"Paige!", si Cass. "Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba sa Quezon City kayo magmimeet ng client mo", tanong ni Cass.
"Wala, meron lamang akong dadaanan diyan sa Paseo", paglilinaw naman ni Paige.
"Ah, ok, mauna na ako ha, ito na ang grab ko, bye!", nagmamadaling paalam ni Cass.
Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ni Paige na pasukin ang isang gusali. Nagtungo sa reception, iniwan ang ID at dumiretso patungo sa elevator. Kumakabog ang dibdib habang papaakyat sa ika labing siyam na palapag.
"Hi Ma'am, may I help you?", bati ng receptionist.
"Hi, goodmorning, magtatanong lang, hinahanap ko kasi si Audrey Morales", medyo nanginginig na wika ni Paige.
"Naku Ma'am, 3 years na pong resigned si Ms. Audrey, ano po ang kailangan nyo sa kanya?", tanong ng receptionist.
"Oh, friend niya ako, matagal kasi kaming hindi nakapag-usap, anyway, meron pa ba siyang contact number sa inyo or address?", pagbabakasakali ni Paige.
"Sorry Ma'am, pero confidential po kasi ang personal information ng mga employee dito at mga naging employee, pero ang huling balita ko po ay nasa Canada na si Ma'am Audrey"
Parang nanghihinang lumabas ng opisina si Paige, nangingilid ang mga luha. "Asan ka na Audrey", bulong sa sarili. Nagsisisi kung bakit pinaabot pa niya ng 3 taon bago mag reach out kay Audrey. Nagtungo sa comfort room sa lobby ng gusali at dinukot ang cellphone.
"Hello, Paige?", si Gino sa kabilang linya, ang ex-boyfriend niya. Matapos mawalan ng contact kay Audrey ay nilibang ang sarili sa mga gimik kasama ang mga katrabaho at iba pang kaibigan. Ngunit hindi nagtagal ang relasyon niya kay Gino.
"Hello? Umiiyak ka ba? Anong nangyari sayo? Asan ka?", sunud-sunod na tanong ni Gino. Ngunit hindi pa rin nagsasalita si Paige.
"Nahanap mo ba siya?", tanong ni Gino. "Nasabi mo ba?".
"Hindi ko na masasabi Gino, matagal na siyang wala sa kumpanya", humihikbing sagot ni Paige. "Kasalanan ko to, hindi ako kaagad umamin sa kanya ng totoong feelings ko".
"Hayaan mo na muna Paige, baka hindi para sayo, magkikita at magkikita kayo kung kayo talaga, for now, let go mo muna yang nararamdaman mo, wala ka pang magagawa sa ngayon, hindi makakatulong kung sisisihin mo yang sarili mo, dalawang bagay lang Paige kung bakit siya lumayo na lang bigla. Una, pareho siya ng nararamdaman, at katulad mo, takot mahusgahan at takot sa rejection, pangalawa, dahil hindi talaga kaibigan ang turing sayo kundi isang kakilala lamang kaya hindi big deal kung hindi man ipaalam sayo kung saan siya pupunta", pagbibigay payo ni Gino. "Wala ako sa sitwasyon mo pero naiintindihan ko na hindi madali yang pinagdadaanan mo dahil sa mga taong pwedeng manghusga sayo at alam ko na concern ka din sa sasabihin ng pamilya mo lalung-lalo na ang parents mo", dagdag pa ni Gino.
"Salamat Gino, salamat at nariyan ka, pasensya ka na din na hindi ako naging fair sayo", humihikbing sagot ni Paige.
Isinubsob ni Paige ang sarili sa trabaho, at gumawa ng ng mga ibang bagay upang malibang, itinuloy ang hobby niyang pagpipinta. Hanggang sa maging business niya ito, ngunit para sa mga kakilala lamang. Iniwasan muna niya ang mag travel dahil alam niya sa sariling si Audrey lamang ang tangi niyang maiisip kung gagawin ito, at ikalulungkot lamang ito.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~3 Years Later ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Mabuhay ang bagong kasal!!!!!", sigaw ni Romy, isa sa mga close friend ni Paige. Si Romy ay isang bakla at isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ni Paige. Siya rin ang dumamay kay Paige noong panahong lugmok ito.
Katatapos lamang ng wedding ceremony para kay Paige at Drew, nagkakilala sila 2 taon na ang nakakalipas, ngunit tila nagmamadali si Drew na pakasalan si Paige, ika nya e kapag true love bakit pa nga ba patatagalin. Wala din namang makitang mali si Paige dahil bukod sa gwapo si Drew, ay successful ito sa kanyang carrer bilang isang arkitekto.
Natapos ang reception at pagod na pagod si Paige sa buong araw, ngunit hindi niya sasayangin ang ubang gabi nila bilang mag-asawa.
"So Mrs. Santillan, are you ready? hehehe", pang aakit ni Drew kay Paige. Natapos ang gabing puno ng pagmamahal, mabuting tao si Drew, faithful at ramdam na ramdam ni Paige ang pagmamahal nito.
Alas tres ng madaling araw nang magising si Paige, pumasok sa panaginip si Audrey, biglang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. "Audrey", pabulong na banggit sa sarili. "Gusto na kita makalimutan". Bumaling sa tulog na asawa, niyakap at sinubukang bumalik sa pag-tulog.
Pasado alas otso ng magising si Paige, nagtungo ito sa kusina at nakita niyang nakahanda na ang kanilang breakfast. "Goodmorning babe", bati ni Paige sabay halik sa pisngi ng asawa. "Ikaw ang nagluto nito?", tanong niya kay Drew. "Yep", nakangiting sagot ni Drew. "Ang sweet naman ng asawa ko", paglalambing na wika ni Paige.
"Babe, papasok ako sa work today ha, may biglaan kasi akong meeting, ngayon lang available yung client eh, ok lang ba? Uuwi na lang ako ng maaga", pagpapalam ni Drew. "Ok lang babe, take your time, walang problema", nakangiting wila ni Paige. "Babe, bago ka umalis pwede bang pahiram ng laptop mo? Nasa service center pa yung macbook ko e"
"Sure", sabay halik ni Drew sa asawa. "Thanks"
Matapos maligo ay nagluto si Paige ng kanyang pananghalian, naplano na niya ang gagawin sa buong maghapon habang wala ang asawa, maglinis ng bahay, mag-arrange ng mga gamit sa kusina, at ayusin ang kwarto. Pagkatapos makapagluto ay kinuha ang laptop at nag-browse habang nagpapahinga saglit. Binuksan ang account sa facebook na matagal na niyang hindi nabibisita. Hindi niya alam kung bakit biglang pumasok sa panaginip niya si Audrey gayong hindi naman sumasagi sa isip niya ito sa mga panahong sila ni Drew, may mangilan ngilang pagkakataon ngunit nawawala din naman agad sa isip niya.
Sinubukan niyang i-search ang pangalan ni Audrey. May ilang profile ang lumabas sa pangalang Audrey Morales, habang inii-scroll pababa, ay napansin niya ang pangalang Audrey Morales-Valencia, isang nakapa-cute na batang sa tingin niya ay edad 2 taon, binuksan ang profile, kung bakit nararamdaman niya na sana ay hindi si Audrey ang nagmamay-ari ng facebook account. Inis-scroll down ang profile na tila naghahanap ng picture at patunay na hindi niya makita ang mukha ni Audrey, ngunit pag scroll down ng isa pa, ay nakita niya ang isang family picture. Si Audrey nga. Bumalik lahat ng sakit at pagsisisi ni Paige na hindi niya nasabi kay Audrey na mahal niya ito. Wala na siyang gana na gawin ang plano sa buong araw, nagsisi na sana hindi na lamang niya ito nakita, akala niya ay kaya niya na, ngunit hindi pa pala. Marahil ay ito na ang sagot sa matagal na niyang hinahanap, at ito na din ang tamang oras para tuluyan na niyang kalimutan si Audrey. "Ilang taon na din naman", wika niya sa harap ng monitor na tila kinakausap ang picture ni Audrey, "gusto na kita kalimutan, hindi ko alam kung bakit sa lahat naman ng minahal ko, ikaw ang hindi ko mapakawalan sa dibdib ko, hindi ko nasabi sayo na mahal kita, mahal na mahal kita, at patuloy kitang mamahalin, Audrey", nangingilid ang mga luha, nag-log out at pinatay ang laptop.
Hindi na nagawa ni Paige ang plano niya ng araw na iyon. Humiga sa kama at nakatitig sa kisame. Tulala. "Move on Paige", ksaup niya ang sarili. Nakaramdam siya ng guilt at awa kay Drew dahil kakatapos lamang ng kasal nila ay heto siya at iba ang nasa isip niya. Para makabawi ay nagpadala siya ng mensahe, "Babe, dito ka magdinner ha, magluluto ako, I love you".
"Sarap nito babe ah", compliment ni Drew sa luto ni Paige. "Nga pala, nakapagbook na ako ng ticket natin at hotel room sa Amanpulo, we'll leave day after tomorrow"
"Ok", ngiting sagot ni Paige, pinipilit ang sarili sa pagngiti upang hindi makahalata si Drew na may dinaramdam ito.