Kabanata 21

69.4K 1.9K 112
                                    

Kabanata 21

"What do you want to do?" rinig kong tanong niya kaya napaiwas ang tingin ko sa mga taong nagsasayaw sa dance floor at muli akong napatingin sa kaniya.

Malumanay na ang reaksyon ng mukha niya. Wala ng inis na makikita dito. Hindi ko maiwasang mapatulala sa kaniya.

Potek! Ramdam ko pa din ang pagdagundong ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.

Huwag ko siyang pag-alalahanin? Alam niya bang parang tumatalon ang puso ko sa sinabi niya! Hindi rin ako mapakali. Kinagat ko ang aking labi. Potek talaga! Parang gusto kong tumili dahil sa kilig.

"Gusto mo bang magsayaw?" mahina niyang tanong. Kahit maingay ang tugtog ay narinig ko pa rin ang sinabi niya dahil sobrang lapit niya parin sa akin.

Oh tukso! Layuan mo ako!

Tang ina! May kung ano na naman na nagrarabulan sa tiyan ko. Hinawakan niya ako sa braso at halos mapasinghap ako nang malakas noong may naramdaman akong tila kuryente na dumaloy sa braso ko. Sa parte kung saan niya ako hinawakan.

Mas lalong napabilis ang tibok ng puso ko. Nanlalaki ang mga mata na inalis ko ang kamay niya.

"A-yokong magsa-yaw." nauutal na sabi ko habang lumalayo ng konti sa kaniya.

Potek! Huwag kang lalapit sa akin! Lumayo na ako kaya huwag ka ng lumapit. Gusto kong isigaw sa kaniya ang mga salitang iyan pero pinigilan ko lang.

Ano itong mga nararamdaman ko? Pakshet!

Napansin kong kumunot ang noo niya na tila nagtataka. Napakagat ako sa aking ibabang labi noong hinawakan niya ang batok niya.

"Gusto mong kumain?" malumanay na tanong niya.

Marahas akong umiling sa kaniya. Gutom? Hindi naman ako nagugutom.

Bigla akong napatigil nang may pumasok na ideya sa utak ko. Iba na ang nararamdaman ko! Baka nga may sakit ako!

Kailangan ko na bang magpasugod sa ospital?

Nanghihina na napasandal ako sa sofa. Marami pa akong pangarap sa buhay. Ayoko pang mategi! Magpapakabait na talaga ako!

"Busog pa ako. Alak ang gusto ko." nanghihina na sabi ko. Kailangan ko ng alak. Baka sakaling mawala ang katakot-takot na nararamdaman ko.

Baka kasi may sakit na ako tapos huling araw ko na pala. Dapat naman ay ma-enjoy ko muna ito sa pag-inom ng alak.

Narinig kong bumuntong hininga siya kaya napatingin ako sa kaniya. "I won't let you drink. Bawal kang uminom" may awtoridad na sabi niya.

Bigla akong napairap sa pagbabawal niya sa akin. Masama na bang uminom ngayon?

"Bakit? Ano pang saysay ng pagpunta natin dito kung hindi mo ako papayagan na uminom?" nagrereklamo na sabi ko at pagkatapos ay ngumuso ako.

Sabi niya ay mag-enjoy daw ako pero bakit pinagbabawalan niya ako? Ulol ba siya? Isasama sama niya ako dito para umupo lang?

"Okay fine. Anong gusto mong inumin except alcoholic beverages" parang tanga niyang tanong sa akin.

Alak nga kasi ang gusto ko!

"Do you want some juice, ice tea or water?" pagpapatuloy na sabi niya.

Nanlulumo na napasandal pa lalo ako sa sofa. Walang thrill! Mahina ba ang tingin niya sa akin?

"Anong tingin mo sa akin teenager?" naiinis na sabi ko at pagkatapos ay pinanlisikan ko siya ng mata.

Napansin kong tipid siyang napangisi at umiling.

The Billionaire's Sexy WhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon