya na niyang alagaan sarili niya. Anjan din naman si mama para bantayan siya.
Saka hindi lang naman para sa sarili ko itong pagsisikap ko kundi para din naman sa kinabukasan niya. I want to give him everything he want. I want to feel him na buo ang pamilya niya, na masaya siya kasama kami.
" You're not that old Lola mommy. Siguro makalimutin kalang " he grinned saka binalingan ulit ang kaniyang pagkain.
This naughty boy, alam talaga niya kong ano ang nararapat sabihin sa isang tao. Siya kasi yung klase ng bata na hindi kayang manakit ng iba. He thinks before he speak.
Masaya kaming kumain ng umagahan. Paulit-ulit kong pinapaalala kay mama ang dapat gawin baka kasi makalimutan niyang ihatid si Ivan sa school. Lagi nalang kasi itong nalalate dahil nakalimutan ni mama na ihatid ito.
Tinulongan ko muna si mama na ligpitin ang pinakainan namin bago ko kinuha ang bag at susi ng motor. " Lolo daddy!! " tawag ni Ivan sa lolo niya na galing sa pagjojogging. Nang makalapit ito sa kaniya ay agad itong lumambitin sa braso niya.
" Good morning apo " tugon nito at hinalikan sa noo ang anak ko. He love Ivan the way I love him. Si papa ang tumatayong ama ni Ivan. He was there noong nanganak ako sa kaniya. Kaya masasabi kong mahal na mahal talaga niya ang anak ko.
" Good morning dad " bati ko pero I didn't receive any reply from him. Alam ko namang hindi ganun kadaling kalimutan ang nangyari a years ago. Kahit nga ako hindi ko parin malimutan ang sakit na dinulot ng nakaraan sa akin. But as long as I have Ivan in my side, parang unting-unti ko ng nakalimutan ang nangyari.
Mom tapped my shoulder " Malalate kana. Don't worry ako na bahala kay Ivan. " tumango nalang ako at lumapit sa anak ko na karga-karga ng lolo niya.
" Bye baby" i kissed his forehead and smiled.
" Bye mom, take care " he said and kiss my cheeks. Magpapa-alam sana ako kay daddy but he didn't even look at me. Kaya mas minabuti ko nalang na umalis. Alam kong hanggang ngayon di niya parin ako kayang patawarin. But to see him being happy to my son ay masaya na rin ako. Iniisip ko nalang na pinatawad niya ako kahit malayo ito sa katutohanan.
Walang imik akong nagmaneho papunta sa tinatrabahoan ko. Medyo sikat na ang araw kaya nakadama na ako ng init. Patuloy lang ako sa pagmamaneho nang may napansin akong pusa na papatawid sa daan. Sa di kalayuan naman, napansin ko din ang isang sasakyan na sobrang bilis ang takbo.
Mula bata pa, kahiligan ko na talagang mag-alaga ng pusa. Cat is my favorite animals kay di kaya ng kunsensya ko na panuorin lang itong mabunggo ng sasakyan.
Napakagat labi ako dahil sa iniisip ko. Alam kong mapanganib pero kailangan kong masagip ang pusa. I take a deep breath saka dahan-dahang pinapabilis ang takbo. Pasimple kong inoorasan ang pangyayari. Ang goal ko ay ang masagip ang pusa bago paman mabunggo ito ng sasakyan. Mas binilisan ko pa ang takbo at kaunti nalang ay maabot ko na ang pusa at-
BOOOOOOM!!!
-----------------
By the way. Thanks KEIANIMEX for creating my book cover. Thanks alot 😘
BINABASA MO ANG
I'm his Woman (on-going)
Ficción GeneralHaving a loyal and caring boyfriend ay hindi lang pangMVP kundi para ka naring nanalo sa loto. for Vivian, Chuan is the only man she will love.They're couple since high school. Pero hindi nila alam na paghihiwalayin sila ng isang nakakasuklam na pa...