Chapter 4

217 7 0
                                    

'Gain in pain'

"And then the prince and the princess lived happily ever after." my mommy smiled at me after reading the story.

"Is dad your prince charming mom?" I asked mom while playing with my doll.

"Y-yes of course honey."

"Then why is he hurting you? Di ba prince charmings protect their princess. Why is dad hurting you?"

Tinuro ko ang kulay violet sa may braso ni mommy. Ngunit hindi na siya nakasagot.

"Syche just sleep na okay?"

"But Syche not sleepy yet" I said in my sleepy tone.

"Syche--"

"Carriesma! Where the fuck are you!?"

Kitang-kita ko kung paano nag-panic si mommy. Pinatayo niya ako at itinago sa ilalim ng aking kama.

"Mommy no! Syche is sacred!" Umiiyak na ako at hindi binibitawan si mommy.

"Syche. Kahit anong makita at marinig mo wag kang mag-iingay at wag kang lalabas naiintindihan mo ba? Syche naiintindihan mo ba!?"

"Y-yes po mommy" umiiyak na sagot ko.

"Syche!"

"Syche!"

"Ate"

"Wake up please"

Naalimpungatan ako dahil sa boses ng mga kapatid ko. Unti-unti kong iminulat ang aking mata at umupo sa kama.

Teka kama?

"Papaano ako napunta rito?" Tanong ko sa mga kapatid.

"Hindi rin namin alam basta ang sabi ni Uno nandito ka daw sa kwarto na ito." si Hera na nakapangalumbaba sa tabi ko.

"Sinaktan ba nila kayo?" Kunot noo kong tanong.

"No. I think its just a misunderstanding ate Syche. Mabait sila." si Rhysa.

"Or nagpapanggap lang silang mabuti." sansala naman ni Hera.

"Ate akala ko sa tarlac tayo pupunta?" Litong tanong ni Amy.

Napabuga ako ng hangin at napapikit ng mariin. "Amy, kailangan muna nating tumakas."

Narinig ko ang pagpihit ng door knob kaya agad akong napatayo. Pinulot ko ang lampshade na nasa tabi at hinila ang pagkakasaksak nito.

Itinago ko ang mga kapatid ko sa lokuran ko habang nakatutok ang lampshade na hawak ko sa pintuan.

Sumungaw ang ulo ng isang lalake at agad na nanlaki ang mga mata niya nang makita ang ayos ko.
"Whoa! Kalma miss!" Aniya at itinaas pa ang dalawang kamay habang dahang-dahan na pumapasok sa loob ng silid.

"Huwag mo ng subukan mas lalo lang kayong mapapahamak. Kahit pa mapatay mo ako madami parin kami sa labas. Lugi ka." anang lalaking nang nakapasok na siya at hilaw na ngumiti.

"You? Ikaw yung isa sa tauhan ni daddy diba!?" Matapang na tanong ni Heranae.

"Well yes and no. m Zacarius Ynok Amontons" pagpapakilala nito.

"How are you related to Mr. Amontons?" tanong ko naman sa kanya hindi parin binibitawan ang hawak na lampshade.

"Well his my great and mighty brother." anito saka kumindat.

"Your brother?"

"By the way I have to go.... my brother just told me to check on you all... Have a nice stay here in--" napatigil siya na para bang may narealize "oh.. hindi ko pala pwedeng sabihin." Aniya at humalakhak na para bang may nakakatawa at saka tuluyan ng umalis.

Sieged By The Heart (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon