"BREAKFAST in bed for the wonderful lady."
Hindi malaman ni Dan-dan kung mapapangiti o malulungkot habang nakatingin kay JT. He was wearing his robe, with a tray full of food. Tumabi ito sa kanya,
may pinitas pang kung anong bulaklak sa gilid ng tray.
"How are you feeling?" tanong ni JT na hinagkan ang kanyang noo.
"Okay."
"Kain na."
Tumango lang si Dan-dan at nagsimula na ngang kumain. She was so confused. But there was no regret. Ang alam lang niya ay kailangan nilang mag-usap. Alam niyang karapatan ni JT na malaman ang katotohanan sa kanya, sa nadarama niya, ang mga bagay-bagay sa sarili niya.
Ang hindi niya alam ay kung paano iyon sasabihin
sa binata. At kung kailan.
"Say something, please, Dan-dan, you're making
me nervous," mayamaya ay pukaw nito sa pananahimik
niya.
"Last night was great but—"
"Why is there a but?" agaw ni JT sa sinasabi niya at
kaagad na tumayo. "Finish your breakfast. And whatever that but is, I don't think I wanna hear it now." Lumabas na ito ng silid, malalaki ang hakbang.
Nakagat na lamang ni Dan-dan ang ibabang labi at hindi na nakakain pa. Tahimik siyang umupo sa gilid ng kama at napaluha. How was she going to tell him about Harold? At kung makarating na siya sa puntong nasabi na niya ang tungkol kay Harold, paano niya ipapaliwanag ditong kadalasan ay nakikita pa rin niya sa binata ang dating kasintahan?
Paano niya sasabihin kay JT na hindi niya alam kung mahal ba niya ito o baka ang mahal niya ay ang mga bagay na pagkakatulad nito kay Harold? How was she going to make him understand that she was so confused she thought it was best to leave for a while to analyze things?
Would he believe her if she told him she cared a lot
about him that she was loath to be with him when she
was not sure what she truly, honestly felt? And most
importantly, how was she going to tell him that she was
so scared to take the plunge again?
Kung ano ang mayroon sila ni JT, nakakapangamba para sa kanyang mauwi lamang sa isang malasadong relasyon pagdating ng panahong maisip niyang hindi naman pala niya ito tunay na mahal... O maisip nitong naaliw lang ito sa kanya. O kapwa nila maunawaan na hindi pangmatagalan ang relasyong iyon.
What they had was something so special it had
become so delicate.
Tahimik siyang nag-ayos ng sarili. She thought of a
plan, a coward's plan. But it was the best she could
come up with. It was dramatic. It was special. Just like
what they had.
Nang lumabas si Dan-dan ng silid ay naabutan niya si JT sa sala. Tinabihan niya ito. She gave him a nudge.
"O, ano? May 'but' pa ba?' anito.
"Uuwi na ako. 'Wag mo na akong ihatid. Gusto
kong gawan mo ako ng sulat. 'Yong mahabang-
mahaba. 'Yong nakalagay lahat ng gusto mong sabihin
sa akin. Lahat-lahat."
"Ano na naman 'to?"
"Basta gawin mo. Ganoon din ang gagawin ko."
"Bakit?"
"Saka ko na ipapaliwanag sa 'yo. Okay lang ba
'yon?"
Inakbayan siya ni JT, saka hinagkan siya sa pisngi. "Okay. Pero ihahatid kita."
"Okay. Kapag nagawa mo na 'yong sulat, may
pupuntahan tayo."
Tumawa na lang si JT at tumango-tango.
Nang maihatid si Dan-dan ay nagtuloy na siya sa kanyang silid. She packed all her things. Madaling-araw na nang matapos siya. And then she started writing JT a letter, just like she said she would.
![](https://img.wattpad.com/cover/177822748-288-k403854.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Misteryo ng Maldita by Vanessa
RomanceJT met Paola Danica one night while she was stinking drunk. Hindi niya alam kung bakit tinulungan niya ito gayong bukod da hindi naman niya kilala ito ay nagsuka pa ito sa kalsada, at walang pakialam kahit na masagasaan ito ng naglalakihang bus sa C...