TMHAE Chapter 30

62 3 0
                                    

Kipper's POV

Nandito kami ngayon sa hospital kung saan naka admit si Hazel. Matapos kasi yung araw nung insidente, bigla na lamang siya nawalan ng malay at hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising.

Marahil masyado lang pagod ang kanyang mga katawan at nabigla sa mga pangyayari. Napag alaman rin namin kung sino ang lalaking nagligtas sa kanya.

Its Jm xander lacson, Hazel's ex.

Habang si Kissess naman ay namayapa na matapos mabaril ng isang pulisya, sa kadahilan nanlaban 'to.

"Hazel.." mahinang sambit ni Hershey, kami kasi ang nakatukang magbantay ngayon sa kanya. Mabilis naman akong lumapit sa kanila.

"Tatawag lang ako ng doktor." Paalam ko at umalis.

Agad ko naman tinext sila Mallow at Vine upang balitaan. Kasunod 'nun ay binalita ko na rin sa tita ni Hazel na gising na'to, nang malaman kasi nila ang nangyare dito ay mabilis pa sa alas kwatro silang nagtungo ng manila.

Hazel's POV

Nang magising ako, halos puro puti lang ang mga nakikita ko sa paligid. Ang ganda! Teka langit na ba 'to.
Masaya kong nililibot ang mata ko ng may maaninag akong rebulto ng dalawang tao sa malayo, tindig pa lang kilala kona, dali dali naman akong lumapit dito masayang yumakap sa kanila.

"Mommy, daddy."

"Anak, miss kana namin." Si mommy sabay yakap sa kin ng mahigpit.

"Nak, gusto mo na bang sumama samin? Para magkakasama na tayo." Si daddy.

Dapat na ba akong sumama sa kanila. Dapat ko na bang iwan ang mga taong nagaantay magising ako. Marami pa akong dapat gawin.

Umiling ako. "I'm sorry dad." mangiyak ngiyak na sabi ko.

"Hindi pa ata ito ang oras ko, marami pang naghihintay sa'kin."

Tumango lang sila at ngumiti. "Alam namin nak, basta tatandaan mo lang mahal na mahal ka namin.. masaya kami para sayo."

"Salamat mom, dad. Mahal ko din kayo.. magkakasama pa rin tayo, hindi pa nga lang ngayon." biro ko.

"Oo nak, osge na bumalik kana sa kanila, ingatan mo ang sarili mo ah. Paalam." si mommy na akay akay ni daddy palayo sakin at unti unting nawala sa paningin ko.

Muli kong imulat ang mga mata ko at deretsong tumingin sa mukha ni Hershey nagaalala.

"Hazel." wika niya, nakita ko naman sa gilid niya si Kipper at umalis.

"Thank god at gising kana." saad niya.

Agad naman bumukas ang pinto at pumasok ang doktor kasunod ang mga taong importante sa buhay ko.

Dejavu?

"She's alright, may mga kinailangan lang kami icheck sa kanya and after two days pwede na siyang umuwe." ani ng doktor at umalis.

"Thanks doc." Si Shey, at mabilis na lumapit sa'kin.

"Ano nararamdaman mo? Nagugutom kaba? anong gusto mong kainin?—" sunod sunod na tanung niya.

Hinawakan ko ang kamay niya. "I'm okay, thank you!"saad ko sabay baling din sa ibang nasa loob ng kwarto ko. "Thank you din sa inyo guys.. last time na nagising ako, bangungunot ang kapalit pero ngayon, okay na! Salamat." dugtong ko.

Nakita ko rin sa isang sulok ng silid si Vinee na tahimik lang nakamasid sa'kin. Masaya ako na kahit papano nandito siya. Ramdam ko na gusto niya akong lapitan sa mga oras na 'yun kaya naman ako na ang gumawa ng paraan.

"Pwede niyo ba kaming iwan muna sandali ni Vinee." wika ko sapat na para marinig nila. Isa isa naman silang tumango at umalis. At nang makalabas silang lahat ay dahan dahan akong lumingon sa kanya at laking gulat ng magtama ang mata namin. Mabilis sa alas kwatro siyang lumapit sa'kin at humagkan.

"Vinee." I wisphered.

"Hazel, mahal na mahal kita." Garagal na boses niya at naluluhang sinapo ang magkabila kong pisnge. "Walang araw na hindi kita naiisip, na lagi kong hinihiling na sana makita muli kita, nababaliw na ako." ulas niya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko, tila umurong ang mga dila ko sa mga sinabi niya. At masaya ako kasi kala ko ako lang ang nais magkabalikan kami.

"Vinee—"putol niya sa sasabihin ko gamit ang halik niyang hanggang ngayon hinahanap ng katawan ko.

"Hazel, isa lang ang bagay na alam kong masisiguro ko." wala sa wisyo ng maghiwalay ang aming labi.

"Ano yun?" Tanung ko.

Malalim siyang bumuntong huminga at may kinuhang maliit na box sa bulsa niya. Shit!

"Hazel.. will you marry me?"

I was shocked at pabaling baling sa singsing na hawak niya at sa kanya.

Napapikit ako. Omygad! Ganito pala ang pakiramdam ng may nagproprose sayo.

Matagal ba ako makasagot. "YES! Vinee I will marry you." Masaya kong sabi at mabilis naman sinakop ang mga labi ko ng maisuot niya sakin ang singsing.

"Thank you, Hazel. I love you!" Wika niya.

"I love you too." balik ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit.

Bigla naman akong napahiwalay at kunot noong tumingin sa kanya.

"Bakit?" Tanung niya.

"Nagtataka lang ako, laging mong dala yan?" sabi ko sabay turo sa maliit na box. Tumango lamang siya at napakamot lang sa ulo.

Tulala akong nakatitig sa kisame at hindi makapaniwala sa nangyare, siguro nga sobrang bilis at walang alinlangan kong tugon, wala e, mahal ko, sino ba ako para maginarte. After ng proposal ni Vinee, hindi ko napansin na nasa loob na pala ang mga kasama namin kaya hindi na kami nagatubulin pang ibalita sa kanila, tanging 'masayang magbati lang nila ang natanggap namin.

Masaya ako sa mga oras na 'yun at inalala ang mga nagdaan nangyare samin dalawa mula umpisa at masasabi ko na sobra ang pinagbago nito. Siguro kung nabubuhay lang ang mga magulang ko alam kong masaya sila para sakin.

Life is full of suprised, supresang minsan gugustuhin mong malaman, ngunit minsan nanaisin muna lang kalimutan.

Thats the reason why pencil have a eraser.

—————

#staysafeeveryone!

Till My Heartaches End (COMPLETED)Where stories live. Discover now