Kabanata 42

68.6K 1.8K 229
                                    

Kabanata 42

Malakas na pagkatok ang ginawa niya sa pinto. Halos masira ang pinto namin dahil sa pagkalampag niya dito.

"Buksan mo ang pinto, Amara! Kukunin ko na ang mga anak ko!" rinig kong sigaw ni Marjorie sa labas.

Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng takot. Nandito na siya upang kuhanin ang mga anak niya. Kukunin na niya sa akin ang mga kapatid ko. Paano na ako? Iiwanan nila ako.

Nakita ko ang biglang pagdating ni Daniela. Pansin ko ang pagsasalubong ng kaniyang kilay dahil sa kalituhan.

"Sino iyon, Amara?" tanong niya sa akin.

May lungkot sa ekspresyon na tiningnan ko siya. Humugot ako ng malalim na paghinga at pagkatapos ay kumapit ako sa may pinto dahil nakaramdam ako ng pagkaliyo. Panandaliang tumigil si Marjorie sa pagsigaw at pagkatok sa pinto ko.

"Si Marjorie. Ang ina nina Totoy Bibo." mahina kong sagot kay Daniela.

Narinig ko ang malakas niyang pagsinghap. Halata sa kaniyang mukha ang pagkabigla.

"Ha? Bumalik siya?" Hindi makapaniwala na tanong niya.

Dahan dahan akong tumango at pagkatapos ay napakuyom ako ng aking kamay. Hindi ako papayag na bawiin niya sa akin ang mga anak niya.

"Sa kasamaang palad Oo."

Ang akala ko ay nakaalis na siya kaya siya tumigil pero muli naming narinig ni Daniela ang sunod sunod na pagkatok ni Marjorie sa pinto.

"Mga anak ko sila Amara! May karapatan ako sa kanila." malakas na sigaw niya sa labas.

Sisigawan ko na sana siya at sasabihing umalis na pero hindi ko iyon nagawa dahil napansin ko ang biglang pagdating ng mga bata.

"Sino po ang nasa labas, Ate Amara?" Naguguluhan na tanong ni Dodo.

Kasama niya ang lahat ng kapatid niya at napansin ko ang mga noo nila ay nakakunot na tila naguguluhan habang tinitingnan ako.

Mas lalo akong kinabahan. Ayokong makita nila ang ina nila. Paano kung iwan nila ako? Ayokong mawala sila sa akin. Paano pag mas pinili nilang makasama ang ina nila?

Muling sumigaw si Marjorie sa labas kaya nakita ko ang panlalaki ng mata ni Totoy Bibo noong mabosesan niya ang kanilang ina.

"Si nanay po ba iyon? Kaboses niya po eh?" may kasiyahan na tanong ni Totoy Bibo.

Nakita ko sa mga mukha ng magkakapatid ang pagkasabik at kasiyahan. Kinagat ko ang aking labi upang pigilan ang luhang gustong pumatak sa aking mata.

Takot akong maiwan nila dahil hindi ko kaya. Masyado na silang napamahal sa akin ng lubos.

Wala na akong nagawa noong binuksan ni Totoy Bibo ang pinto upang salubungin ang kaniyang ina.

Nakita ko rin ang pagsunod ng kaniyang mga kapatid. Mas lalo akong nanlambot sa nasaksihan.

"Nanay!" masayang tawag nila sa kanilang ina.

Dahil sa nakabukas na pinto ay nakita ko kung paano nila niyakap ng mahigpit si Marjorie. Halata sa bawat mukha nila ang pagkasabik sa isa't isa.

Malungkot na napangiti ako. Sana kung papipiliin sila ay ako ang piliin nila.

"Nanay? Saan ka po nanggaling?" umiiyak sa kasiyahan na tanong ni Sasam.

"Sa ibang bansa, anak." lumuluha na sagot ni Marjorie.

Naramdaman ko ang paghimas ni Daniela sa aking likod upang pagaanin ang loob ko. Siguro ay nakita niya ang kalungkutan at takot sa akin.

The Billionaire's Sexy WhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon