INIHIMPIL ni JT ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada. Sinipat niya ang relo. Alas-tres y medya ng hapon. He was half an hour early.
Magkakahalo ang nadarama niya. Kinakabahan
siya, natatakot, nasasabik, Tatlong buwan ang parang
taong lumipas sa buhay niya. For the past three months,
he had been waiting for that day. And it had finally
come.
God, please let her show up.
Tahimik na naghintay si JT sa sasakyan. Bawat
dumaraang sasakyan ay nakapagdudulot sa kanya ng
mas matinding pananabik. Until the clock hit four. Mas
lamang na ngayon ang pangamba sa kanyang dibdib.
Bumaba na siya ng sasakyan at nilakad ang gilid ng
kalsada, patungo sa isang spot malapit sa ilang na
karatula sa daan.
He stood there for a full half hour before the rain
began to pour. Parang nakikiisa ang panahon sa nadarama niya. Kahit nabasa na siya ay nanatili siya
roon. Pinagdedebatihan niya kung kukunin na ang
ipinunta niya roon o patuloy na maghihintay para sa
isang taong hindi niya alam kung darating pa.
He decided after a while it was best to take what
he came there for. Lumapit si JT sa harang sa gilid ng
bangin at isa-isang inalis ang patong-patong na bato
roon. And there was that dirty plastic bag enclosing a
wooden jewelry box. Bumalik na siya sa sasakyan at
nanlalatang inalis iyon mula sa plastic. Finally, he saw
the letter he had been dying to read.
Pagkatapos niyang basahin ang sulat ay luminga-
linga siya sa paligid. He waited still. He waited until it
was already dark. And he figured the person he was
waiting for was never going to show.
"You really are a coward," mapait na sambit niya.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryo ng Maldita by Vanessa
RomanceJT met Paola Danica one night while she was stinking drunk. Hindi niya alam kung bakit tinulungan niya ito gayong bukod da hindi naman niya kilala ito ay nagsuka pa ito sa kalsada, at walang pakialam kahit na masagasaan ito ng naglalakihang bus sa C...