Kabanata 50

89.3K 2.1K 43
                                    

Kabanata 50

"Can I touch your tummy?" tanong niya at pagkatapos ay umupo siya sa tabi ko.

Isinubo ko ang mangga na hilaw na pinakuha ko sa kaniya kanina. Mabilis ko siyang pinasadahan ng tingin at pagkatapos ay ngumuso ako.

"Mamaya na." mahina kong sabi.

Iniiwas ko ang tingin sa kaniya at pagkatapos ay ibinalik ko sa tv ang atensyon ko. Narinig ko siyang napabuntong hininga at hindi niya na naman ako pinilit.

Nanahimik siya kaya naman napatingin ako sa kaniya. Napansin ko na medyo naging malungkot siya.

Napalabi ako at pagkatapos ay agad kong kinuha ang kaniyang kamay. Ipinatong ko ang kamay niya sa aking malaki ng tiyan.

Nakita ko na sumilay ang ngiti sa kaniyang mukha noong hinaplos niya ang tiyan ko. Nakatingin lang ako sa kaniya habang kinakausap niya ang aming anak.

"Maligo ka muna. Ang baho mo na." pang-aasar na sabi ko sa kaniya. Hindi naman siya mabaho pero gusto ko lang siyang asarin.

Kakatapos niya lang tabasin ang mga ligaw na damo sa tabing bahay namin. Tirik na tirik parin ang araw at kitang-kita ko ang pawis na tumutulo sa kaniyang katawan. Nagtanggal kasi siya kanina ng tshirt dahil sobra siyang binabanas.

Nilapitan niya ako at pagkatapos ay kinuha niya ang tubig na nasa tabihan ko.

"Hindi ako mabaho, Sweetheart. Baka sarili mo lang yung naamoy mo." Nakangisi na sabi niya at tsaka siya uminom ng tubig.

Napanguso ako at kasunod noon ay ang pag-irap ko sa kaniya. "Ha? Sinasabi mo bang mabaho ako?"

"No. I mean, It's been two days since you didn't take a bath. Baka naiinitan na si baby sa tyan mo. Mabuti siguro na maligo ka na." nang-aasar niyang sabi sa akin.

Inis ko siyang sinuntok sa abs niyang sobrang tigas.

"Hoy! Sinabi mo kaya kanina na baka sarili ko lang naamoy ko! Pinapalabas mo naman na mabaho ako!" inis kong sabi habang nakakunot ang noo ko.

Mas lalong lumawak ang pagkakangiti niya sa akin at tsaka niya ako tinawanan.

"Okay, sweetheart. I will be honest with you. You didn't smell good. I think you need to take a bath. But even if you smell like that I still love you." malambing na sabi niya.

Bigla niya akong niyakap at pagkatapos ay itinaas niya ang braso ko ay inamoy ang kili-kili ko. Nakasuot lang ako ng bistida na sleeveless. Sa gulat ko sa kaniyang ginawa ay tinulak ko siya agad. Natawa lang siya at hinila ulit ako upang yakapin.

"Sibuyas, mabaho ako. Huwag mo akong yakapin." utos ko sa kaniya.

Hinalikan niya ako sa pisngi at pagkatapos ay tiningnan niya ako habang nakayakap siya sa akin.

"So, kahit ano pa ang amoy mo mahal parin kita. Kahit mabaho ka pa okay lang sa akin kasi dapat lahat ng negatibong bagay sayo mamahalin ko parin kasi si Amara ka eh. Ikaw yung babaeng mahal ko." malambing niyang sabi.

Napanguso ako habang tinitingnan siya.

"Oo na oo na. Pinapakilig mo lang ako. Bitaw na maliligo na ako."

"Mamaya na. Gusto pa kitang yakapin. Ilang buwan na kitang hindi nayayakap eh" Natatawa niyang sabi.

Hinimas niya ang aking malaki ng tiyan. Naramdaman ko ang paghalik siya sa aking buhok.

"Isa, Sibuyas. Hindi ka susunod? Baka gusto mong mas humaba ang paghihirap mo." pagbabanta na sabi ko.

Narinig ko ang mahina niyang paghalakhak kaya napanguso ulit ako.

The Billionaire's Sexy WhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon