CHAPTER 01

9 0 0
                                    

🎶 Snowflakes keeps falling down
They drift away further around
I Miss you, oh I miss you
And how long do I have to wait?
How many sleepless nights do I have to take?
To finally see you (to see you)
To meet you (only you) 🎶

🎶Passing by the edge of this winter
Atleast until the change of weather
When spring comes and flowers bloom just stay until then just wait a little more 🎶

"English Version ng Spring Day?" Tanong sa akin ni Melea, best friend ko.

"Yep." Sagot ko naman.

"Kamusta na nga pala yung about sa work mo? Kahapon lang madaling-madali ka ah." Pag iiba niya ng topic.

Andito kaming dalawa sa kwarto ko, mag kapit-bahay lang kasi kami kaya madali para sa amin ang pumunta sa isa't-isa. Ang saya kapag kapit-bahay mo lang ang bespren mo, pero minsan nakakainis din dahil wala na akong privacy. Jusko! Pati pag poo-poo ko, ginugulo netong ni Melea.

"Edi ayon. Nasisante ako." Simple kong sagot na may halong lungkot.

"What? Eh isa ka sa mga magaling na workers nila ah. Bakit ikaw ang tinanggal?" Gulat na tanong niya.

Sa isang factory ako nag ta-trabaho. Hindi ko natapos ang pagtu-tourism, masyado kasing malaki ang tuition fee ko kaya hindi na kinaya. Sayang nga lang at isang taon nalang ay ga-graduate na ako hindi pa inabot. Maagang namatay ang magulang namin ng kuya ko, kaya nagkaroon kami ng malaking problema sa pera. Masyadong mahal ang kurso ko kaya ako na din mismo ang nahiya sa kapatid ko at sa asawa niya, kaya kahit masakit sa akin at labag sa loob ko. Huminto ako at naghanap ng trabaho.

"Eh, nalulugi na daw ang company nila kaya kailangan nang magbawas ng workers. At base din sa may-ari. May mas deserve pang trabaho para sa akin." Saad ko naman.

Malungkot talaga ako kasi tambay na naman ako sa bahay, nakakahiya naman sa asawa ng kuya ko. Buti na lang at mabait yun kaya nakatira pa ako dito sa bahay nila. Nakakapagod din kayang maghanap ng trabaho, kung saan-saan ako magpupuntang lugar tapos hindi naman ako tatanggapin.

"Haya ka. Pano na yung pinag iipunan mong VIP ticket para sa concert?" Alalang tanong niya.

Yes, nag iipon ako ng pera para maka-punta sa isang concert at VIP ang pinag iipunan ko. Nagbabakasakali kasi ako na baka magkaroon ng concert ang Bangtan dito sa Pilipinas kaya nag iipon na ako agad. Pero so sad kasi natigil ang pinag kukuhanan ko ng pera which is yung trabaho ko nga.

‘tagal kasi nila bumalik eh!’

"Edi iyon ang gagamitin kong panggastos hanggang wala pa akong trabaho, nakakahiya din kasi sa asawa ni kuya. Ayoko naman maging pabigat." Sabi ko sa kanya at pinalalakas ang loob ko kahit na nalulungkot ako at naiiyak na.

~

I'm Eury Eeiaria(Yuri Iyarya) Laodamia, 20 years old. Isang kpopper. Die hard fan ng isang kpop boy group, and when I said Die Hard Fan. I mean it, literal na halos mamatay-matay talaga ako kapag nakikita at naririnig ko ang boses nila.

Nangangarap ako na makapunta sa Korea at makita sa personal at makausap ang mga asawa ko. Kahit Make-up artist lang ako ng Bangtan. O kahit tiga abot nalang ng tubig okay na sa akin yun.

O kaya, kahit ako na lang yung bote na iniinuman nila, sapat na sa akin yun!

Kaso imposibleng mangyari yun, wala nga akong trabaho. Paano pa akong makakapunta sa Korea. Army bomb nga di ko pa mabili, ticket pa kaya para sa eroplano at passport.

BARMECIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon