CHAPTER 02

5 0 0
                                    

It's 7:00 in the morning. Heto ako sa kwarto ko nakahiga, watching my favorite MV's of my asawa's. Well actually, halos lahat naman ng MV nila ay favorite ko hihihi!

"Eury, kakain na." Pag tawag sa akin ni Kuya mula sa labas ng kwarto ko. "Okay po." sabi ko at tinapos muna ang MV na pinapanood ko at sinuot ang eye glasses ko bago ako lumabas.

"Joh-eun achimnida!" Bati ko sa kanila nang maka-rating ako sa hapag kainan at naupo. "Daddy, tita is speaking alien language again." Sabi ng pamangkin kong bulol habang naka-turo sa akin.

Natawa ako sa kanya kaya kinurot ko ang matambok niyang pisngi. Natawa din si Kuya.

Kami nalang ni Kuya ang mag-kasama. 9 years old palang ako ay namatay na ang parents namin, 13 years old naman nun si Kuya. At siya ang nagpa-aral sa akin, sa edad ni Kuya na 13 ay naging independent na siya ganon din naman ako.

Close kami ni kuya, pero kahit na ganon. Hindi ko parin maiwasang mahiya kasi hanggang ngayon ay sa kanya parin ako umaasa. Saka may asawa't-anak na din kasi siya kaya nakakahiya na. Bakit ba kasi naman tinanggal pa ako sa companya na iyon eh aish!

Napa simangot ako sa naisip ko. Kinaltukan ako ng kuya ko saka naupo. "Wag kang mag-isip ng sobrang lalim. Panget kana nga papanget kapa lalo." Pabirong sabi ni Kuya, umismid lang ako sa kanya at sumubo na ng fried rice at itlog.

"Nga pala, dinig ko kahapon wala kana daw trabaho." Sabi nito sa pagitan ng pag-nguya.

Natigilan ako kaya hindi ako nakapag salita agad. "Maybe your boss is right." Sabi niya at uminom ng tubig, napa-tingin naman ako. "Maybe he's right that you deserve much more, than being their employee." Saad ulit ni kuya, mapait naman akong ngumiti sa kanya.

Ilang minutong katahimikan ang namutawi sa buong dining room at tanging ang tunog lamang ng ngasab ni Baby Lic ang maririnig.

"And by the way, intayin mo yung tawag ng ate Lucille mo. May maganda siyang sasabihin sayo." Sabi ni kuya at naka-ngiting aso pa ito with matching taas baba ng kilay niya.

Medyo na excite ako pero hindi ko muna masyadong pinahalata. Baka kasi prank lang eh, ayokong sumaya ang kuya ko dahil lang sa napahiya ako sa harapan niya.

Nang matapos akong kumain ng breakfast ay dumiretso agad ako sa kwarto ko at kinuha ang phone ko. I'm about to dial my bestfriend's phone number which is si Melea. Pero I realized na nasa school nga pala siya. Yes. She's a college student, nagte-take siya ngayon ng Masteral degree at hindi ko alam kung ano ba talaga ang course niya, her parents says na Doctor daw but based on her, Law naman daw.

Hindi ko nalang sila pinapakealaman, bahala silang mag-ina ang mag diskusyon tungkol sa kurso niya hehe! Kung Gusto niya kuhanin niya pareho para 20 years siyang nag-aaral Argh! That's sucks HAHAHA!

Wala! Naiinggit lang talaga ako sa kanya, actually dapat graduate na ako ngayon. Hayss.

Ilang minuto lang ay nag ring na ang phone ko and Ate Lucille's name appeared.

"Ate."

(Eury?)

"Yes?"

(Naka-rating sa akin na wala kana daw trabaho?) Patanong na sabi nito at may lungkot ang tono.

Napa-irap ako sa ere sa inis. Pati ba naman sa asawa ni Kuya ay nakarating na wala na akong trabaho? Lalo tuloy akong nahihiya eh.

"So? As if naman na kaya mo akong bigyan?" Pataray kong tanong.

Close naman kami ni Ate Lucille, kaya ayos lang kahit tarayan ko pa siya to the highest level. Sanay na siya sa akin at ganito din naman talaga kami noon pa man, tarayan tapos bigla na lang tatawa. Isa din ito sa dahilan kung bakit hanga ako sa kapatid ko eh, kasi naka-bingwit siya ng babaeng maganda na nga, masipag ay mabait pa. Ang galing niya pumili ng babaeng papakasalan.

BARMECIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon