Bumalik sila ng hotel room at tila pagod na pagod si Audrey gayong dalawang tourist destination lamang ang kanilang pinuntahan, ang Echo Valley at Hanging Coffins.
"Audrey, dalawang site pa lang napupuntahan natin, kaya pa?" pang aasar ni Paige.
"Kaya pa", sagot ni Audrey, "sorry ha madali lang talaga akong mapagod", paliwanag ni Audrey.
"It's ok, may ilang araw pa naman tayo", nakangiting wika ni Paige habang hinahagod ang likuran ni Audrey na para bang tinutulungan siyang mapawi ang pagod nito. "Pahinga na muna tayo, ok lang ba samahan mo ako sa lobby mamaya? "May restaurant sa baba, baka nagseserve sila ng wine or any alcohol, umiinom ka ba?"
"Ok lang", tipid na sagot ni Audrey.
Pasado alas nuwebe na, hindi lasing ngunit tila tumatalab na ang alak sa dalawa, lumalalim ang usapan, tawanan, biruan.
"Alam mo Audrey, napapansin kita panay titig mo sakin ha, type mo ko no?" pabirong wika ni Paige.
Hindi alam ni Audrey kung anong isasagot, medyo nangangapa sa kung ano ang pwede niyang ibalik sa biro ni Paige. "Ang ganda mo kasi", seryosong sagot ni Audrey. Bigla namang natigilan si Paige at natulala ng sandali sa sagot ni Audrey. Humagalpak ng tawa si Audrey "Joke lang! Mas maganda ako sayo!", bawi ni Audrey.
"Whew!, akala ko kung ano na", tawang sagot ni Paige.
Madaming tanawin din silang napuntahan, madaming pagkain ang sinubukan, sa loob ng ilang araw, tila mas lumalim pa ang kanilang pagkakaibigan. Ilang araw lang pero pakiramdam nya ay tila mahabang panahon silang magkasama, ayaw niya itong matapos, ayaw niyang dumating ang huling araw nila sa lugar na iyon.
Bumalik sila sa kwarto upang matulog, madami dami din silang nainom. At kahit na pagod at nakainom, hindi pa din nakakaligtaan ang routine bilang babae bago matulog, ang paglilinis ng katawan at kung anu-ano pang ritwal bago sumampa sa kama. Unang nakatulog si Paige, hindi alam ni Audrey kung bakit ayaw siyang dalawin ng antok, hindi ata sapat ang alak na nainom. Bumaling siya ng tingin kay Paige, naaaninag pa din niya ang magandang mukha kahit naka dim light. Lumapit siya ng bahagya at hinaplos ang mukha. Huling gabi nila sa hotel, ayaw niyang matapos ang oras, ayaw niyang sumapit ang pagsikat ng araw, mas gugustuhin na lamang niyang pagmasdan si Paige ng buong magdamag. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa sarili niya, kung bakit ganoon ang nararamdaman niya sa kapwa babae, ito ang unang pagkakataon na nakakaramdam siya ng pagkagusto sa kapwa babae. Hinawakan niya ang kamay ni Paige saka ipinikit ang mga mata.
Alas nuwebe na ng umaga nang maalimpungatan si Paige, naramdaman niyang nakayakap si Audrey sa kanya, bumaling siya ng tingin, mahimbing na mahimbing pa din ang tulog ni Audrey. Humarap siya, iniyakap niya ang kaliwang braso at nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa magising si Audrey.
"Goodmorning", ngiting bati ni Paige.
Pupungas pungas na tinignan ni Audrey si Paige, wala pa sa isang dangkal ang pagitan ng kanilang mga mukha, isinubsob ni Audrey ang mukha sa leeg ni Paige. "Morning", bati ni Audrey.
"Halika na, kilos na tayo, ikot tayo for the last time, bbyahe na tayo pabalik ng Manila mamaya", wika ni Paige.
Tinignan ni Audrey si Paige na waring nagtataka.
"Sasabay ka sa akin pauwi mamaya?", pagtatakang tanong ni Audrey. "Akala ko ba 2 weeks ka dito?", kasunod na tanong ni Audrey.
"Hindi na masaya kung ako na lang mag-isa", ngiting sagot naman ni Paige.
Isang ngiti lamang ang iginanti ni Audrey sa kanya. Pero sa kalooban ni Audrey, ay tumatalon ang puso niya sa tuwa.
"Sige, mauna na akong maligo", si Audrey.
Alas siete pa lamang ng gabi ay nakarating na sila sa terminal ng bus na byaheng Cubao. Kaya't kumain na muna sila ng hapunan at bumili ng pampasalubong.
Habang lulan ng bus ay kapwa tahimik ang dalawa.
"Add kita sa fb ok lang?", si Paige.
"Oo naman", nakangiting sagot ni Audrey. Tila nabuhayan dahil sa pag-aakala niya ay iyon na ang huling beses niyang makakausap si Paige. Nagkapalitan ng facebook account ang dalawa.
Hindi na sila bumaba sa unang stop over.
Mag aalas otso na ng umaga nang marating nila ang terminal sa Cubao. Waring nagpapakiramdaman kung sino ang unang magpapaalam.
"So pano, message na lang tayo?", pagpapaalam ni Audrey.
"Sige, mag ingat ka ha", paalam ni Paige sabay yakap kay Audrey. Ginantihan ni Audrey ng mahigpit na yakap ang kaibigan. "I'am so happy na nakilala kita", nakangiting wika ni Audrey. "Ako din, sana magkita pa ulit tayo ha", sagot naman ni Paige.