Chapter 3

290 0 0
                                    

Nakatitig lamang si Audrey sa kanyang cellphone. Mahigit isang linggo na pala ang nakakaraan mulang nang siya ay magbakasyon. Tila hindi mapakali, wala man lamang message si Paige, nagtataka kung ano na kaya ang nangyari sa kanya. Hindi siya makakuha ng lakas ng loob para gumawa ng unang hakbang.

Malapit na mag uwian sina Audrey ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone, may mensahe sa kanyang messenger account. Si Paige. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nasundan pa ng maraming lunch dates, kung minsan ay dinner, kung hindi naman, ay nanonood sila ng sine tuwing Sabado o Linggo.

Limang buwan na ang nakakalipas.

Hindi na alam ni Audrey kung anong kilos ang gagawin niya sa tuwing kasama si Paige. Tuluyan na siyang nahulog sa kaibigan at ayaw niya ito ipaalam dahil sa takot na mahusgahan. Hindi niya alam kung pareho sila ng nararamdaman dahil hindi niya nakikitaan ng motibo si Paige, sadya lang siguro siyang sweet sa kaibigan. Wala siyang naiisip na gawin kundi ang bahagyang dumistansiya. Nagbabaka sakaling mawala ang nararamdaman niya sa kaibigan.

Lingid sa kaalaman niya ay napapansin ni Paige ang mga kilos niya at ang biglaang paglamig ng kanyang pakikitungo.

Lingid sa kaalaman niya ay napapansin ni Paige ang mga kilos niya at ang biglaang paglamig ng kanyang pakikitungo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Friend. Nabatid ni Audrey na hanggang pakikipagkaibigan lamang ang kayang maibigay ni Paige, at siya, hanggang sa pangarap na lamang ang naising pareho sila ng nararamdaman sa isa't isa. Tumulo ang luha ni Audrey nang mabasa ang salitang "friend", parang tinutusok ang kanyang puso, at ninanais na magpakalayu-layo, dahil alam niyang hindi titigil si Paige na suyuin siya at alamin kung ano nangyayari sa kanya. Ngunit desidido na ang kanyang kalooban na layuan nang tuluyan si Paige, dahil lalo lamang siyang malulugmok sa kalungkutan.

Nag-resign si Audrey sa trabaho makalipas ang isang buwan at tinanggap ang alok ng Tiyahin na maghanap ng trabaho sa Canada at sa kanya tumira. Maaaring ito ang hinihintay niyang solusyon upang makalimot. 

Bisexual Love Story (Filipino/Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon