Chapter 6

210 3 0
                                    

Mag aalas 9 na ng gabi nang makabalik sa hotel room si Paige.

"Babe, anong nangyyari sayo? Bakit hindi ka man lang nagrereply sa messages ko?", si Drew.

"Sorry babe, napasarap lang kami ng kwentuhan ng friend ko", paliwanag ni Paige sabay halik sa asawa. "Alam mo na, ilang taon din kaming hindi nagkita diba".

"Ok, pero next time kahit isa lang magrereply ka para hindi ako nag-aalala".

Pasado ala una na ng madaling araw, naghihilik na sa sarap ng tulog si Drew pero si Paige ay ayaw dalawin ng antok, simula ng makabalik siya sa hotel room ay hindi nawala sa isipan si Audrey at ang nangyari sa kanila. Tinignan ang cellphone. Nagcheck ng facebook, nagbasa, nanood sa Youtube pero wala pa din. Gustung-gusto niyang i-message si Audrey, nagsimula siyang mag type, ngunit nakakailang letra pa lamang siya ay naunahan na si Audrey magpadala ng mensahe.

Audrey: How are you?

Paige: Can't sleep.

Audrey: Me too.

Ilang minuto ang lumipas, ngunit walang maisagot ot maumpisahang mapag uusapan si Paige.

Audrey: You there?

Paige: I'm here. Can we talk about what happened earlier?

Audrey: Paige, that was real. That was the best feeling I have ever felt. 

Paige: May asawa ako Audrey. Sa totoo lang magkahalong awa at guilt ang nararamdaman ko ngayon, magsisinungaling ako kung hindi ko sasabihin na hindi ko nagustuhan ang nangyari kanina, at kagaya ng naramdaman mo, ganoon din ang sa akin, matagal kitang hinanap, matagal akong naghintay sayo. 

Audrey: Isang bagay na pinagsisisihan ko hanggang ngayon na hindi ko agad nasabi sayo ang totoong feelings ko. Naduwag ako dahil ni isang beses ay hindi man lang kita nakitaan ng sign na pareho tayo ng nararamdaman. Mahal kita Paige. 

Paige: Mahal din kita, mahal na mahal kita, pero may mga tao tayong masasaktan.

Audrey: Divorced ako. Pero hindi ibig sabihin ay hinihiling kong hiwalayan mo ang asawa mo. Maybe we're not meant for each other, siguro may dahilan kung bakit tayo ulit nagkita. Ikaw lang ang minahal ko, nakipaghiwalay ako sa asawa ko dahil unfair para sa kanya na pinakasalan ko siya pero iba ang nasa puso at isip ko. Bumalik ako dito sa Pilipinas after namin mag divorce, buo na sa loob ko na haharap ako sayo at  sabihin na mahal kita. Wala na akong pakialam kung mahusgahan ako ng ibang tao, wala na akong pakialam kung ano pa ang itawag nila sa akin, pero huli na, nalaman ko na lang na kasal ka na. Hindi ko hihilingin sayo na iwan mo ang asawa mo para sa akin, but can I have one request? Please be mine just for 3 days. Please?

Paige: What?

Audrey: Papunta na ako ng US for good. Tanggap ko na hindi tayo para sa isa't isa. Please Paige, please. Gusto ko lang balikan kung saan tayo nagsimula.


***to be continued***


Bisexual Love Story (Filipino/Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon