TMHAE Chapter 15

75 3 2
                                    

Hazel's POV

MAAGA akong nagising dahil hindi malaman na dahilan bigla na lang kasi sumasakit ang tiyan ko. Dahil dun agad ako napabalikwas sa kama ko at tumakbo papuntang banyo. Ano bang kinain ko kagabi at mukang hindi ako natunawan.

At dahil nasa banyo na din ako ay agad na din ako naligo at nag asikaso.
Kahalating oras lang ang nilagi ko sa loob at lumabas na din ako. Pagkabihis ko agad na'ko bumaba para kumain.

Muntik ko na din makalimutan na dito pala natulog si Vine. Gising na kaya yun? Pagbaba ko nakita ko si Manang na nasa kusina kaya dun na ako dumeretso at agad naman niya akong napansin.

"O gising kana pala?.." tikhim niya. ".. halika ka at kumain kana." saad niya.

Napansin ko din na bat ang dami atang niluto ni Manang na almusal. "Manang..bat andami ata ng niluto niyo?" tanung ko.

"Hindi ako nagluto niyan..." ngiti niyang sabi.

"Eh. Sino po?.." taka kong tanung pero kung hindi si Manang sino?

Oh my gad don't tell me si Vinee.

"..wag niyong sabihin na si Vinee yung nagluto niyan Manang?"

"Oo, hija"

"Manang nasaan na pala yun?" tanung ko.

"Umalis na din siya pagkatapos niyang ihanda ang mga ito. Maliligo muna daw siya at sinabi din niya na hinatayin mo siya at sabay daw kayo papasok."

"Ah sige po Manang." malamya kong sabi.

"Pero alam mo Hija.." agad naman ako napatingin sa kanya. "...ang gaan ng loob ko sa kanya, ang bait ng bata na 'yun. Naalala ko sa kanya yung kaibigan mo sa gensan." saad niya.

Sino si Binbin?

Hindi na'ko umimik at tinapos ko na yung pagkain ko. Tapos nun agad ko naman inayos na ang gamit ko sabay nun ang busina ng kotse na nangaling sa labas.

"Hija, nandiyan na ang sundo mo." sigaw ni Manang mula sa labas. Siya kasi ang tumingin dito.

"Opo. Nandiyan na po Nay.." sigaw ko at agad nagtungo sa labas. "..pasok na po kami Nay."

"Magiingat kayo Hazel hija." paalam niya.

"Opo."

Habang nasa biyahe kami, di ko maiwasan ang tumingin sa gawi niya. Naalala ko nanaman kasi yung sinabi ni Manang na naalala niya dito si Binbin.

Pero kung ako ang tatanungin parang hindi naman ang layo ng katangian nila sa isa't isa. Pagkakatandan ko medyo mataba si Binbin nun. Binbin lang yung name na alam ko sa kanya kasi mga bata pa kami nung mga panahon na'yun at mga musmos pa lamang.

"Wag mo'ko tignan ng ganyan baka mainlove ka." asar niyang sabi ng kinagulat ko.

"Y-yes..No.. I mean hindi kita tinitignan ah." utal utal na sabi ko.

He smirked. "Yeah, h-hindi nga.. hindi halata."

Katahimikan ang na malagi ng mapagtanto ko malapit na pala sa school.
Baba na sana ako ng bigla niyang pigililan ang mga kamay ko.

"Bakit?" I asked.

Hindi na siya sumagot at dali daling bumaba palabas ng sasakyan at umikot sa side ko para pagbuksan ako ng pinto.

"Thank you." wika ko.

"Let's go."

Tango na lang naisagot ko at sabay na kami naglakad papasok ng gate. Habang naglalakad kami sa hallway. Nakikita ko at napapansin ko na panay ang bulongan ng mga studyante.

Anong meron?

At tila itong kasama ko ay walang paki alam at derederetso lang ang lakad. Sa bilis niyang maglakad feeling masusubsob ako. Nito ko lang napagtanto na magkahawak pala ang mga kamay namin kaya pala ang iba ay nagbubulungan. Hayss!

Hanggang sa makarating kami ng room ganun pa din ang eksena kaya naman, abot abot ang ngiti ng tatlong kumag na makapasok kami. At binigyan naman ako ng what is that looking na galing kay Katt.

Omy! Panibagong isyu nanaman.

"HH ah?" ani Reo.

"Ang sweet naman." ani Kipper.

"Hindi mo naman kami sinabihan nakakatampo naman, tsk.. tsk.." ani Kitt.

Agad naman ako napabitaw sa kamay namin na magkahawak. Spell awkward. Ilang minuto ang katahimikan na dumaan ng saktong dumating na ang teacher namin kaya naman dali dali nagsiupo ang mga kaklase ko sa kanya kanyang nilang upuan.

At doon lang ako nakabawi ng hininga. Hayss thank you sir! Dumating kana din.

It's already 9am ng mapansin ko na hindi mapalagay si Katt. Di siya mapakali kaya naman pasimple kong kinapa ang noo niya at ganun na lang ang gulat ko na sobrang init niya. Kaya naman agad ko siyang nilapitan at kinausap.

"Katt ang init mo.. nilalagnat ka." I asked.

"Hazel.." hinga niyang malalim. "Hindi ko na kaya."

At dahil hindi na niya kaya ay agad ko naman inagaw ang atensyon ni Sir namin.

"Sir."

"Yes. Ms Ramirez?"

"Sir. dadalin lang po namin si Katt sa clinic inaapoy na po siya ng lagnat."

Pagkasabi ko nun, agad naman siya lumapit samin ang hinipo ang noo ni Katt.

"Okay, sige Ms. Ramirez samahan muna siya." aniya.

Tinulungan na din ako ni Kitt na dalin ang kapatid niya sa clinic kaya naman di na ako nahirapan pa. Bakit naman kaya nilganat ang loka?

Pagkahatid namin sa kanya iniwan na muna namin siya dun upang makapagpahinga. Babantayan naman siya ng nurse kaya ayos lang.

Malapit na kami ni Kitt sa hagdaan pataas sa room namin ng may bigla akong may mapansin na kakaiba kaya naman. Nagpaalam ako kay Kitt na pupunta ng Cr pero ang totoo ay hindi.

"Kitt. mauna kana dadaan muna ako sa restroom."

Kunot noo siyang tumingin muna sakin bago nagsalita. "Ah. Okay ka lang ba?"

Tango lang naisagot ko at dederetso na ako naglakad. At ramdam ko na wala na siya saka naman ako lumabas at bumalik dun sa pinag galingan namin.

Ano kayang ginagawa nung lalaki na'to dito. Sa tinding pa lang niya alam ko na siya talaga yun. At never akong magkakamali.

Malapit na ulit ako sa clinic ng may nadinig akong naguusap.

"Are you okay?" boses ng lalaki.

"Oo, okay na'ko. S-salamat din kay Hazel kasi dinala niya ako dito.. medyo gumaan na pakiramdam ko nung nakainom ako ng gamot." ani Katt.

"O sige pagpahinga kana.." he sighed." d-dito lang ako sa tabi mo."

Ganun na lang ako gulat ko ng malaman ko kung sino yung kausap ni Katt.

It was Mallow?

Anong meron sa inyong dalawa na hindi namin alam. Or should I say ako lang ang walang alam.

A/N: Ito na muli BANGERSS. Sorry natagal nanaman busy e. Loveyou all❤ Thankyou sa support niyo guyss😘

Till My Heartaches End (COMPLETED)Where stories live. Discover now