Maaga akong nagising kasi sabi ni kuya isasama daw niya akong kumuha ng plane ticket. Sabi ko nga pwede naman na sa online nalang kasi tinatamad ako. Pero sabi niya gusto niyang lumabas ng bahay, gusto niya igala si Baby Lic sa labas.
"Tara na, may regalo ako sayo." Sabi niya sa akin at lumakad papuntang garahe.
Nagtataka akong tumingin sa kanya at sumunod. "Regalo?" Tanong ko pa bago sumakay sa kotse. "Basta malalaman mo mamaya, sumakay kana." Sabi niya kaya sumakay na ako sa passenger seat.
Sa likod naka-upo si Baby Lic, at busy sa panonood ng Tom and Jerry sa tablet niya na nakapatong sa mala-longganisa niyang hita.
"Daddy, werwar we going??" Pabulol na tanong nito kay Kuya. "Somewhere, baby." Naka-ngiting sabi ni kuya at tumingin pa kay Baby Lic.
Sa bintana ko tinuon ang paningin ko at nag iisip. Hanggang sa hindi ko na namalayan at naka-tulog ako.
○●○
Oh my g! I can't believe this! Ang lapit lapit ko sa stage!!! Kapag lumapit sila dito halos mahahawakan ko na sila ow em gi!
Hindi pa sila lumalabas at tanging music video palang nila ang pina pakita sa screen.
Halos maputol ang litid ko sa kakasigaw ng kanta nila. Wala pa man ay naiiyak na ako, hawak ang army bomb na kabibili ko lang nong naka raan ay itinaas kona agad ito.
Maya-maya pa ay nag-dim na ang lights at may usok na sa harap. Patunay na lalabas na ang Bangtan.
"Whoooo!!!!!" Sigawan ng lahat ng Army.
"KIM NAM JOON!
KIM SEOK JIN!
MIN YOON GI!
JUNG HO SEOK!
PARK JI MIN!
KIM TAE HYUNG!
JEON JUNG KOOK!
BTSSS!!! WHOOOO!!!" Sigaw naming lahat sa fanchant...Ayan na at nag intro na ang kanta nilang 'Not Today'
Dahan-dahan ang naging pag-angat ng stage na tinatapakan nila mula ilalim. Naka-litaw na ang buhok nila.. ayan na ayan na makikita ko na sila!!
...
"Eury! Gising!"
Namulat ko ang aking mga mata at tinignan ang gumising sa akin. Malabo ito at hindi ko maimulat ng maayos ang aking mg mata. Napagtanto kong nasa ilong ko na pala ang eye glasses ko kaya inayos ko muna iyon at saka tinignan ang tao na gumising sa akin.
Nakita ko si Kuya Deimos na tatawa-tawang naka-tingin sa akin.
"Anong nangyare? Tapos na ba yung concert??" Taka kong tanong sa kanya at inilibot ang tingin ko.
"Ahhhh... nasa concert ka pala sorry HAHAHAHA!" Naka-hawak siya sa tiyan niya at ang lakas ng naging pag-tawa niya. Nakakainis.
Inis akong napa kagat sa labi ko ng mapag tantong nasa kotse pala ako at panaginip lang lahat ng nangyare. Letche!
"Grabe ka maka-sigaw Eury. Feel na feel mo ba yung concert?" Nang iinis na tanong niya sa akin, inis kong iniwas ang paningin ko sa kanya, ginulo niya ang buhok ko saka lumabas ng kotse at pinag buksan ng pinto ang anak niya.
"Tita, you wukwayk ishtupid." Inosenteng sabi ng pamangkin ko at ngumuso pa. "Hoy fan ng Vi Chi Esh halika na po at nandito na tayo." Nang aasar ni Kuya sa akin at nag me-make face pa.
BINABASA MO ANG
BARMECIDE
FanfictionKOREA is her DESTINATION. BANGTAN is her INSPIRATION. But MARRYING her BIAS is just an IMAGINATION. Don't Dare To Dream... baka matupad © Copyrights Writer: Merakiseq♥ Name: K💜 Date Started: March 20, 2020 Plagiarism is a crime☡