"Ruel, may naghahanap sa iyo, nasa corridor." Narinig kong sabi nung pinagtanungan kong classmate niya.
He is sitting in front of Marianne-look-a-like at naghaharutan. That smile of his, I'm starting to hate it to the core, pero kung sa akin lang ba ukol eh baka ipa-frame ko pa.
Lumingon siya sa kinatatayuan ko, frowned his forehead and nodded, tapos ngumiti uli sa kaharutan niya.
"Sorry, miss, hindi ka raw niya kilala." Sabi nung classmate.
Ganon? Hindi kilala ha, tingnan nga natin kung mababalewala mo pa ako. Pumasok ako sa classroom nila at nilapitan siya sa kinauupuan.
"Ruel, ibinabalik ko lang itong PE uniform mo, salamat sa pagpapahiram, nilabhan ko na, hand wash pa at hindi washing machine, pinlantsa ko na rin, sayang at hindi na mainit napaso ka sana." Hinablot ko ang kanyang kamay at isinukbit dun yung plastic bag na may lamang uniform.
"And oh by the way, I canceled your order for the new uniform you asked, sayang naman kung itatapon mo lang ito, pinaghirapan ko pa namang labhan yan noh kaya pagtiyagaan mo." Irap ko sa kanya bago ako lumabas.
I'm so proud of myself dahil hindi ako nagsisisigaw don, I did it calmly. Tinapik ko ang sarili kong balikat saying I did a good job for holding my temper.
Well done! Puri ko sa sarili. At bakit hindi, kung sa ibang sitwasyon lang ako siguradong nagwala na naman ang bunganga ko but this time ay talagang nagtimpi ako so I'm proud of myself.
Dahil sa gulat ko ng may bigla na lang humablot sa aking braso, mabilis at malakas kong naitulak kung sino man iyon, and found Ruel on his butt leaning on the still wet plants from last night's rain. Natawa ako sa hitsura niya, pero agad ding bumawi at tinaasan siya ng kilay.
"What's this?" galit ang kanyang tono.
"Ahas, matuklaw ka sana." pamimilosopo ko, alam na nga niyang uniform niya iyon magtatanong pa, hmp!
"Why did you do that?"
"Ang alin, ang sumingit sa paghaharutan nyo ng super crush mo?" hindi ko napigilang itaas ang kilay sa inis.
Natameme siya, marahil ay nagulat na ang kanyang secret ay nabuking ko na. "How did you know that?" pagtataka pa rin niyang tanong.
"You should look at yourself in the mirror kapag kausap mo siya, tulo laway ka na parang asong ulol, at kung makangiti ka, dinaig mo pa si joker ng batman. May palihim-lihim ka pa eh ang bobo mo naman pala pagdating sa ganyan. Sa tingin mo ba hindi pa niya alam na crush mo siya, well sorry ka na lang dahil obvious na obvious ka na noh! Baka nga pinagtatawanan ka na lang niya eh wala ka pang kaalam-alam!" Ohhhh shit!
My mouth dashed to the finish line again, dapat ko na talaga ipaayos 'tong preno ng bunganga kong sutil.
Namula ang kanyang mukha. Babae siguro ito in his past life, kung makapag-blush dinaig pa talaga ako. Hindi uli siya nakapag-salita. Nakatingin lang siya sa akin na parang nagtatanong if which side of planet Mars did I come from?
"Can I go now?" I broke the silence between us.
"You're Cass..." Sabi niyang mahina.
Nagtaka ako. "Ako nga, bakit?"
"You're the Cass of the Daredevil group." Ulit niya.
Tumaas ang kilay ko, dalawa pa. "Yes, and so?"
"Am I your target for this year?" nakabawi na siya sa pagtameme, ngayon ay medyo galit na ang tono nito.
"What? Anong target ang pinagsasabi mo?"
BINABASA MO ANG
SGANF #2: BROKEN
ChickLitShe loved him; though he didn't want her. When he finally did; she was left hurting. SGANF #2: Cassey in BROKEN SECOND WORK 2014. Book 2 of SGANF Series: Cassandra Mae in You Broke Me ATTENTION: THIS BOOK HAS BEEN COMPLETED AND AM NOT PLANNING...