Chapter 7

282 2 1
                                    

"Babe, gaano kamo kayo katagal sa Baguio ng ni Audrey?", tanong ni Drew.

"1 week lang, magmmigrate na kasi sya sa US", sagot ni Paige.

"Oh, hmm, ok...basta wag mo kalimutan tumawag or magmessage, I will be busy din naman sa week na yon".

Apat na oras na lamang ang byahe papuntang Baguio. Kaya maagang nakarating sina Audrey at Paige. Naisip nilang mag stay muna sa Baguio for 3 days. 

"Napagod ka?", tanong ni Audrey. Si Paige kasi ang nagmaneho sa loob ng apat na oras mahigit.

"Hindi naman, sanay na din naman ako", ngiting sagot ni Paige.

"Gusto mo bang kumain muna or pahinga muna?", tanong ulit ni Audrey.

"Pahinga muna tayo".

Nakarating sila sa hotel kung saan nagbook si Audrey, isang kwarto, single room with double bed. Habang patungo sa hotel room ay naramdaman ni Paige ang paghawak ni Audrey sa kanyang kamay, sinulyapan niya si Audrey sabay ngiti. Pagpasok sa silid ay inayos muna nila ang kanilang mga gamit bago tuluyang nagpahinga. Ibinagsak ni Audrey ang katawan sa kama at pumikit na waring pagod na pagod. Nakangiti naman si Paige habang pinagmamasdan ito, humiga sa tabi ni Audrey at hinaplos ang buhok nito. Pakiramdam ni Audrey ay napawi ang pagod nito sa haplos ng kamay ni Paige, idinilat ang mga mata at ilang segundong nagtama ang kanilang mga paningin, mahigpit na naghawak ng kamay nang unti unting inilapit ni Paige ang kaniyang mukha kay Audrey, ilang segundong naghinang ang kanilang mga labi saka nagyakap ng mahigpit hanggang sa hindi na nila mamalayan na kapwa silang nakatulog sa sobrang pagod. 

Pasado alas otso nang sila ay magising kaya't minabuti na sa mag order na lamang sila ng hapunan sa hotel. Masayang kumain habang nagkkwentuhan, hindi mawari ang sayang nararamdaman at sinusulit ang bawa't sandali na pawang hindi kayang maitago ang pagmamahal sa bawa't isa. May pagkakataong naiisip ni Paige si Drew sa tuwing hinahalikan niya si Audrey, sa tuwing sinabi niya kung gaano niya ito kamahal, sa tuwing nakakaramdam siya ng seguridad sa mga yakap nito at sa naramdaman niyang buong kasiyahan nang si Audrey ang makita niya sa kaniyang unang umaga kasama ito. Natatalo ng kasiyahan at pagmamahal kay Audrey ang nararamdaman niyang guilt, batid niya na hindi deserve ni Drew at mali ang ganito ngunit alam niya sa sarili niya na si Audrey lamang ang laman ng kanyang puso. Napakahina niya pagdating kay Audrey, lahat siguro kaya niyang gawin, minsan sumagi sa isip niya "Ano kaya't hiwalayan niya si Drew para kay Audrey". 

"Are you ready?", tanong ni Audrey sabay kabig sa bewang ni Paige. 

"Yeap", ngiting sagot ni Paige at hinalikan si Audrey sa labi, kinuha ang mga gamit at sabay na lumabas ng hotel room. Ilang taon din silang hindi nakabalik ng Sagada, kahit pa makailang beses na niyayaya si Paige ng kanyang mga katrabaho ay hindi siya nagkaroon ng ganang bumalik dito, para sa karamihan, ang Sagada ay para sa mga sawi, ngunit hindi para sa kanya, dahil sa Sagada niya nakilala ang taong alam niyang mamahalin niya habambuhay, kaya babalik lamang siya kung si Audrey ang kanyang kasama. Iniwan na lamang ang kotse sa hotel at nagtaxi patungong terminal.

Lulan ng bus patungong Sagada, parang biglang bumalik sa kanilang alaala noong una silang nagkakilala, sa kung paano sila naging malapit sa isa't isa hanggang sa pagkakataong dapat ay hindi nila pinalagpas, na dapat ay naging matapang nilang inamin sa isa't isa ang nararamdaman na walang alinlangan sa kung anupaman ang isipin at sabihin ng iba. Ngunit huli na ang lahat para pagsisihan pa ito. Napansin ni Audrey ang pagpatak ng luha ni Paige habang nakatingin ito sa bintana ng sinasakyang bus, kahit pa madilim ang tinatahak na daan. Humigpit ang hawak niya sa mga kamay nito, lumingon naman sa kanya si Paige at binigyan sya ng matamis na ngiti at bumulong.... "I love you", at dahil  at ibinalik sa bintana ang mga mata, inihilig naman ni Audrey ang kaniyang ulo sa balikat ni Paige.

Halos apat na oras mahigit din ang kanilang byahe ngunit napaaga pa din sila ng dating, isang maliit na comforter ang kanilang hinigaan habang naghihintay ng umaga. Parehong nakatingin sa mga bituin, kapwa tahimik ngunit nararamdaman sa higpit ng hawak sa kamay sa isa't isa  ang sakit ng nalalapit nilang paghihiwalay. Bumaling sila sa isa't isa, ilang minutong nagungusap ang mga mata, na kahit walang salitang lumabas sa bibig ay ramdam na ramdam nilang pareho ang nais iparating sa isa't isa. Halos isang pulagada lamang ang pagitan ng kanilang mga mukha, ramdam ang paghinga ng bawa't isa, idinampi ni Audrey ang palad sa pisngi ni Paige at kinabig naman ni Paige si Audrey upang yakapin ito. Hinalikan ni Audrey si Paige, madiin at punung puno ng pagmamahal, lingid sa kaalaman nila na hindi lamang sila ang tao sa paligid na naghihintay ng pagsilip ng araw, ngunit hindi nila alintana ang mga ito. 

Gabi na nang makabalik sila ng hotel, tapos na maghapunan at kapwa pagod dahil sa byahe, dalawang gabi na lamang ang natitira para sa kanilang dalawa. Nakaupo sa gilid ng kama si Paige habang si Audrey ay naghanda na para maligo, papasok na sana si Audrey sa shower room nang lingunin niya si Paige, nilapitan niya ito at niyakap sa likuran, hinalikan ang pisngi at sa may gawing tenga, "Join me?", ngumiti lamang si Paige at tumango, bumaba si Audrey sa kama, kinuha ang dalawang kamay ni Paige at hinatak ng bahagya para mapatayo si Paige. Sinapo ni Audrey ng kanyang mga palad ang magkabilang pisngi ni Paige at hinalikan ang mga labi, bahagyang napasinghap si Paige at napahawak sa bewang ni Audrey, nilabanan niya ang mga halik nito, mainit at punung puno ng pagmamahal. Unti-unting itinataas ni Audrey ang  pang itaas ni Paige, itinaas ni Paige ang dalawang braso upang tuluyang matanggal ang pang-itaas, at muling nagdikit ang mga labi. Kumalas sa pagkakahalik si Audrey at hinawakan ang mga kamay ni Paige at hinatak ito patungong shower room. 







Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bisexual Love Story (Filipino/Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon