Kabanata 7

83.6K 2.5K 648
                                    

Kabanata 7


"I'm Shella Mae Amando. Nineteen. From Tondo, Manila... My mission in life is not merely to survive, but to thrive and to do so with some passion, some comparison some humor, and some style."

"My beautiful name is Norie Lyn San Juan. I'm twenty years old. I believe that we should remember that each day is a gift and we should live each moment to its fullest."

"Jonnabel Darag. Twenty three. I believe in the saying: When you lose, just smile and try again.. don't lose hope, just keep trying."

Ang ngiti ko ay unting-unting nawala nang marinig ang kanilang pagpapakilala sa unahan. Napalunok ako ng laway sa sobrang kaba. Hindi ko na magawang makangiti dahil sa sobrang niyerbos. Para na akong pinagbagsakan ng langit at lupa.

Paktay na! Ang gagaling nilang mag-ingles! Walang-wala ako! Maganda lang ako pero wala talaga akong patama sa galing nila sa ingles.

Napatingin ako kay Daniela upang humingi ng saklolo. Ang aming mga tingin ay nagtama. Nakangiwi ako habang tinitingan siya. Napansin kong nakabusangot ang mukha niya noong napansin niyang nakasimangot ako.

Itinuro niya ang kaniyang mukha at pagkatapos ay ngumiti. Paniguradong tinuturuan niya akong ngumiti ulit. Pasimple kong itinuro ang mga kalaban ko sa pamamagitan ng nguso at pagkatapos ay ibinuka ko ang aking bibig upang magsalita.

Ingles! Paano na ako? Bukang bibig na sabi ko sa kaniya.

Inirapan niya lang ako nang makuha niya ang ibig kong sabihin bago siya nagpaypay ng dala niyang kapirasong karton.

Walang pakialam ang bakla!

Maya maya ay bigla ulit siyang tumingin sa akin. Pilit akong napangiti nang bigla akong pandilatan ng mata ni Daniela.

Ang baklang ito! Hindi man lamang ako tulungan. Panandalian akong napatingin sa itaas at pagkatapos ay ibinalik ko kay Daniela ang aking tingin habang nag-iisip. Sinubukan kong mag-isip ng salitang ingles na sasabihin sa unahan. Iyong maganda at may dating.

Ano nga ba ang mga itinuro sa akin ni Daniela?

I tenk you? If you lab therz a...

Napangiwi ako noong hindi ko maalala ang kasunod ng kaniyang itinuro. Pati ang iba niya pang itinuro ay nakalimutan ko na rin. Nawala na sa isip ko ang mga kasabihan na itinuro niya, naglaho na sa isip ko ang mga linyahang pang beauty queen.

Ramdam ko na ang sunod-sunod na pagtulo ng pawis ko sa aking noo. Pasimple ko itong pinunasan, at pagkatapos ay inayos ko ang buhok ko at inilagay ito sa isang tabi.

Pakiramdam ko ay magiging tuwid ang buhok kong kinulot kanina ni Daniela dahil sa nararamdaman kong sobrang nerbiyos.

"I'm Jovelyn S. Magnaye. I'm twenty-one and I believe in the saying: You have to love to be loved."

Marami pang mga kandidata ang nagpakilala gamit ang salitang ingles. Habang palapit ng palapit na ang numero ko ay mas lalo akong kinakabahan. Ilang beses kong inisip kung ano ang maaari kong sabihin mamaya.

Sabihin ko na lang kaya iyong mga linyahan ni FPJ sa mga pelikula niya?

Isang bala ka lang....Walang matigas na tinapay sa mainit na kape...Hindi ka na sisikatan ng araw... at papunta ka pa lang, pabalik na ako...Papatay ngunit...

Agad akong natigilan nang narinig ko ang numerong labing dalawa. Napakagat labi ako sa sobrang kaba. Ramdam ko ang nagkakarerang tibok ng puso ko.

"Candidate number #12!" sigaw na sabi ng host.

The Billionaire's Sexy WhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon