"DID YOU like the flowers?"
Ano ba'ng gagawin ko sa 'yo? sa isip-isip ni
Dan-dan nang mapagbuksan si JT isang gabi.
Isang linggo na itong nagpapadala ng mga bulaklak sa kanya. Araw-araw, walang palya. Naging tampulan na nga siya ng tukso sa opisina. Si Karen ay nabalitaan din iyon bagaman wala na ito sa opisina. Too bad for
Karen, her father found out that she seduced her
father's business associate and got mad at her.
Mukhang na-disown pa ita ng pamilya sa ginawa.
Sa ngayon, ang immediate boss niya ay ang pinsan
nitong humalili rito. Pero kahit ganoon, ibinalita niya
kay Karen ang mga pangyayari. Nainis lamang ito sa kanya sapagkat ayaw pa raw niyang tantanan ang kalokohan niya.
Paano ba niya ipapaliwanag na ang hirap gawin
niyon gayong si JT mismo ang ayaw tumigil?
"I didn't like them," wika ni Dan-dan. Hindi niya nilakihan ang awang ng pinto. "Umuwi ka na."
"Ayoko."
"Eh, di bahala ka riyan." Isinara na ni Dan-dan ang pinto at nanood ng TV. Wala ang konsentrasyon niya roon. Mayamaya ay hindi nakatiis na sumilip siya sa bintana. Nakita niyang nakaupo si JT sa labas, mukhang walang balak na umalis doon.
Isang bahagi ng isip niya ang nagsasabing asshole-in na niya ang binata nang tuluyan. Ibinubulong niyon sa kanya na pabayaan si JT na papakin ng lamok doon at lamigin. Isang bahagi naman niya ang hindi makatiis. Salbahe nga siya pero hindi naman siya ganoon kasalbahe. Kahit noong ganoong technique ang ginagawa niya sa tuwing nagkakatampuhan sila noon ni Harold ay hindi niya ito natitiis. But JT was not Harold. Pero kapwa makulit ang dalawa! Ayaw umalis kahit sabihan na!
Okay, I'll give him fifteen more minutes. Kapag hindi pa rin umalis, saka ko bubuksan ang pinto, pagdedesisyon ni Dan-dan sa bandang huli. Para naman siyang
tangang palakad-lakad sa sala, pasulyap-sulyap sa relo.
Limang minuto pa lamang ang nakalipas ay inis na
binuksan niya ang pinto.
"O, sige na! Pumasok ka na!" buwisit na sabi ni Dan-dan, mas inis sa sarili kaysa kay JT. "Ang kulit-kulit mo. Sinabi ko nang umuwi ka na, eh!"
Pangiti-ngiti lang ang binata at ipinatong sa coffee table ang dalang plastic bag. Inilabas nito ang laman niyon, pagkain.
"Ano na naman 'yan?" nakasimangot na tanong
niya.
"Alam kong hindi mo ako pakakainin kaya nagdala
ako ng baon ko."
Ayaw man ay napangiti na si Dan-dan sa puntong iyon. Kung alam lang ni JT na laman ito ng isip niya buong linggo. Paano naman, nagpapadala nga ito ng bulaklak ay hindi naman tumatawag sa kanya. Mas maigi nga siguro iyon, pero lihim na hinahanap-hanap niya ang tinig ng binata, ang company nito.
"Wag ka nang magpadala ng bulaklak, ha?" aniya.
"Baka hanap-hanapin mo," tudyo nito.
"Bakit ko hahanapin, hindi naman ako nasiyahan?"
"Talaga lang, ha?" Sumulyap ito sa gilid ni Dan-dan. Biglang nag-init ang kanyang mukha. Saka lamang niya naalalang nasa plorera doon ang mga bulaklak na padala ni JT. Kahit nanghihingi ang ibang officemates niya ay tigas ang kanyang pagtanggi. Ang lahat ng iyon ay iniuwi niya. Ang padala nga nito kanina ay nasa refrigerator pa para hindi malanta kaagad. Ang mga naunang ibinigay nito na nalanta na ay nasa isang kahon, hindi niya makuhang itapon.
"Sayang lang kaya ko inilagay riyan," mabilis na
dahilan niya. "Ano ba 'yan? Pahingi nga ako niyan."
Inabutan naman siya ni JT ng sandwich. Tumabi ito sa kanya at tahimik lang na kumain. Nakikiramdam si Dan-dan. Ibig na niyang mainis sapagkat wala itong sinasabi. Mas mahirap tantiyahin ang binata kapag ganoon.
Hanggang sa hindi na siya nakatiis. Tinapik niya ang hita ni JT. "Magkuwento ka. Gusto ko 'yong nakakatawa."
"Hindi. Ikaw naman ang magkuwento. Tell me stuff
about you." Inabot nito ang kanyang kamay at pinisil
iyon,
"There's nothing to tell."
"Of course there is. Tell me about your life. Where are your folks?"
"They've passed away."
"I'm sorry."
"It's all right. Matagal nang nangyari 'yon. Siguro
ngayon, nakikipagtong-its na ang tatay ko kay San
Pedro."
Natawa si JT. "Mahilig ba sa tong-its ang tatay mo?"
"Hindi. Hindi pa yata uso ang tong-its noong
namatay siya. Pero naisip kong nakikiuso rin siguro
si San Pedro."
Ang lakas ng tawa nito. "Tell me more."
"I don't want to. There's no reason for you to find
out things about me. I already told you, this will never
workout."
"Hindi mo naman sinasabi sa akin kung bakit."
"Mahirap bang intindihing ayoko sa 'yo?"
Nabura ang ngiti ni JT.
May kung anong bumikig sa kanyang lalamunan. Dagling nagsisi si Dan-dan sa kanyang nasabi ngunit huli na para bawiin pa. Ibinagsak ni JT ang magkabilang kamay sa mga hita at tumayo.
"Ang tagal kong inisip ang mga rason mo. Kahit kailan hindi ko naisip na ang simple-simple lang pala. All right then, Dan-dan. You won't see me ever again Good-bye."
Parang nais niyang habulin si JT, parang nais niyang ipaliwanag na hindi naman ganoon ang ibig niyang sabihin, pero bakit pa? He should have walked away weeks ago. Finally he did. Pinabayaan na lamang niya ang binata, kahit hindi ganap na bukal sa loob niya. At naunawaan niyang nagsisimula na ang mga pangamba niya. She concluded she felt like crap because she was. so guilty. That was the only reason. For JT had only been too willing to let her shape him into what she wanted him to be.
That was also the reason why she didn't want him
to go—she was a pathetic, cold-blooded user trying
to play god, and she couldn't handle letting go of a
creation—because she needed someone, she needed
warmth. At JT's expense. That was how awful a person
she was.
Harold, I'm sure you're disappointed with me. I'm so sorry... JT, I'm so sorry.
![](https://img.wattpad.com/cover/177822748-288-k403854.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Misteryo ng Maldita by Vanessa
RomanceJT met Paola Danica one night while she was stinking drunk. Hindi niya alam kung bakit tinulungan niya ito gayong bukod da hindi naman niya kilala ito ay nagsuka pa ito sa kalsada, at walang pakialam kahit na masagasaan ito ng naglalakihang bus sa C...