"ANO'NG ginagawa mo riyan?" tanong ni Dan-dan sa binata. Nakaupo lamang si JT sa tukal ng hagdan ng apartment niya. Nakokonsiyensiya siya. Kasabay niyon ay ang kasiyahan na naroon ito. Mayroon din siyang nakapang pangamba sa kanyang dibdib. Ano ang maaaring ipakahulugan niyon? What if he didn't want to just forget about the whole thing? How was she going to deal with him? Most importantly, how was she going to deal with herself?
Tumayo si JT at itinaas ang note na idinikit niya sa
pinto bago siya umalis kanina. "You're such a flake."
''I'm sorry."
"And you didn't even do it right, leaving a note like
this."
"What do you mean? And what do you want?" Inirapan ito ni Dan-dan at pumasok na sa kanyang apartment. Walang pakialam na iniitsa niya ang sapatos sa kung saan at naupo sa couch. Nais na niyang magpahinga. Pagod siya at nakainom pa. "Umuwi ka na nga. Inaantok na ako."
Bumuntong-hininga ito. ''Nakainom ka na naman. Ano ba talaga ang problema mo?"
"Wala."
"So pa'no na?"
"Anong pa'no na? Go home."
"No way. I waited for you."
"Naghintay ka mula kaninang alas-dos?"
"Hindi. Siyempre umuwi naman ako. Pero kahit na. Naghintay ako. "Tapos, pauuwiin mo lang ako? I need a better explanation. A simple 'sorry' won't do, Miss. At hindi ako aalis hangga't hindi ka nagpapaliwanag." Ibinagsak ni JT ang sarili sa upuan sa tapat niya at humalukipkip.
Natawa na si Dan-dan. "You can be so darn cute, do you know that?"
Napangiti na rin ito. "I know that. Now explain."
"Naisip ko lang na ayaw pala kitang makasamang mag-grocery."
"Kaya nagpunta ka sa... ?"
"Sa malayong-malayong lugar na hindi ko sasabihin sa 'yo kung saan. Now, I'm tired and I had a few drinks so why don't you leave me now?"
Tumayo na nga si JT. Ang buong akala ni Dan-dan ay aalis na ito, ngunit nagkamali siya. Hinubad din ng binata ang sapatos at sukat tumabi sa kanya sa couch. Pilit siyang pinaurong nito kahit wala na siyang maurungan at isiniksik ang sarili sa kanya. Oh, he smelled so fresh. Parang nais niyang mahiya dahil malamang na amoy-alkohol siya,
"Ano ba, JT? Umuwi ka na kasi."
"Sabi mo, pagod ka. Puwes, pagod din ako. Wala
na ako sa mood mag-drive pa. Dito ako matutulog.
Hindi ako kontento sa paliwanag mo. Wala pang
gumagawa sa 'kin ng lahat ng ginawa mo sa 'kin at
hindi ako papayag na iindiyanin mo lang ako. Ni hindi
ka man lang tumawag para mag-cancel. Dapat sa 'yo,
turuan ng leksiyon."
Inilapat ni Dan-dan ang mga palad sa sandalan ng couch at buong puwersang itinulak iyon. Nagitgit ito hanggang sa tuluyang kumalabog sa sahig. Napabungisngis siya at tumayo. Nagtuloy siya sa kanyang silid at ikinandado iyon. She was still smiling. Parang nais niyang silipin kung ano na ang nangyari kay JT sa labas. She took a shower, taking her sweet time.
Nang matapos ay kumuha siya ng isang unan at kumot. Ang balak niya ay iitsa ang mga iyon sa binata. Nang buksan niya ang pinto ay impit siyang napatili nang makitang naroon na si JT. Itinulak nito ang pinto at mistulang sako ng bigas na kay gaan siyang binuhat at ipinatong sa balikat nito. Nagpapalag si Dan-dan ngunit malakas ito. At dahil hilo pa siya nang bahagya ay nanahimik na lamang siya.
Ibinagsak siya ni JT sa kama at mabilis na tinabihan. Idinantay nito ang mga binting kay bibigat at mga braso sa kanya. Wala siyang kawala.
"JT, isa!"
"Dalawa, tatlo. Ano ngayon ang gagawin mo?"
Nilukot ni Dan-dan ang ilong niya. "May magagawa pa ba ako? Ang bigat mo. Matutulog na lang ako. 'Wag kang salbahe riyan, sasapakin kita."
Ang lakas ng tawa ni JT, ayaw pa ring alisin ang pagkakadantay sa kanya. At naisip ni Dan-dan na sisisihin na lamang niya bukas ang pinaghalong pagod at alkohol sa kanyang katawan. Sa ngayon, masarap makulong sa maiinit na bisig ng binata. Masarap sa kanyang pandama na nakadantay ito sa kanya, She felt safe and treasured.
Isiniksik niya ang sarili kay JT. "Kapag loko ka,
sasapakin talaga kita," bilin niya, saka pumikit na.
Nakatulog na siya sa ganoong posisyon.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryo ng Maldita by Vanessa
RomansaJT met Paola Danica one night while she was stinking drunk. Hindi niya alam kung bakit tinulungan niya ito gayong bukod da hindi naman niya kilala ito ay nagsuka pa ito sa kalsada, at walang pakialam kahit na masagasaan ito ng naglalakihang bus sa C...