First flight ang kinuha ni Drew. Pagdating nila sa hotel ay nag-unpack ng mga gamit at nagpahinga nang sandali. "Gusto mo bang kumain babe?", tanong ni Drew. "No, I'm ok, papahinga muna ako, kung gusto mong lumabas ok lang babe", wika ni Paige. Malapit ng magdapit-hapon ng lumabas si Paige sa hotel room, nilinga linga ang paligid, hinahanap niya si Drew. Nagtext siya dito upang alamin kung nasaan ito. "Babe, san ka?", mensahe niya, agad namang nagreply si Drew, "Sorry babe, hindi kita ginising ha, nandito ako sa Spa, mahihintay mo ba ako, mga 30 minutes lang". "Take your time, punta muna ako sa bar", sagot ni Paige. "Ok babe, sunod ako mamaya", reply ni Drew.
Naglakad-lakad si Paige habang nakatingin sa ganda ng beach. Dumiretso sa bar at nag order ng margarita. Napukaw ang pansin niya ng isang grupo ng kababaihan sa table sa may bandang gitna. Nagkakasiyahan. Nang mapako ang tingin sa babaeng nakatagilid, mukhang pamilyar. Ilang segundo pa niya itong tinitigan, lumingon ang babae sa may pwesto niya at tinawag ang waiter. Hindi siya nagkamali. Si Audrey.
Hindi maintindihan ni Paige kung ano ang eksaktong nararamdaman ng makita niya si Audrey, magkahalong tuwa at lungkot.
Tadhana na ang gumawa ng paraan upang sila ay magtagpo muli. Sa iisang hotel lamang sila naka-check in.
Alas sais ng umaga, nagtungo na sina Paige at Drew sa buffet upang mag-breakfast. Ilang mesa lamang ang pagitan ng makita niya si Audrey, nakabukas ang laptop habang nagkakape, hindi niya inaalis ang kanyang mga mata dito, malaki ang ipinagbago ni Audrey, hindi maiwasan ni Paige na manumbalik ang pagmamahal sa dating kaibigan.
"Babe, you ok?", si Drew.
"Yes babe, why?", sagot ni Paige.
"Wala naman, kanina ka pa tulala, hindi ka ba kukuha ng food? Coffee lang talaga?", tanong ni Drew.
"I'm ok babe, you go ahead".
"Ok". sabay tayo ni Drew upang kumuha ng pagkain. Ilang minuto ay nakabalik na si Drew sa kanilang mesa. Pasulyap sulyap na lamang si Paige sa kinauupuan ni Audrey dahil baka makahalata si Drew. Napansin niyang akmang tatayo si Audrey sa upuan, nag-tungo ito sa buffet sa fruit section.
"Babe, kuha lang ako ng fruits", nagmamadaling paalam ni Paige. Tumayo ito at naglakad patungo sa fruit section. Palakas ng palakas ang tibok ng kanyang puso habang papalapit sa kinatatayuan ni Audrey. Gusto niya itong yakapin, awayin, sumbatan, halikan, at sabihin kung gaano niya ito kamahal. Pakiramdam ni Paige ay sila lamang ni Audrey ang tao sa lugar na iyon. Hindi na niya palalagpasin ang pagkakataong pinagtagpo ulit sila. Hindi man niya alam kung bakit, ngunit alam niyang may dahilan.
"Pwede ba tayong mag-usap?"
Muntik nang mabitawan ni Audrey ang plato sa gulat niya.
"Paige?", si Audrey
"Yes, it's me", titig niya kay Audrey, titig na gusto niyang ipahatid na nasasaktan siya hanggang ngayon. "How are you?" , tanong ni Paige.
"I'm...ok", nauutal na sagot ni Audrey. "Kamusta ka?"
"Kasama mo family mo?", hindi sinagot ni Paige ang pangangamusta ni Audrey, bagkus sinundan ng tanong.
"No, mag-isa lang ako, I'm here for work, kamusta ka Paige?", ulit na tanong ni Audrey.
"I'm ok, kasama ko ang husband ko dito, he's right there", sabay turo sa mesa kung saan nakaupo si Drew.
"Oh, may asawa ka na pala", ngiting wika ni Audrey
"Yeah, we just got married"
"Wow, congrats!"
"Can we talk?", ulit na tanong ni Paige.
"Of course, gusto mo mag wine later? Pwede ba kita invite sa room ko? Sorry wala pa akong time masyado, I'm here for work eh", nakangiting wika ni Audrey.
"Alright, no problem", sagot ni Paige, ilang minuto pa ang itinagal ng pag-uusap, nagkapalitan ng contact numbers para sa imbitasyon ni Audrey.
Kaba at excitement ang nararamdaman ni Paige habang patungo sa hotel room ni Audrey. Lahat ng gusto niyang sabihin kay Audrey ay tila parang nawawala sa isip niya, ang tanging gusto lamang niya sa pagkakataong ito ay makita at makasama muli si Audrey.
Dalawang katok bago siya napagbuksan ng pinto ni Audrey.
"Pasok ka", nakangiting pag-anyaya ni Audrey.
"Thanks"
Ilang segundong katahimikan. Waring naiilang sa bawat isa. Inabutan ni Audrey ng wine si Paige. Uminom ng kaunti, nagkwentuhan, about life, family, kagaya ng una nilang pagkikita.
Ilang segundong katahimikan ulit, tumayo si Paige at nagtungo sa bintana. Tumingin saglit sa labas, bumuntong hininga at bumaling ng tingin kay Audrey. "Bakit bigla kang nawala?", diretsong tanong nito.
Walang maisagot si Audrey, napaupo lamang siya sa gilid ng kama at tumungo.
"Hinanap kita Audrey. May nagawa ba ako sayo? Lahat ng mga kaibigan at kakilala mo alam kung saan ka nagpunta, pero bakit ako hindi ko alam, all along akala ko ok tayo, bakit biglang nawala ka na lang?", nangingilid ang mga luha na kanina pa gustong pumatak, hindi na mapigilan ni Paige ang tuluyang pag-iyak. Hindi niya napansin na umiiyak na din pala si Audrey sa pagkakatungo nito. "Audrey", halos pabulong na lang ang inilakas ng boses ni Paige. "Audrey please, sabihin mo naman sakin", pakikiusap ni Paige. Ito lamang ang gusto niyang mangyari upang maka move on sa buhay sa piling ni Drew.
"Mahal kita Paige"
Gustong gumuho ni Paige sa pagkakatayo sa narinig.
"I fell inlove with you", pagpapatuloy ni Audrey habang patuloy ang daloy ng mga luha. "Hindi ko na kayang itago, wala din akong lakas ng loob na sabihin sayo....", hindi niya natapos ang sasabihin ni Audrey nang lapitan siya ni Paige at idinampi ang mga palad sa mukha nito.
"Mahal din kita Audrey, mahal na mahal kita", pag-amin ni Paige sa nararamdaman, na para siyang nabunutan ng tinik, na sa wakas ay napakawalan ang nararamdaman na matagal na niyang dala dala.
Mahigpit na yakap. Ito ang matagal na nilang gustong gawin sa isa't isa. Nabigo, dahil takot na mahusgahan. Kumalas si Audrey sa pagkakayakap at hinalikan si Paige sa noo, papunta sa ilong, at dahan dahan, sabay ang pagdilat ng kanilang mga mata, ang mga titig sa bawat isa na nagpapahiwatig ng nararamdaman sa isa't isa. Idinikit ni Audrey ang kaniyang noo sa noo ni Paige, ipinikit ang mga mata, tumulo ang mga luha nito, luha ng pagsisisi at sakit na nararamdaman. "I love you", pabulong na wika ni Audrey kasabay ng paghalik sa mga labi ni Paige. Ilang segundong pagpapalitan ng halik, halik ng pagkasabik at puno ng pagmamahal. Ginantihan ni Paige ang mga halik ni Audrey, mainit, madiin, ayaw na niyang matapos ang oras. Haplos ng pagmamahal ang ibinigay sa isa't isa. Kumalas ang mga labi ni Paige sa mga labi ni Audrey, hinaplos ang mukha nito, bahagyang idinampi ang daliri sa mga labi, at muling hinalikan ito, ilang segundong mainit na halikan, unti unti, nararamdaman ni Paige na itinataas ni Audrey ang kaniyang blouse, ayaw niyang tumanggi, ibinigay niya kay Audrey ang buong pagmamahal at pagkatao ng mga oras na iyon.
Iyon na ata ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ni Paige. Nakatitig siya sa kisame, habang si Audrey ay tulog na nakayakap sa kanya, kapwa walang saplot. Naiisip niya sa mga sandaling iyon si Drew. Bumaling siya ng tingin kay Audrey, napangiti siya habang tinititigan ang tulug na tulog na si Audrey. Hinalikan niya ito sa noo. "Mahal na mahal na mahal kita Audrey, wala akong ibang mamahalin ng ganito kundi ikaw, wala akong ibang papangarapin na makasama kundi ikaw, hindi man tayo sa huli, hindi ako titigil na mangarap para sa'ting dalawa, araw-araw kitang iisipin, ito ang pinakamasayang araw sa buhay ko", tumutulo ang mga luha ni Paige.
....to be continued...