Chapter Six

8K 207 14
                                    



"Cas." mahinang tawag ni Alice.

Nilingon ko siya at inginuso niya yung bintana sa tapat ko. Lumingon ako doon and found Ruel waving at me.

Sumenyas siyang pupunta siya sa classroom namin. And just like that, kumabog ang aking dibdib sa excitement and my eyes averted quickly to the door waiting for him. Lumitaw siya and stopped at the door and said hi to me. Lumingon siya sa klase namin at saka napalunok.

"H-hi." he smiled but stammered, though he's a little embarrassed, he's still brave enough to come and see me.

"Anong ginagawa mo dito?" I asked coldly. Hindi siya nakakibo agad. Nawala ang kanyang ngiti at pinagpawisan habang palingon lingon sa mga kaklase kong nakatitig sa kanya. Namumula ang buo niyang mukha sa hiya.

"Y-yayayain sana kitang mag-lunch?"

"Ayoko, hindi ako gutom." mabilis kong sabi.

Hindi uli siya umimik. Pinandilatan ako nina Alice at Daena na para bang sinasabing 'What the heck are you doing, Cass, get out of here bago pa siya himatayin sa hiya?' Magmamatigas pa sana ako pero hindi ko naman matiis na nakikita itong nahihirapan. I sighed and gave up. Tumayo ako at sinabi sa kanyang sumunod siya sa akin.

Nakarating kami sa recreation area at umupo sa bench. Napansin kong may dala siyang brown paper bag at may inilabas mula doon, two pineapple juice and two chicken salad sandwich. Iniabot niya sa akin yung isa. Tatanggi sana ako but the smell of the sandwich tempted me and so I grabbed it quickly. Para akong ginutom ng tatlong araw sa pagkain sa sammy.

"You shouldn't skip your lunch baka magka-ulcer ka niyan." he said.

"At kailan ka pa naging concern sa lunch ko?"

Ngumiti lang siya. "Gusto mo pa?"

Napatingin ako sa kanya at saka tumango. Naubos ko yung sa akin kaagad. Ibinigay niya sa akin yung kalahati ng sammy niya na hinati niya kanina. I grabbed it quickly bago pa niya bawiin and ate it heartily. Ewan ko ba, para akong gutom na gutom.

"Skip tayo ng class." I said casually.

"Sure." mabilis niyang sagot.

Ganon? Naghahamon ang loko. Sige nga. Tumayo ako at lumakad patungo sa west wing. Nilampasan namin yung grandstand. Wala nang gaanong mga estudyante sa paligid, tapos na kasi ang lunch break.

"Sa private lake uli?" agaw niya sa atensiyon ko.

"Bakit, ayaw mo?"

"Gusto po." he smiled.

Inirapan ko siya. Kung maka-smile parang tutunawin ang puso kong nagmamatigas and I hated him for that. He bent down and faced the gate for me to climb over to the other side at sumunod siya pagkatapos. Itinuro niya yung wooden bench na nandoon at inaya akong umupo, sa halip ay inirapan ko siya at umupo ako sa damuhan.

Pinanood ko ang mga tutubing lilipad-lipad sa ibabaw ng lake. Saka ko lang napansin na gumagana yung fountain sa gitna ng lake and wow, it's beautiful. Na-trimmed rin yung mahahabang damuhan last time we were here, mas maganda at maaliwalas ngayon.

"The fountain is more beautiful at night, may mga led lights in different colors that lights up at night and it reflects when the fountain is running."

"Ganon? Ba't alam mo? May iba ka pa bang dinadala dito?"

"Wala." Sinimangutan niya ako.

SGANF #2: BROKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon