'Back'
"Syche, are you done packing your things?" Tanong ni ate Aria habang hinihila ang mga gamit nila Rhysa, Amy at Hera.
"Yes, ate." matamlay na sagot ko.
Ngayong araw na ito ang pag-uwi namin sa Pilipinas. Bukas o sa makalawa makikilala ko na ang ipapakasal ni Dad sa akin. Kahit na ayaw ko wala naman akong magagawa.
5:00 am lumapag ang eroplano sa NAIA sinundo kami ni kuya Vico at ng mga bodygaurds niya. Agad akong niyakap ng mahigpit ni kuya. I hugged him back and closed my eyes, I can feel my tears stinging at the edge of my eyes.
"Syche.. im sorry dapat pinigilan ko si dad. Sorry Syche" ani kuya habang hinahaplos niya ang buhok ko.
Maluha-luha ko siyang tiningnan at kita ko sa mga mata niya ang frustration.
"Kuya, don't blame yourself.""I'm really sorry Syche" umiiling na sabi niya at hinigpitan pa ang yakap sa akin. Para bang wala na siyang planong pakawalan ako. Mapait akong ngumiti at niyakap din ang kapatid ko.
"Dont worry, I can protect myself kuya" aniko at nagpilit ng ngiti. He just nod at me but the dissapointment's still evident in his eyes.
Si kuya Vico na ang ang nagdala sa bagahe ko habang palabas kami ng airport. Lumapit ang isa sa mga bodygaurd namin at may ibinulong kay kuya Vico bago inabot ang isang cellphone. Lumayo si kuya habang kinaka-usap ang nasa kabilang linya. Pero kahit na malayo siya kitang-kita ko ang madilim niyang ekspresyon at ang pag-igting ng kanyang panga na parang tutol siya sa sinasabi ng kausap niya. Nakita ko pang nanlumo ang mga mata niya bago pinatay ang telepono. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago ulit tumungo sa amin. Nagtama ang mga mata namin at ang galit niyang tingin ay napalitan ng awa.
"Lets go?" Hinawakan ni ate Aria ang kamay ko at sumakay na kami sa Limousine na pinadala ni Dad na maghahatid sa amin sa mansion.
Tahimik akong nakatingin sa daanan habang nagtatawanan ang tatlong nakakababata kong kapatid. Wala silang ideya kung bakit nandito kami. Hindi pa nila alam na ikakasal na ako. Binaba ko ng bahagya ang bintana ng Limo at pinikit ko ang aking mga mata habang dinadama ang malamig na hanging humahaplos sa aking balat. Labing-apat na taon na ang nakakalipas simula ng huli akong nanatili dito sa Pilipinas dahil sa London kami nananatili noon.
"You okay Syche?" Tanong ni ate Aria matamlay na ngiti lang ang kaya kong isukli sa kanya dahil hindi ako okay.
"Ate Aria anong naramdaman mo noong ipinakasal ka ni Dad kay Maki?"
"Why a sudden question?" I caught her off gaurd.
"Wala lang im... just curious."
"Ofcourse Im really fuming mad back then. I want to rebel and shout at dad... but I think fate has its own way on making things right." She smiled and her eyes sparkle as she tells me how she felt.
"Mmmh... really?"
I'm just hoping na hindi tulad ni dad ang mapapangasawa ko. 9:30 na ng makarating kami sa mansion sa Baguio. This is the last place that I will want to go to,p but im here stepping on its cold, shiny marmle tiles. I roamed my eyes in the huge hall.
It's still like before.
Maybe my dad does'nt have the time to change the mansion designed by her behated wife. I clenched my fist as the painful memory about 16 years ago flashbacked in my mind. I still can see our big family portrait.
I faked a smile. We really looked happy at the painting. But the truth...
It's all lies.
"Syche! My daughter!"
I froze as I heard the voice of the person who brought pain in my life. I turned and a grey haired man appeared in my face. I looked at him coldly. He smiled and I know it's all fake. He hugged me tightly like he missed me but I know my dad too well to be fooled.
"Im glad your all back! Lets go to the dining table the maids prepared your favorites" Aniya at iginiya ang ako pero iniiwas ko ang kamay ko sa kanya.
"I'll pass.. I will just rest in my room" walang emosyon kong sabi.
"Why?" He asked in his normal tone.
"Jet lag." and with that I turned my back from him.
Umakyat ako sa engrandeng staircase ng mansion at dumiretso sa kwarto ko. This place... is my nightmare. It has been 16 years but its still deep rooted in my heart and in my mind.
I take a shower first before drifting to sleep.
'Mom'
Nakatalikod siya sa akin at ang mahabang buhok niya lamang ang nakikita ko.
"I- I miss you mom"
Nag-uunahang maglaglagan ang mga luha sa aking mga mata.
"Dont let anyone cage you my daughter" she said while smiling and then a blinding light wake me up.
Unti-unting kong minulat ang mga mata ko at kinuha ko ang cellphone ko mula sa table sa tabi ng kama. Its already 8:30 am.
Bumangon na ako at nagshower. I am wearing a white long sleeve maroon top and a high waisted pants. I need to refresh bago ako ibenta ng tatay ko.
I have plans to go to the mall, park or something. Bahala na.Then I found myself in a childrens park sitting in the swing. Ipinikit ko ang aking mga mata at ninamnam ang malamig na hangin.
"Why is my life so wasted!!" Nakapikit na sigaw ko. Tumayo ako at pinagsisipa ang mga bato sa lupa.
"What have I done in my first life to deserve this huh?" Heto na naman ang mga luha kong hindi napapagod na magsi-tuluan. Isinuntok ko ang kamao ko sa bakal ng seesaw. Wala n akong pake kung sugat
"Arghhhh! Fuck this life!!" Malakas na sigaw ang ginawa ko. Pumulot ako ng isang bato at ibinato iyon sa mga halamanan. Bago ako tuluyang napa-upo at umiyak nalang ng umiyak.
Patuloy parin ako sa pag-iyak ng maramdaman kong may nagmamasid sa akin. "S-sino ka?" Pero wala akong narinig na sagot kundi ang kaluskos lang ng mga halamang nasa likuran ko.
I tried to peek behind the tall plants pero wala akong nakitang kahit ano. I followed the track na natabunan na ng mga patay na dahon pero wala akong nakita ni anino ng tao. Pero ganun na lang ang gulat ko ng may matapakan akong lubid at mahila ako pataas.
"Anong-- Ahhhhk!!"
"Syche! Anong nangyari?! Kanina pa kita hinahanap! What the hell?" kuya Vico asked.
Nakabaliktad na larawan niya ang nakita ko.
"I accidentaly step on in this trap obviously." I replied bluntly.
"This must be a rabbit trap.. dont move I'll cut the rope"
Tanga ba ito kung puputulin niya siguradong bagsak ako niyan!
"What! Wait-- Ahhhk!""Oh shit! Sorry I didnt think about your landing are you okay?" Maang na tanong niya.
"Siguro hindi! Ang sakit ng balakang ko!" Sigaw ko sa kanya samantalang siya pangisi-ngisi lang naman.
"Okay then" tumalikod siya sa akin at iminuwestra ang likod niya. He wants me to piggyback ride.
"What? Im not a kid anymore kuya! Just help me get up!" Inis na saad ko.
"Mmph! Tinawag mo pa akong kuya kung sinisigawan mo lang naman ako!" Kunwa'y nagtatampo niyang tono. Lihim akong napangiti. Namiss ko talaga itong mokong na ito.
"Sige na!"
"Where's the kuya?"
"Sige na kuya!"
"Galit ka?" Nakataas ang kilay na tanong niya.
"Arghh! Okay fine! Please kuya..." saka ako ngumiti ng hanggang tenga na plastik.
"Thats my girl" Nangingiting aniya at pinasan na ako sa likuran niya.
BINABASA MO ANG
Sieged By The Heart (Editing)
RomansaGazelle's mission is to get information from their enemies in Doveaglion and the only way she knows to successfuly do that is to get the heart of Vermont Calliven Amontons the Uno of the Organization. But then here she is realizing that Vermont alre...