"IKUMUSTA mo na lang ako kay Tita, 'Ma."
Napapangiwi si JT habang sinasabi iyon. Nasa
Davao ang kanyang mga magulang at doon na
nagpasyang manirahan. Sa pagkakataong iyon, ang
unang ginawa ng mga magulang niya pagtapak na pagtapak sa Davao ay magpahatid sa driver nila sa bahay ng mga tiyahin niya, ang pinsan ng kanyang ina.
Ang pamilya ng ina ni JT ay tubong Davao. Sila
ay may malaking farm doon na naging negosyo ng
pamilya mula pa noon. His father was a doctor and
lived in Manila. Silang pamilya ay sa Maynila nanirahan
mula pa noong isilang ang kanyang bunsong kapatid—na ngayon ay sa Davao na rin nagpasyang manirahan.
Ang sabihing sabik sa pinsan ang kanyang ina ay
kulang. Noon kasing hindi pa nagpapasya ang kanyang
ama na tuluyan nang magretiro ay hindi mapaghiwalay ang mga ito. Para bagang mga teenagers na in love na in love ang mga magulang niya kahit ilampung taon nang nagsasama. Bihirang-bihirang makauwi sa Davao ang kanyang ina. Kaya hayun, nang makabalik ay pinagbigyan ng kanyang ama na sa halip na umuwi muna sa bahay nila ay magtungo muna sa pinsan nito.
Now his mother was calling him. Paano naman kasi ay mas sabik sa kanya ang kanyang tiyahin kaysa sa
kanyang ina na pinsan nito. Noong bata si JT ay paborito
niya ang tiyahin niyang iyon kahit bihira silang magkita—tuwing bakasyon lang. Palaging tig-isa sila ng laruan
ng anak nitong si Clyde. Kasing-edad kasi niya ang
pinsan niyang ito.
At ngayon naman, dahil si JT ang namamahala ng
negosyo at mas madalas siya sa Davao kaysa sa
kanyang ina, kapag napapadalaw siya sa bahay ng mga
ito ay mas para siyang paslit na pinagkukukurot ang
kanyang mukha. Hinahalik-halikan pa siya ng tiyahin na animo isa siyang cute na toddler gayong siya ay anim na
talampakan ang taas at edad treinta y singko na.
Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit nailang na
si JT na dumalaw sa bahay ng tiyahin niya. Kung
mapadalaw man siya ay saglit na saglit lang palagi. Maliit na bagay lamang siguro pero sadyang hindi siya
komportable kapag tititigan siya ng tiyahin habang
nakakulong ang mukha niya sa kamay nito, saka siya
pupupugin ng halik.
"Pumunta ka rito bukas. Miss na miss ka na ng tita
mo," utos ng kanyang ina.
Napadaing si JT. "'Ma, naman. Marami akong
trabaho at alam n 'yo naman 'yan. Saka usapan na nga
nating kaya si KC ang nandiyan ay para hindi na ako
madalas diyan." Ang tinukoy niya ay ang bunsong
kapatid niya. It stood for Keith Clent. Ang tiyahin niya
ang nagpangalan sa kapatid niya. Dapat, ngayon ay si
KC na ang pupupugin nito ng halik. Ngunit mukhang
BINABASA MO ANG
Ang Misteryo ng Maldita by Vanessa
RomanceJT met Paola Danica one night while she was stinking drunk. Hindi niya alam kung bakit tinulungan niya ito gayong bukod da hindi naman niya kilala ito ay nagsuka pa ito sa kalsada, at walang pakialam kahit na masagasaan ito ng naglalakihang bus sa C...