Chapter 6

11.8K 249 0
                                    

WALANG magawa si JT habang pinagmamasdan ang langong kasama sa sasakyan. Bakit ba pumayag-payag pa siya sa kagustuhan nito? Marahil ay hindi niya malalaman ang kasagutan. Basta nahihirapan siyang tumanggi kay Dan-dan. Kataka-taka iyon sapagkat kailan lamang niya nakilala ang dalaga. She was a stranger to him. At hindi basta-basta estranghera. Isang estranghera ito na weirdo na, ipinahamak pa siya.

His mind was telling him she was trouble. At talaga

nga yatang lasengga ang dalaga.

Sa mga iniakto ni Dan-dan, marahil ay talagang may hangin ito sa ulo. Pero may nagsasabi sa kanyang hindi naman. She seemed to be this really strong person. Hustler,

wika nga. Pero sa kabila niyon ay may nakikita si JT na vulnerability sa dalaga na hindi niya kayang ipaliwanag. Maybe it was her eyes. Or the look on her face.

At aaminin ni JT na kahit pakiramdam niya ay nasa ibang dimension siya kapag kasama niya si Dan-dan ay naaaliw siya. At labis na naiintriga.

Sa babaeng ito, parang mas maganda pang sumunod na lamang siya sa nais nito kaysa makipagdebate pa. Parang kahit dalhin siya sa dulo ng daigdig ay sasama na lamang siya sa tindi ng convincing power ni Dan-dan. O pamumuwersa. Ang hirap-hirap tanggihan ng dalaga. Lalong mahirap na bale-walain ito.

Ngayon ay namomroblema na naman si JT sa kung saan dadalhin ang dalaga. Pero kaysa naman mauwi na naman siya sa presinto, minabuti na niyang dalhin na lamang ito sa bahay niya. Laking pasasalamat niya at hindi na siya sinukahan ni Dan-dan sa pagkakataong iyon. Inihiga niya ito sa kama at pinagmasdan lamang ito.

Her body was slender. She was tall, too. Pero hindi ito maaaring maging modelo. Parang kulang sa grace si Dan-dan. May pagkabarako rin kasi itong kumilos. Napangiti tuloy si JT. Iniwan na niya ang dalaga roon. Nagpalipas siya ng oras sa sala. Nagsindi siya ng sigarilyo. Matagal na niyang naisip na mag-quit. At naalala niya ang sinabi ng dalaga.

Natagpuan na lamang ni JT ang sariling idinudutdot ang hindi pa nangangalahating stick. Nakangiting napailing na lamang siya sabay buntong-hininga.

Ang Misteryo ng Maldita  by VanessaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon