#My MentaL Boyfriend

352 0 0
                                    

Masyadong magulo ang mundo para sa mga taong di kayang sumabay sa pag-ikot nito. Mga taong mabilis panghinaan ng loob kaya piniling tumalikod. Mga taong piniling bumuo ng sariling mundo. Mga taong nasaktan, nawalan, niloko, pinagpalit, nalulung sa bisyo, pinagnakawan, kakaiba at marami pang iba...My MentaL Boyfriend is one of them.

-Fierce Eyes-

I'm Serenity Alcala; I just turned eighteen last Dec. 19, 2005. I was really fond to my Grandmother even though I'm the kind of girl who always gets in trouble. Nandito ako ngayon sa work ni lola. Ngayon lang ako nakapunta dito kaya nga medyo kinakabahan ako...ho! malaki rin pala to. Di ako pinayagang pumunta dito noon dahil natatakot sila na baka mag-iba ang pagtingin ko sa mundo? Nonsense lang...

hmmm...ang ganda ng garden. kanina may malalaking puno sa bawat dinaraanan ko. Napansin ko rin na walang second floor ang bawat facilities dito. Saan kaya si lola?

"Miss, sinung pasyente mo? ilang taon ka na? Di ka puwede dito." napatingin ako kay manong guard at ngayon lang ako natakot sa isang tao ng ganito. Malaki ang katawan nya na parang bouncer.

"I'm looking for Doktor Alcala, I'm Serenity Alcala her Granddaughter." I said in a low voice.

"Ah! ikaw yung makulit nyang apo. Payo lang ne, wag ka masyadong maggala dito. Nasa Pavilion 3 si Doctor Alcala. Hintayin mo na lang sya at akin na rin muna pala yang bag mo ng macheck ko na rin." makulit na apo? si lola talaga. I handed him my bag...Geez! this old man takes off almost all of my things!

"Balikan mo na lang ang mga ito mamaya. Sa office ka na lang muna nya maghintay." then he take off.

Wala na akong nagawa kaya hinanap ko na lang ang office ni lola. That old man didn't even bother to tell me the direction. I stop when I saw the sign "Pavilion 3" then it crossed my mind what the guard said earlier. Sisilip lang naman ako kaya di naman siguro yun bawal diba? then I smiled, walang guard! di ko na hihintayin si lola dahil ako na mismo ang pupunta sa kanya.

Pumasok na ako at nakita ko ang iba't-ibang room na walang mga pinto?

Pagsilip ko sa isang room nakita ko ang limang lalaki na abala sa mga ginagawa nila. Yung isa sumasayaw, yung isa nalalakad na parang robot, yung dalawa naman ay naglalaban at nakasenyas na parang si Son goku samantalang yung isa naman ay si Piccolo yata ang ginagaya at yung huli naman ay nagpapagulong-gulong lang sa sahig.

Sumandal muna ako sa pader habang nakahawak ang mga kamay sa bibig...Grabe! Laughtrip! pttt... Ngayon ko lang na-realize kong gaano kahirap magpigil ng tawa. Naglakad na ako kahit hirap na hirap pa rin akong pigilan yung tawa ko.

May nakita akong paparating kaya kailanga kong magtago, Patay ako kay lola pagnahuli ako! nakita ko ang isang cr na wala ring pinto? Pati ba naman cr wala rin talagang pinto? Pumasok na ako at maski rin pala yung mga cubicle wala talagang pinto. Paano kaya kung naliligo sila...ahhh basta ayokong isipin, nagkaka-goosebumps lang ako. eww...

I've waited almost 30 minutes para safe, mahirap na. I suddenly heard a voice sweet as angel. A melody that almost break my heart for sadness? I don't know pero parang hinihila ako ng boses na yun.

Kusang gumagalaw ang mag paa ko papunta sa pinakadulo kung saan nanggagaling ang boses na narinig ko, Can a song had a power such as this? Or the voice it is? hindi ako ang tipo ng tao na mahilig sa musika pero sa naririnig ko ngayon parang sasabog ang puso ko sa halo-halong emosyon, di ko na talaga alam. Patuloy lang akong naglakad...

Oceans apart day after day, And I slowly go insane
I hear your voice on the line But it doesn't stop the pain

If I see you next to never...How can we say forever

I was standing here at nakatalikod sya. Ito lang ang nag-iisang kuwarto na nakita ko na may rehas. I closed my eyes and cuntinue listening to his song.

Wherever you go, Whatever you do
I will be right here waiting for you, Whatever it takes Or how my heart breaks
I will be right here waiting for you

I took for granted, all the times, That I thought would last somehow
I hear the laughter, I taste the tears But I can't get near you now...

Suddenly the song stop then I slowly epen my eyes...I gasped! The guy in front of me is the most gorgeous man I've ever met in my whole life. He's staring at me with those fierce eyes. Kahit kailan walang nagparamdam sakin ng ganito, na halos mapaupo na ako dahil nanghihina ang mga tuhod ko.

Suddenly he smiled at me. Naglakad sya papunta sa akin habang iniaabot ang isa nyang kamay. Kung hindi dahil sa rehas baka naabot na nya ako. Napakaperpekto na mukha nya at parang inuudyukan nya akong abutin ang kamay nya...

Unti-unti kong inaabot ang kamay ko at napakabilis ng mga pangyayari. May bigla na lang tumulak sa akin at ang kamay nya ang nahawakan imbis na sa akin! nakita ko kung gaano sya namilipit nang hilain ito nung lalaki habang hindi inaalis ang titig nya sa akin! na...nakaka...nakakatakot... hindi ko halata na tumulo na pala yung mga luha ko...then everything black out.

END OF CHAPTER ONE:

 _____________________________________________________________________________

&HELLORA>>

#My MentaL BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon