TMHAE Chapter 35

76 4 0
                                    

Vinee's POV

Its was already past midnight nang makauwe ako nang condo na tinutuluyan namin ngayon ni Hazel. Ginagawa pa kasi ang bahay namin sa makati kaya hindi pa muna kami makalipat. Its been a months since nakasal kami and thankful ako lalo na sa blessing na binigay niya sa'min. Hazel is already three weeks pregnant, kaya naman todo ang pagiingat ko sa pag–aalaga sakanya at pagbibigay sa mga bagay na gusto niya lalo na sa pagkaing pinaglilihian niya. Maybe, sometimes.. its weird, like what happen last night, she want a manggo with peanut butter, watermelon shake with coffee, okay lang sana kung milktea pero hindi literal na pakwan at kape, at marami pang iba, pero dahil mo mahal ko siya ng higit pa, bigay lang kung anong hilingin niya.

Nang makapasok sa pinto, nasa paghuhubad na ako nang sapatos nang may seryosong boses ang bumungad sa'kin, kahit na madilim sa  parte kung nasaan siya ramdam ko ang pagkakunot nang noo niya habang nakatingin sakin.

"Bakit ngayon ka lang?"

Marahan akong bumuntong hininga bago nagtanung pabalik sa kanya.

"Bakit gising kapa?"

Umirap ito. "Tsk. Ako una nag tanung diba." Asik niya.

"Sorry, love. Madami lang ko tinapos na work sa office." masuyo kong sabi at hinalikan siya sa noo, sunod sa tiyan niyang maliit pa lang. "Hi, baby ko, galit nanaman si mommy mo, sabihin mo nga sa kanya mahal na mahal ko kayo, para di na siya galit." dugtong ko.

Napansin ko agad yung pamumula nang pisnge niya na nagpatawa sakin.  Batid ko na moody nga minsan ang mga buntis pero iba ang asawa ko. Kung kanina mainis–inis siya ngayon todo iwas siya na tignan ako para di ko mahalata na namumula siya.

Kinabukasan tulog pa siya nang bumangon, marahan ko muna pinagmasdan ang muka nang asawa ko, napakaswerte ko, pinagkaloob ako nang ganitong klaseng babae na makakasama sa habang buhay. After that, dahan–dahan akong nagtungo sa cr upang maligo at bumaba sa kusinan para magluto nang almusal, linggo ngayon at day off kaya naman buong maghapon ko siya makakasama. Nagluto lang ako nang bacon, egg, hotdog, fried rice at nag init na rin nang tinapay kung gusto niya, 'yun na lang kasi ang laman nang ref at mukang kailangan namin mag grocery na.

"Goodmorning love." masiglang bati niya, agad naman akong lumingon sa gawi niya at inalalayan siyang makaupo.

"Goodmorning, let's eat love." sabi ko sabay lapag nang gatas sa harapan niya.

"Wala kang pasok ngayon?" Tanung niya.

"Its, sunday love, day off ko."

"A, I see." Sagot niya sabay kain nang mga niluto ko.

"Pupunta ako mamaya sa supermarket, gusto mo sumama?" Tanung ko.

Matagal bago siya sumagot, at marahang tumitig sa'kin.

"Sige." Pagpayag niya at mabilis inubos ang kinakainin niya.

Pansin ko na parang may iba sa mood niya ngayon at parang ilang din siya, hindi ko malaman kung gusto niya ba akong makita o hindi. Pero dahil nagkausap kami ng OB niya, maraming pasensiya na lang daw muna sa ngayon, at iyun ang ginagawa ko.

Naalala ko pa nung una namin pagkikita, nung panahon na nakita ko siyang nagmamadali papasok sa klase, alam ko na transfere siya dahil noon ko lang din nakita ang muka niya sa campus. At mas lalo pa akong naalarma na yun nang malaman ko na classmate ko siya.

Pati na yung magkasunod kaming nagpakilala sa harap, kasunod nung pangalawang pagkikita namin, hindi ko alam pero mula nang magkita kami, iba na ang naramdaman ko, feeling ko matagal na kaming magkakilala. At mas lalo pang naging malinaw sakin nung nalaman ko na siya yung kaibigan ko nuong nasa gensan ako, si MINMIN, sobrang saya ko nun, pero nawala bigla nang hindi niya na ako nakilala pa at hanggang ngayon batid ko na hindi niya pa rin alam na akong ang kababata niya na naging kaibigan sa parke, hanggang sa dumating umamin ako sa kanya at ganun rin siya. Sobrang saya ko 'nung mga panahon na yun. Lalo na nung naging kami, pero agad rin nawala nung, biglang nagpakita sakin si Kissess, ramdam ko gulo lang ang dala niya. At hindi nga ako nagkakamali.

Nung nalaman ko na siya ang may kasalanan sa mga nangyayari sa buhay ni Hazel, mabilis ko siyang pinuntahan noon para mag makaawa na tigilan niya 'to. Pumayag man siya ngunit, binigyan niya ako nang kondisyon na makakapagpabago sa relasyon namin ni Hazel, Binalaan niya na ako makipaghiwalay, at balikan siya. Batid ko na hibang na ang babae na 'yun pero nagpadala ako sa takot na my kung anong gawin siya rito kaya naman, wala akong nagawa kundi ang sundin ang gusto niya, naging cold ako kay Hazel nun, di paramdam hindi ko magawa, kahit gustong–gusto ko siyang kausapin nun, puntahan hindi ko magawa dahil sa takot na masaktan siya.

At nang dumating na ang gusto niya, si Hazel na mismo ang nakipaghiwalay sakin, ilang linggo bago nailibing ang mga magulang niya, kahit na ang damayan siya sa mga panahong nag–iisa siya, hindi ko nagawa. Sobrang tanga ko nung panahon na'yon. Sinaktan ko nang paulit ulit ang taong mahal ko. I am the worst man, back then. At sa muling pagkikita namin after six years ago, batid ko na ang dami nagbago sa kanya, naging successful na siya, tinitingala na nang iba. Sobrang saya ko nung muli magtama ang mata namin pero naglaho na lang nang marinig ko mula sa mga labi niya na fiance niya ang dati ko pa noong pinagseselosan. Ramdam ko na may lihim na pagtingin ang Gomez na yun sa kanya noon, at hanggang ngayon ramdam ko 'yun.

Isang araw naman nung nasa GT kami nang barkada, biglang tumawag kay Shey ang Gomez na yun, hindi ko man naririnig ang usap nila agad na akong binalot nang kaba sa dibdib ko at bigla kong naisip si Hazel. At hindi ako nagkakamali sa kutob ko my masama nga nangyari dito at hindi na ako mapalagay sa mga oras na yun, gusto ko na siyang makita, mahawakan, mayakap sa mga oras na yun, at hindi na ako makakapag payag na huling sandali mag hiwalay muli kami. 

Kaya naman nang ligtas siya makawala sa bihag ni Kissess, wala na akong sinayang na panahon. Mabilis ko siyang inaya nang magpakasal, kahit na batid ko na tatanggihan niya at wala pa kami usap noon pero nagkamali ako nang bigla siyang nagsabing 'oo' at sobrang laki nang tuwa ko nun, at sinasabi ko sa sarili kona ano man ang mang yayari ipaglalaban ko siya ,iingatan mamahalin, gaya nang ipinangako sa harap nang altar, saksi ang nasa itaas kung gaano ko siya kamahal at handang ibigay kung ano man ang mayroon ko. Dahil kung wala siya, walang saysay ang buhay ko.

Siya ang buhay ko, ang nagbigay nang liwanag sa madilim kong mundo. Siya rin ang kalakasan ko sa panahon pagod na pagod ako. Siya rin ang rason kung bakit ang dati kong buhay noon na malumanay, nagkaroon na nang saysay ngayon, she's my everything, until my heartaches end, siya pa rin.

I can bet my life on it.

———————


A/N: SO GUYS, EPI NA ANG SUNOD, SALAMAT SA SUPORTA NIYO LALO NA SA SILENT READERS KO DIYAN, AND OF COURSE SA BANGERSS. SUPER THANK YOU SA INYO. HANGGANG SA HULING KABANATA!💚

Till My Heartaches End (COMPLETED)Where stories live. Discover now