PROLOGUE

15 0 0
                                    

I hear a beeping sound, sa pagkakatanda ko ay wala naman akong ginawa. Pero parang pagod na pagod ako, I tried to open my eyes many times at ngayon ko lang naimulat ang mata ko.

Nasilaw ako dahil sa liwanag na nagmumula sa kisame, tinignan ko ang buong lugar at wala akong nakitang iba kundi puti, mga tubo, wires, at oxygen tank. Mayroong isang upuan pero walang nakaupo. I try to move my hands pero hindi ko ito magawang itaas, sa may bandang ulonan ko ay may mga aparato na sa tingin ko ay sa akin mismo nakakabit.

Nagtataka ako.


‘where am I?’


I want to speak pero hindi ko magawa dahil may tubo na naka-pasok sa bibig ko, I can't understand. What am I doing here? Why I am here?

Maya-maya ay narinig kong may mga taong nagmamadaling pumasok, naka puting lab gown na sa tingin ko ay Doctor at dalawang nurse. Mata ko lang ang nagagawa kong igalaw, hindi ko maigalaw ang ulo ko.

May tinignan silang kung anu-ano sa mga aparato na naka-konekta sa akin, gusto ko mag-tanong pero hindi ko magawang mag-salita.

“stable na po Doc ang heart rate niya..” sabi ng lalaking nurse, dinig na dinig sa boses niya ang tuwa.


Ang laki-laki ng pagkakangiti nilang pareho.

Hindi nagsasalita ang doctor, may kung ano silang tinignan at chineck sa akin. Kung ano iyon ay wala talaga akong alam, mayroon din silang sinasabi na may kaugnayan sa kalagayan ko pero wala akong maintindihan.

“call her guardians.. told them that she's awake already, finally.. after 2 years.” sabi ni doctor na nakangiti habang naka-tingin sa akin.


I want to speak but I really can't, pakiramdam ko ay paralisado ang buong katawan ko.

‘what do you mean by 2 years? Finally, I'm awake? What the hell are you talking about?’

Hindi kinakaya ng isip ko kaya pumikit akong muli, “nurse Kim, look after her.. ‘pag dumating n ang kapatid niya, tawagin mo ‘ko.” dinig kong utos ng doctor sa nurse Kim, at narinig ko na ang pagbukas-sara ng pinto.

I open my eyes again at nakita ko ang lalaking nurse na nakatitig sa akin, he's smiling and that's.. creepy.


“alam kong gustong-gusto mong mag-salita at mag-tanong... But sadly, you do not have enough strength to spoke. Pero masaya talaga kaming lahat dahil gising ka na, at stable na din ang kalagayan mo.” nakangiting sabi niya at naupo sa upuan malapit sa akin. Nangunot ang noo ko dahil sa mga sinabi niya, wala akong maintindihan.

“I know you're in a confusion right now.. but I'm really happy that, the last passenger to survive of flight BT217 is now awake.” nakangiting sabi niya at tumayo sa pagkakaupo, saktong pagtayo niya ay pagbukas na naman ng pinto.

‘what?!’


“tatawagin ko lang po si Doc,” paalam ng lalaking nurse at lumabas.

Ngayon ay mayroong dalawang lalaki at dalawang babae na nakapaligid sa hospital bed ko, yung isang lalaki ay bigla na lang akong niyakap at umiyak.


I am looking at him.. he.. he is my brother. Kuya..


Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko, nagbigay ako ng lakas para magawa kong pigain kahit papaano ang kamay ni kuya na naka-hawak sa kamay ko. Lalong humagulgol si kuya sa pag-iyak.

Doon ko napansin na pati ang dalawang babae ay umiiyak na din, my brother's wife.. and my bestfriend. Hindi ko alam ang dahilan ng pag-iyak nila, pero nakakapataka na parang nararamdaman ko din ang nararamdaman nila. Malungkot din ako at umiiyak.


Napunta ang paningin ko sa lalaki na hindi umiiyak pero nagpapahid ng luha, hindi ko siya kilala. Nang mapansin na nakatingin ako sa kanya ay ngumiti siya at tumalikod, hindi ko na lang siya pinansin at tinuon ang atensyon sa tatlong tao na miss na miss ko.

Hindi ko alam kung bakit narito ako sa hospital, punong-puno ng aparato at tubo sa katawan. Pero masaya akong makita silang muli.

Pero mayroon pa akong ibang inaalala, nasaan na sila? Okay na ba siya? Nakaligtas ba si Taehyung? How about the threat, anong nangyari sa concert? Naging maayos ba?

‘I am worried to them.. especially to Tae, mayroong death threat sa kanya at sa pamilya niya. I should be there, anong ginagawa ko dito sa hospital?’

Naging maayos ba ang lahat? Bangtan please.. where are you?



K A R A 💜

BARMECIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon