Chapter 12

9.6K 206 1
                                    

NAHUHULAAN na ni Dan-dan na nagluluto si JT sa kusina base sa naaamoy niya. Wala siyang ideya kung ano ang iniluluto nito sapagkat wala namang laman ang kanyang refrigerator. Napangiti na lang siya. Noon

lamang siya nakatulog uli nang ganoon kahimbing. She had a peaceful and dreamless slumber. Matagal na niyang ipinapanalangin ang bagay na iyon.

She realized she had slept on the same bed with JT

twice already, and he was not even her boyfriend.

Kunsabagay, kakaiba naman yata talaga ang relasyon

nila, kung matatawag mang relasyon iyon.

Nang umagang iyon ay wala sa isip ni Dan-dan ang plano kahapon pa na iwasan na si JT. Maybe because he made it impossible for her to do so. Wala sa inasahan niya ang ginawa ng binata. Hindi ito umiwas sa kanya. Hindi ito nainis sa puntong hindi na lamang magpapakita sa kanya. Lalong hindi yata naisip ni JT na isa lamang siyang luka-lukang babae na walang idudulot na mabuti rito. Sapagkat naroon pa rin ito.

Kunsabagay ay mukhang luko-luko rin naman si JT. Sa kabila ng lahat, hayun at mukhang ipinagluto pa siya ng almusal. Naghilamos na si Dan-dan at lumabas. Tama ang hinala niya. Nagluluto na nga ang binata sa kusina.

"Ano 'yan? Masarap ba "yan?"

"Corned beef and eggs lang. Binili ko sa sari-sari store. You have no food here. I told you we should've gone grocery shopping yesterday. Kung saan-saan ka naman nagpunta," sermon pa ni JT. Para bang gamay na gamay na nito ang kusina niya. Alam na nito kung saan nakalagay ang mga gamit.

"May kape na ba?"

"You want coffee?"

Tumango si Dan-dan. Ipinagtimpla naman kaagad siya ni JT ng kape. She was dying to give him a hug but she thought it was best to stay on her seat. Naghain ito sa harap niya, pagkatapos ay naupo na rin.

"O, kumain ka na. Baka gusto mo pang subuan kita?" Nalukot ang mukha ng binata ngunit halata niyang nag-iinis-inisan lamang ito. She loved the attention he was giving her. And once again, she wanted to hug him or maybe shower his gorgeous face with butterfly kisses. But she knew that wouldn't be right.

"Pagkatapos nito, umuwi ka na, ha?" wika ni Dan-dan.

"Ang sama talaga nitong babaeng 'to."

"Eh, ano naman kasi ang gagawin mo pa rito?"

"Maggo-grocery nga tayo."

"Linggo ngayon, maraming tao. Ayoko."

"Basta maggo-grocery tayo. Tapos ang usapan. Kainin mo na 'yan. Baka sapakin pa kita, eh," pabirong

sabi nito.

Natawa na lang si Dan-dan. Nang mapatingin siya kay JT ay nakita niyang nakatingin lamang ito sa kanya, tila pinag-aaralan ang kanyang mukha. Kaagad siyang yumuko, bumilis ang tibok ng puso. Something just went terribly wrong and she didn't know what it was.

Ang Misteryo ng Maldita  by VanessaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon